Halos isang buwan na rin buhat noong huli akong nakapanood ng sine, Orphan pa nga ‘yata yung huli kong napanood.
Dati na naman akong nanonood ng sine mag-isa pero buhat noong nasanay akong manood na may kasama, parang tinamad na ako manood mag-isa.
Ang entry kong ito ay para kay Lovely, naikwento ko na rin kasi sa kanya ito ukol sa mga pinagdadaan nyang kaemohan sa buhay ngayon lols. Ang blog post ko ring ito ay igi-guest blog entry ko sana kay Lei. Napapansin ko kasi puro patungkol sa pag-ibig ang kanyang mga posts. Sabi ko, baka puwede doon dahil ayoko na na mag post ng love entry dito
lols .
Kamakailan, pumunta ako sa bahay ng isang kaanak. Nagkataon naman na halos hating gabi na ako nakarating doon. Hindi pa ako dalawin ng antok, at ni-wala din naman akong makausap. Habang nanonood noon sa televisyon nalingon ako sa umpukan ng mga DVDs hinalungkat ko ito, medyo nakornihan lang ako dahil puro tagalog movies ito at hindi naman ako mahilig doon maliban sa mga indie films na makabuluhan (hindi x-rated ha) lols. yung mga mala: HAW-ANG at BATAD -isa sa pinakapaborito ko at marami pang iba.
(Mabalik tayo sa usapan) Habang naghahalungkat ako ng pelikulang maaaring pakinabangan mapanood, may nalaglag na isang DVD – iyon ang Ploning. Medyo kinurot lang ako ng kukuryusidad ko kaya nagawa ko itong isalang. Pumasok kasi yung tanong na bakit ito napili bilang maging kinatawan ng Pilipinas sa Oscars noon?
Sa totoo lang habang pinapanood ko ito medyo naguguluhan ako sa istorya na nagiging dahilan para mas panoorin ang pelikula. Kakatuwa nga dahil sa unang pagkakataon nakapanood ako ng filipino film na may tagalog sub title.
Pero maliban doon may mga dahilan pa kung bakit mas lalo akong tumututok -dahil ito sa mga winiwika ni Ploning.
Hindi ko alam kung bakit, pero tila ako ang sinasabihan ni Ploning noong winika n’ya ito
“hindi ba mas masarap isipin na kaya ikaw ang mas nasasaktan, ay dahil ikaw ang mas nagmamahal?
may dahilan ang lahat…”
Bakit hindi ko agad naisip ‘to? na napakapalad ko dahil ako ang mas nasasaktan. Siguro tama nga ang sabi nila na ang pag-ibig lang ang aspeto ko pagdating sa kalungkutan.
Siguro tama din ang sabi nila na by choice din ang pagiging malungkot ganun din ang kasiyahan.
At siguro masyado kong pinapasok ang kalungkutan kaya masyado akong nasasaktan.
“May dahilan ang lahat” -at kahit hindi ko pa alam ang mga dahilan na iyon, alam kong alam kong may mga dahilan naman para maging masaya sa buhay.
Ang pangarap na pag-ibig ay nakapaghihintay at tulad ng pelikula ang lahat ay ginawa para kapulutan ng aral.














