Tag Archives: Saranggola blog awards

AKO SI OTEP, LAKING BULIHAN

Ito na ang bahay namin ngayon, ang lala na sobra! apat na pamilya na kasi ang naghahati-hati dyan, pero kahit ganyan na yan at mukha ng squater area. haha Diyan po ako unang bumuo ng pangarap ko :)

Literal nang malayo ang narating ko. Sumakay sa mga bus na dumadaan sa kilo-kilometrong pazigzag at paakyat na lugar tulad ng sa Sagada at Baguio.  Sumakay ng eroplano at nagpaindayog sa hangin dahil sa milya-milyang layo makarating lang sa Davao at Iloilo. Sumakay ng mga bangka at barko habang magkaduwal-duwal sa mga hampas ng alon makapunta lang sa Guimaras at Mindoro. Mabasa man ng ulan o masunog ang balat sa tag-araw walang makakapigil mapuntahan lang ang mga pinapangarap kong lugar.

Continue reading


“AMAZING RACE”

Isang media network sa bansa ang naglunsad ng bagong programang pantelebisyon hango sa isang reality show sa Amerika -ang The Amazing Race. Bagama’t marami itong pagkakatulad sa orihinal na palabas tulad ng paglibot sa iba’t ibang lugar at mga pagsubok, malaki pa rin ang pagkakaiba nito dahil ang mga kalahok dito ay pawang may mga kapansanan. Paano kaya nila malalagpasan ang lahat ng pagsubok at sinu-sino kaya sa magkakaparehang sina Bulag at Duling, Pipi at Ngongo, Pilay at Sakang, at magkaparehang sina Bingi at Kuba ang mangunguna at tatanghaling kauna-unahang mga Amazing Race champion?

Continue reading


“MGA ANGEL NA PUTOL ANG PAKPAK”

Ilang araw bago ang huling araw ko naman sa opisina (yeah resigned na ako) :D , nakatanggap ako ng invitasyon mula kay Kuya Blue (Bernard Umali) upang samahan s’yang magbahagi ng mga laruan at saglit na kasiyahan sa mga batang sabihin na nating hindi nabigyan ng magandang pagkakataon para makasama ang kani-kanilang totoong pamilya.  Continue reading


%d bloggers like this: