Tag Archives: Saranggola Blog Awards Night

DEAR BUM EQUIPMENT

Noong nasa grade school ako, pumapasok ako na naka-tsinelas lang, may puti akong damit pero madalas de-kolor (pambahay) dahil nag iisa lang ang uniporme ko, meron din akong short na uniporme pero nag iisa lang din ito (Paawa effect lang). Gusto ko lang malaman nyo na kinamulatan ko ang realidad ng buhay bilang isang batang mahirap. In other words natulog ako na mahirap pagkagising ko mahirap pa din. Ambisyoso lang talaga ang nag-iisip na pagkagising nila mayaman na sila. Ang bobo lang kasi! kala nila kapag nanalo sila ng lotto sa panaginip, pagkagising nila nasa harap na nila yung pera. Hindi dapat isisi ang kahirapan dahil kinamulatan mo lang ito. (Ang trying hard ko mag sulat ngayon.) haha

Gusto ko lang ikuwento yung mga panahong nag-iisa lang ang short ko noong nasa grade school ako. Hindi ko sinasadyang sa pag-uwi ko ng hapon sa tahanan namin, mula sa pakikipag-harutan sa eskwelahan ay nakatulog na lang ako bigla. Hindi na ako nakapag palit ng uniporme. Pagkagising ko, laking gulat at pagtataka ko na lang nang biglang ready to school agad ako!.. instant! naka bihis pampaaralan na pala ako :D . Kaso ‘pre may problema. Sa sobrang pagod ko pala kakalaro noong maghapong iyon hindi sinasadyang napaihi pala ako sa gitna ng himbing ng aking pagkakatulog. Periodical Exam namin nun.. (hindi daw dapat periodical tawag dun) kaya hindi puwedeng lumiban sa klase. Ayaw ko din naman lumiban dahil bartolina ang katapat nun -bawal lumabas ng bahay. Kaya sa kabila ng nakakasulasok na amoy mapanghe e nagawa ko na lang suutin iyon muli. (yuck! kadiri talaga).

Pagpasok ko hindi naman naamoy agad yun ng mga kaklase ko, pero dahil find your height ang cheating arrangement namin noong mga panahon na iyon kaya nasa harapan ako. katapat ng table ni ma’am Teroso (RIP)..

“Ang panghe ha! sino na naman ang umihi at hindi nagbuhos ng CR!?”

Dahil masipag akong bata, ako yung nautusan ni mam. Pag balik ko…

“Ang panghe pa rin! (medyo galit) hindi CR ang nangangamoy kundi kayo!”

umepal yung kaklase ko at inamoy-amoy ako:

“Zablan, ikaw yata yun! ang panghe mo” (sabay nag mukhasim)

Gusto kong sabunutan classmate kong babaeng nun at sabihin sa kanya “Oo ako nga yun! Pagkalat mo pa! Ilakas mo pa! gusto mo ngudngud pa kita sa loob ng short ko!? ilakas mo pa! waaaaaaaaaa  haup!”

Matapos noong pangyayaring iyon naging aral na sakin ang matulog ng wala ng short, na dala ko hanggang sa paglaki ko ngayon (pagtanda pala). Joke lang may boxer brief naman ako matulog.

Pero ang totoo nyan, doon nagsimula ang isa sa mga pangarap ko na magkaroon ng isang magarang aparador na nakasalansan ang lahat ng damit ko according to color at nakatiklop ng maayos. Gusto ko magkaroon ng matitinong damit kahit hindi naman de-signature at branded.

Kaya noong nagkawork ako kahit nasa mahigit 20 years old na ko.. sa teen/boys teen parin ako namimili ng mga damit ko. Namimili din naman ako sa men’s wear pero nalalakihan kasi ako sa mga sizes e.

Isa ng sa paborito kong clothing line ay ang BUM Equipment bukod kasi sa emo-emo ang shirt/pants nila e saktong sakto lang sakin. May nag tip kasi sakin para hindi ako magmukang punggok e magsuot ako ng pantalon na medyo skinny at mga damit na hindi ako magmumukhang rapper sa laki.

Ilan nga sa mga nabili ko na yung nasa taas ^ jacket, t-shits, 3/4, may hood at kung anu-ano pa.

Minsan lang ako bumili ng pantalon sa isang taon.. mga dalawa, kalabisan na kapag nakatatlo ako.

lately, medyo hindi ko na masara yung pantalon ko size 27 ako pero 28 ang binibili ko. Nagulat na lang ako noong huling sukat ko nasa 30 na ang bewang ko!. Gulat much talaga!.. ito na yata ang karma sa mga panunukso ko sa mga matatabang kakilala! AKO NA BABOY!. hindi naman ako mataba. Malaki na lang talaga ang bilbil ko.

Kinabukasan.. SBA na! pinaputulan ko agad yung pantalon na nabili ko para magamit ko agad. Isa pa xmas party daw din ng Saranggola Blog Awards. E di ba ganun naman pag xmas party kailangan bago ang damit? hahaha lels.

Kakalungkot lang kasi nakapa ko na lang na wala palang botones yung bulsa ng pantalon ko sa likod. :’(

Hindi ko alam kung nabili kong walang botones o natanggal noong pinaliitan ko. pero the fact na natanggal yun ng ganun kadali ibig sabihin hindi ganun kaganda ang pagkakalagay.

Medyo na disappointed ako sa BUM Equipment kasing disappointment sa pagkakalaki ng tiyan ko.

Mukhang hindi ko na mapapapalitan yung pantalon ko dahil bukod sa napaputan at nagamit ko na ito, wala na yung resibo.

Kaya para sa BUM EQUIPMENT iwasan nyo na ang pagdedesign ng pantalon na may butones sa sa puwetan mabilis mawala.

Ang sagwa tuloy ng pantalon ko yung kabilang puwet meron yung kabila wala.. parang nakakindat lang hahaha..

Minsan lang makabili ng mahigit isang libong halaga ng pantalon palpak pa.

pero sabi nga kapag may nawala madaming babalik. Malay mo umulan ng botones! hahaha. :D

——-

Commercial:

Ang Libre Lang Mangarap ay nasa pinal na listahan ng TABA Kalsada Blog Awards sa kategoryang “Best in Filipino Blogger of the Year” ngayon taon, sa unang pagkakataon. Sa nais bumoto at utu-utong pang best in filipino nga ako punta lang kayo DITO at hanapin ang nasabing kategorya :D o i click ito TABA

Salamat.


%d bloggers like this: