Tag Archives: SANDRA AGUINALDO

DEADLINE


i-witnessHindi ko alam kung bakit ang hilig-hilig ko sa deadline, yung tipong gagawa ka kapag last two minutes na lang. Siguro namana ko lang ito sa kasabihang “Huli man at magaling, nakakahabol din” -magaling nga ba? Nyahahahahaha lols. :D

Kagabi , August 17, 2009 (Monday) ang deadline ng submission ng entry/essay tungkol paboritong episode na napanood sa I-Witnesss kasama ang sariling resume. Ang mapipiling mga essay ay makakasali sa 2nd I-Witness docu Seminar na gaganapin sa SM Megamall sa Sept 19, 2009.

May dalawang paraan para i-sumite ang entries sa pamamagitan ng e-mail (iwit.docufest@gmail.com) o sa pamamagitan ng pagpapadala mismo ng sulat sa  I-Witness, 2nd Flr. GMA Network Center, EDSA cor. Timog Ave., Diliman, Q. C.

Noong April 5, 2008, Ginanap ang 1st I-Witness docu Seminar sa parehong venue at 80 participants lang ang napili. Hindi ko lang alam kung walumpung katao pa rin ang pipiliin nila ngayong taon.

Sana mapili ako, dahil pangarap ko talagang makagawa ng dokyumentaryo pagdating ng araw,

at narito ang essay na pinagputayan ko kababi :D

Salamat kay pareng Mark sa pagsama sa’kin habang sinusulat ko ito :)

BOSES UPOS

Sa isang tahanan kung saan namulat akong may ulap na umaaligid sa apat na sulok nito, maraming mga tanong sa aking kabataan ang mahirap maunawaan at ngayo’y pinanghahawakan bilang isang napaka-laking aral. Ngayong nasa sapat na akong gulang, mapapatanong ka, kung sa paglaki ko’y kasama ko pa rin itong naninirahan o sadyang hinayaan na lang sa hangin upang maglakbay.

Kung may episode man ng I-witness na tumatak sa aking puso’t isipan at lumapit ng husto sa aking buhay na masasabi ko ring paborito ko, ito na marahin ang Boses Upos ni Howie Severino.

Isang lingo bago ang pagtatapos ko sa elementarya at sa sekondarya naman ang kuya, binawian ng buhay ang aming ama. Mataas na dugo, sakit sa puso at baga ang naging sanhi na kanyang kamatayan. Bunga ng kanyang pag-inom ng alak at labis na paninigarilyo. Masakit isipin, pero ang bisyo n’ya ang kumitil sa sariling buhay.

Habang pinapanood ko ang nasabing episode, patuloy na naaalala ko ang aking ama. Iniisip ko, sakaling nabuhay kaya s’ya, hahantong din kaya s’ya sa sitwasyon tulad ng napapanood kong karakter sa programa?

At habang pinapanood ko iyon, hindi ko maiwasang matawa dahil mistulang mga nagsasalitang robot sila. Masasabi kong napakasining ng pagkakabuo ng bawat eksena sa dokyumentaryo. Alam kong mabigat at kalunuslunos ang sitwasyon ng mga karakter –seryoso. Pero sa tulong ng programa nagagawa nitong pagaangin ang paghahatid ng kuwento. Masasabi kong nagbibigay din ito ng inspirasyon sa mga taong hindi nakaiwas sa tawag ng bisyo na ngayon at nahaharap din sa parehong senaryo.

Ang episode din ay nagbibigay aral sa mga kabataang tulad ko na habang may pagkakataon pa ay umiwas na sa paninigarilyo.

Sabi nga nila ang bawat sanhi ay may bunga, bilang isang empleyado ng isang pahayagan sa advertising department, napag-alaman ko na buhat noong naisabatas ang pagpapatigil ng mga anunsyo o advertisment ng mga prudokto ng sigarilyo, naging malaking kawalan  ito sa mga negosyo tulad ng dyaryo at telebisyon.

Hindi daw kasi sapat ang mga salitang “Cigarette smoking is dangerous to your heath” upang ilayo ito sa mga minor-de-edad ganoon din sa mga may sapat na gulang.

Ganoon pa man, may nakakatuwang sitwasyon doon na naalala ko habang ipinapakita at inaalok ni Howie Severino sa mga nagdadaan ang pakete ng sigarilyo na may larawan ng mga biktima ng labis na paninigarilyo habang binabanggit din ang mga salitang “Yosi, nakakabaog daw ‘to” at mukhang epektibo naman ito dahil halos walang gustong kumuha ng sigarilyo.

Marami ng nagawang hakbang ang ating gobyeryo kabilang ang kagawaran ng kalusugan ukol sa masamang epekto ng paninigarilyo. Isang hakbang na nga, ang pagpapatigil sa pag aanunsyo. Pero sabi nga nila sa isang hakbang na nagawa o nabuo ay tiyak na may mababago, sa mga negosyante man o sa simpleng mamamayan.

Pero hindi ba’t mas maganda kung tayo, bilang isang simpleng tao ay sa atin mismo muna magsisimula ang hakbang para makaiwas at magbago.

Dahil sa episode na ito, maraming tao, lalung-lalo na ang mga nakapanood ang nalinawagan ukol sa usaping ito at mga bagay na maaaring maganap sakaling abusihin natin ang sarili.

Sabi nga nila sa kamalian tayo natututo, at sa tulong ng mga taong nagpatotoo dito hindi ito naging hadlang sa kanila upang kahit sila, na minsang nagkami ay hindi nagdalawang isip na lumabas upang ipakita sa lahat kung anong naging sanhi sa kanila nito, bagkus naging modelo sa pagbabago at pagkakaroon ng pananalig at pag-asa.

Anila, kung namuhay ka sa isang tahanan na may isang naninigarilyo, at nakikita mo ito lalo na sa mga nakakatanda sa’yo, Hindi nakakapagtaka kung baling araw ay hihithit ka rin nito. Mapalad ako dahil hindi ko, ‘to kinahiligan. Siguro dahil alam ko ang kinahinatnan ng magulang ko matapos ang pangyayaring iyon. Dahil sa ama ko malaki ang ang natutuhan ko, kung labis akong aabuso sa sarili ko. At tulad ng episode na ito malaki din ang natutuhan ko hindi lang sa sarili kundi maging isang taong handang maging gabay din upang hindi nawalan ng pag-asa ang isang taong nalubog na pagsisisi tulad ng ginagawa ni Emer Rojas na huwag mawalan ng pag-asa at hindi pa huli para magbago.


ANG PANGARAP NI BENJIE


Sa mundong ating kinagagalawan mahirap tanggapin na sa realidad ng buhay ay mayroong hindi pagkakapantay-pantay. Mayroong may kapintasan, mayroon ding kaakit-akit pagmasdan, may mahina sa mga bagay-bagay at mayroon din namang pinagkalooban ng kakayahan at ang pinakamasama (para sa’kin) ay may mahirap at mayaman.

Maraming beses na rin akong nagtanong patungkol dito, lalung-lao na sa pagiging maralita at makapanghariyan. At sa mga munting kasagutan mula sa mga tanong tulad ng: Kung walang maliliit na tao, sino daw ang magiging basurero?, Sino daw ang magtatanggal ng mga bara mula sa lababo at poso-negro?

Kung iisipin nga naman, kung ikaw ay isang edukadong tao, maaatim mo ba ang ganitong kabahong (literal) trabaho?

SYEMPRE hindi!, kaya ka nga nag-aral para hindi mo maranasan ang mga ganitong uri ng hanap-buhay.

AT ITO ANG PUNTO KO.

boy-kahoy2Kagabi, pinanood ko ang I-Witness episode ni Sandra Aguinaldo ukol sa mga “BOY KAHOY” at gaya ng pagkakaintindi na’tin sa titulo, patungkol ito sa mga batang magkakahoy na sa murang edad ay nagbabanat na ng mga buto, hindi lang para sa sariling pangangailangan, kundi para din sa kanyang pamilya. upang matugunan ang mga dumadaing at kumakalam na tiyan.

Gaya mo at gaya ko, may kan’ya-kan’ya tayong pangarap sa buhay… pangarap sa sarili.., sa pamilya at kahit sa bayan. At tulad ni Benjie ay may pangarap din sya, hindi man kasing tayog pero tila napakahalaga.


..gusto kong.. may masuot na maayos , para hindi ako marumi tignan..

..PANGARAP ko lang makapagtrabaho ako e, kahit anong trabaho okey lang sa’kin…

..magkabalikan sila.., para tatay ko po bubuhay sa’min…

-Benjie

May halong supresa at pagkamangha ang narinig ko mula sa binitawang salita ng bata. At sa daloy ng pagsasalaysay ni Sandra, Driver pala ang pinapangarap maging trabaho ni Benjie, hindi personal driver, hindi rin Jeepney o taxi driver kung hindi isang driver ng truck ng basura.

Hindi sa pag-e-emote, pero tila pinahiya ako ni Benjie. Tinira ako habang nakatalikod ng walang kalaban-laban mula sa napakatalim n’yang pangarap na hindi ko naisip ni minsan.

May mga naisip akong dahilan kung bakit iyon ang napili n’yang pangarap:

Marahil dahil sa kawalang pag-asa sa buhay kaya ganoon n’ya na lang nakikita ang sarili sa paglipas ng panahon.

Maaari ding naisip n’yang malabo na s’yang makapag-aral kaya mas tumimbang sa kanyang pangarap na makapagtrabaho agad kaysa sa pag-aaral.

Pero anu’t ano pa man iyon, ang pagbuo ng isang mumunting pangarap ng tao, lalung-lalo na sa kabataang tulad ni Benjie at napakahalaga. Dahil sa munting pangarap na’yun, unti-unting sisikat ang liwanag ng pag-asa.


I-WITNESS DOCUFEST 2008


Hindi na siguro lingid sa inyong kaalam na isa akong I-witness fanatic in other word “adik” nyahahaha

Lahat yata ng docufest simula noong nagsimula ito ay lagi akong nanonood (hindi ko sinabing mag cut din kayo ng klase) pero nakakatawa lang talagang isipin, kasi nagagawa ko talaga lumiban sa klase noon para makanood nito, noong college ako. Nagkataon kasing may class ako tuwing saturday.

Baka isipin nyo masamang impluwesya sakin ng i-witness ha, hindi no, kasi mas lalo akong ginagahan mag aral na makapagtapos para, makapag aral uli at kuhain ang totoong gustong kurso, hehehe ayun nakagraduate naman kaso,

hindi na uli ako nag-aral, nakahawak na ng pera e’.


btw, bukod sa i-witness dokyufests, nanonood din ako ng sine totoo, dati kasi sa sinehan talaga yun pinapalabas ngayon nasa TV na, si Sir Howie ang host,


Bukod sa Sine Totoo, pumupunta din ako sa DVD autograph signings, yeah kinokolek ko kasi yun, sa ngayon konti na lang makukumpleto ko na, ipon pa ng pambili.


At ang pinaka-masaya pala, isa ako sa napili noong nagkaroon ng I-witness docu seminar, dami nga nagalit sa’kin, kasi ang yabang ko daw, pero iniisip ko na lang na inggit lang sila kasi hindi sila napili.. hehehe joke! mabait ako no. (pag tulog)


Kaya nga yun, para magtuloy-tuloy ang panata ko nanood uli ako ng I-witness Docufest 2008 na ginanap sa Gateway sa Cubao..


Kasama ko ang ex-classmate ko na si Aneng, buti nga may nakasama ako, dati kasi ako lang mag-isa nanonood.

Sa mga hindi naman nakanood nitong sabado may chance pa naman kayo manood sa sabado uli narito ang schedule:


OCTOBER 11 (SATURDAY):

SCREENING 1 – 11:00 AM to 1:00 PM”Katay Kabayo” by Sandra Aguinaldo”Alaga” by Kara David”Batang Langoy” by Jay Taruc”Si Gob at ang mga Bugador” by Howie SeverinoSCREENING 2 – 2:00 PM to 4:00 PM”Batang Kalabaw” by Jay Taruc”Biyaheng Sikmura” by Kara David”Boses Upos” by Howie Severino”Iskul Ko No. 1″ by Sandra AguinaldoSCREENING 3 – 5:00 PM to 7:00 PM(Repeat screening 1 Line-up)Docu-Making Contest WinnerOPEN FORUM WITH HOSTS – 7:00 PM to 8:00 PM

Nakakalungkot lang, kasi tatlong host lang ang dumating sa forum ibig sabihin hindi

nakarating si Sir Howie, kaya pupunta ako uli sa saturday,

Tinamad kasi ako magpa autograph at magpapicture sa sobrang daming tao at haba na rin ng pila, isa pa para makabili na rin ng DVD.. yee bee!!


kitakits uli sa sabado. :D



%d bloggers like this: