Tag Archives: Photography

GOOD MORNING PHILIPPINES

Sa kabila ng napakalaking kompetensya at dami ng mga pahayagan sa pagkuha ng palatastas sa bansa, nakatutuwang isipin na may mga bago na naman tayong bubuksan na pahina sa pagmulat ng ating mga mata sa umaga. –Good Morning Philippines.

‘Yan ang bagong pahayagan na nagsisirkula na sa bansa. Titulo palang positibo na. Lalo na kung papansinin mo ang pagkakalayout. Parang magazine style kasi ang dating sakin, hindi sya yung tipikal na pustura na makikita natin harapan orninaryong pahayagan.

Nagsimula ang pre-issue nila noong pagdiriwang ng kapanganakan ni Rizal na naakma naman sa muling pagsilang ng mga bago at napapanahong balita.

Masyado akong interesado kapag may mga ganitong pangyayari. Isa kasi sa greatest dream ko ang makapagtayo ng isang publication. At dahil pangarap naman ito, gusto ko sana hindi lang isang pahayagan kundi mayroon pang isang magazine. (na ang mga manunulat ay kapwa blogger :-) hoho). Ang sarap isipin na kung sila ay nagawa nilang mag pundar, sana balang araw ako din.

Naiinggit talaga ako!.

Ewan ko ba, pero noong nasa elementary ako, inggit na inggit na ako sa mga section 1 samin parang sila lang kasi ang may karapatan magsulat sa school paper namin. Noong nasa highschool naman ako parang ganun din, ang siste panay special section lang, o siguro kinulang lang talaga ako sa lakas ng loob para subukan.

Pagtungtong ko naman noon sa kolehiyo, mas lalong sumaklap ang hangarin ko, dahil hindi ko nakuha ang kursong mass communication. Kung hindi kasi sa sitwasyong sarado na ang ang kursong gusto ko e sa sitwasyon minalas ako –bagsak sa entrance exam hoho..

Mabuti na lang sa kabila kamasmalasan sa hindi pagkuha ng pagdadalubhasaing propesyon ko sana, e.. mabuti na lang talaga napadpad ako sa masasabi nating bahagi pa rin ng kumunikasyon –ang imprentahan.

Sa ngayon isa akong Layout Artist sa isang pahayagan matapos ang kursong printing technology.

Puwede pa rin naman matupad ang pangarap, kaya sa mahigit tatlong taon kong pagkakapako sa upuan ko sa nasabing kumpanya.. pinag-aaralan ko lahat ng puwede kong pag-aralan sa pagpapatayo ng imprentahan. Siguro iyon na rin ang dahilan kung bakit ayaw ko pa talaga lisanin ang trabaho ko sa kabila na maliit na sweldo.

Suntok sa buwan man ang pangarap ko dahil sa mga natutuklasan ko, katulad ng: Magkano ang gastos sa isang araw ng isang publication? Paano makakakuha ng advertiser? paano mahihikayat ang masang bumili ng dyaryo ko? at iba.

Isipin mo kasi, kung sa isang araw ang payable ng isang kumpanya ay pumapalo na P 100.000.00, kasama dito ang papel , transportasyon at iba pa, ibig sabihin sa 10 araw ay isang milyon na! Paano kung nagsisimula pa lang, hindi naman puwedeng sa isang buwan kumita ka na agad.

Kulang ang tatlong milyong piso na puhunan sa isang buwan kung susunurin ko ang pangarap ko sa pagpapatayo ng pahayagan.

Ang taas talaga ng pangarap ko.. parang suntok talaga sa buwan! Hoho.

Naaalala ko lang sinabi sakin ng guro ko sa Business Management. “Walang yumayaman sa pangangamuhan, kung pangarap mong maging mayaman mag negosyo ka”.

Totoo naman di ba? Pero dapat daw hindi lang ang pangarap mong yumaman ang lagi mong iniisip para umasensyo ka. Ang dapat, marunong ka ring mangarap para sa kapwa mo katulad ng pangarap nilang pagkakaroon ng matinong trabaho, at simpleng mamumuhay.

Hindi lahat ng taong katulad ko’y matayog kung mangarap, syempre ang iba sa atin simple lang kung mangarap. Pero kung iisipin mo, konektado din pala ang lahat kasi habang nangangarap tayo ng pagkataas-taas, may mga simple din palang pangarap na naghahantay lang sumalo para sa mas mainam na hangarin sa buhay.

Marami pa namang pahina at mga balitang darating sa buhay ko na hindi ko pa nabubuklat.. siguro kung may A-Z ang section ng dyaryo ko siguro nasa Business section pa lang ang binabasa ko. Depende kung saan ko unang  babasahin di ba?. Meron pa akong Editorial, Entertainment, Sports, Travel and Leaving, Arts and Lifestyle, Photography, Info Tech, Motoring, Property, Shipping… kasama na rin ang crossword. Hoho.

Kaya ugaliin nating magbasa, malay mo may bago kang pangarap na matuklasan.


ARAW NG MAYNILA

Pinagdiriwang ngayon ang ika-438 pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila at dahil Manileño ako mag kukuwento lang ako ng konti. hehehe :)

Ang totoo Caviteño talaga ako pero dahil sa botante na ako sa Maynila, siguro Manila citizen na rin akong maituturing. Pero di ko pa rin naman itinatakwil ang lupang sinilangan ko -ang Cavite, alam ko pa nga himno namin e.

Bayang Cavite, aming mahal
Laging Patnubay ng Maykapal
Sa yakap mo ay langit ay buhay at laging makulay

May isang siglo ang nagdaan, Bayan mong Kawit na kung saan.

Ay Isinilang ang Kalayaan ang lahat ay nagdiwang……

Cavite… Cavite.. ang lalawigan kong mahal

Mahal kita, Cavite… tangi ka sa Maykapal.

Cavite… Cavite… lagi ka puso ko.

(tama ba?) Nyahahaha..

at Alam ko rin naman kantahin ang Himno ng Maynila

Tanging Lunsod, naming mahal
Tampok ng silanganan
Patungo sa Kaunlaran
At kaligayan

Nasa kanya ang pangarap
Dunong lakas, pag-ulad
ang Maynila tanging perlas
ng Bayan ngayon bukas..

Maynila, o Maynila
Dalhin mo ang bandila

Maynila, o Maynila

At itanggahal itong bansa..

Oha! (napakanta ka no?)

Btw, dahil dito na’ko sa Maynila nag-aral ng High School at College, madami na rin akong napuntahan, sa kabilang banda kahit itapon mo na akong tulad ng pusa (tigilan nyo na yun magagalit ang PAW) ay hindi na ako maliligaw.

At dahil lakwatserong-gala ako hindi mawawala ang camera ko sa bag, kaya nagkakaroon ako ng pagkakataong makakuha ng mga larawan.

At dahil doon umusbong na naman ang pangarap kong maging Litratista. noong una, sabi ko kung mabibigyan ako ng pagkakataong maging photographer gusto kong masabak sa mga ambush picture yung parang paparazzi ba? o kaya kung tipong nagkakapukpukan na ng mga batuta at nagliliparan na yung mga streamers sa rally. Ayun yung pangarap ko!

pero dahil maliit akong tao, kahit na advantage yun sa paglusot sa mga paa ng mga kapwa mo litratista disadvatage pa rin ito kapag nagkakasiksikan na at nagtataas na ang mga camera ng mga kapwa mo photographer (e yun naman ay sa pagiging ambisyoso lang).

Sa ngayon, sinasanay ko muna ang sarili sa pa click click lang at sinasanay munang makipagbuno sa sariling kakahayan bago sumabak sa totoong laban.

E ano ba relasyon nito sa Maynila?

Noon pa man pinangarap ko ng mapublished ang mga kuha ko di naman kagandahan pero ayos na rin kaysa sa Wala Nyahahahah :D ..

Ayun,  dahil sa pahayagan ako nagtatrabaho bilang layout artist nagkaroon ako ng pagkakataong isama ang mga kuha ko.

Ang totoo no choice lang sila kaya ayun uli, libreng libre ko itong napublished (bili kayo ha) kung wala kayo mabili sa labas tawag lang kayo 521-55-84 look for otep. Nyahahahahaa toinks!

page 9

Basa ba by line ko?

page 10 june-24-09

Oha, isang katuparan na naman, sabi ko naman sa inyo libre lang e :D


%d bloggers like this: