Tag Archives: Starbucks

PANGARAP MO BA MAG-ABROAD?

PABATI: Hi! Best Friend Edison, kamusta naman Van?, zup! Gerry, hey! Lhon at elo Rai.

. . .

Yeah. sino bang tao ang ayaw mag-abroad diba?

Ang makapunta sa mga pinapangarap na lugar sa iba’t ibang bansa tulad ng Great Wall sa China, Safari, Las Vegas at kung anu-ano pa.

Pero sabi ko nga, bago ko muna mapuntahan ‘yang mga lugar na ‘yan, mas pipiliin ko munang puntahan at mapasyalan lahat ng magagandang lugar dito sa Pi’nas (kasama Bhe Bhe ko) tulad sa SAGADA, BATAD, CHOCOLATE HILLS, APO/DAVAO at marami pang iba.

Pero sa kabilang banda, ang pag-aabroad ay isang payak na salita na para sa karamihan na ang ibig sabihin ay pag paghahanap-buhay sa ibang bayan.

Nakakalungkot mang isipin pero realidad na ito para sa marami na’ting kababayan, na masakit mang tanggapin kailangan nila itong gawin para din sa kani-kanilang pamilya.

Hindi na rin iba sa’tin ang makarinig ng nakakalungkot na resulta sa pagbalik nila dito sa Pi’nas, mga halimbawa na lang nito ay ang mga napariwala nilang kapamilya, nalulong sa bisyo at kung anu-ano pa.

Wala namang ibang masisi kun’di ang kahirapan, at madalas ang pamamalakad ng mga numumuno sa ating bayan kung bakit ganito ang ating kinahahantungan.

Sa kabilang banda, bakit ko nga ba ‘to nailalahad.?

Nagpunta kasi kami ng Bhe Bhe ko sa Starbucks para mag kopee (malamang)

Ayun, marami kaming napag-usapan ukol sa mga bagay-bagay, pero hindi yun tungkol sa inilalahad ko.

Sa bandang likod kasi namin (medyo katabi ko) may isang babae (ang pretty n’ya) at lalake (wafu din bagay sila), nakakasiguro akong mag jowa ‘yon, ewan ko ba pero gumana ang ka-chismosohan ko, at nagawa kong palakihin ang tenga ko at idikit sa kanila. Napukaw kasi nila atensyon ko sa kanilang pinag-uusapan.

Mabuti na lang busy si Bhe Bhe ko kaka-PSP (Super Mario 3) kaya medyo naka-focus s’ya dun habang kumakain ako.

Ganito ang kanilang napag-usapan (Hindi ko ‘to gawa-gawa ha!):

Lalake: Mabuti ka nga nakatapos e’, ako hanggang high school lang.

Babae: paano yun wala ka ng balak mag-aral?

Lalake: Matanda na’ko no.

Babae: 22 (twenty-two) ka palang naman ha, may classmate nga ko before 32 na may anak na, pero nag-aaral.

Lalake: Kahit na, ako lang inaasahan sa bahay, may sakit pa si Nanay.

Babae: anong plano mo?

Lalake: Mag-abroad.

Natahimik ang Babae, Ewan ko ba, parang may kakaiba dahil natahimik din ako, although tahimik naman talaga ako that time, parang may malalim akong inisip.

Lalake: O’ ba’t natahimik ka?

Ngumiti lang yung babae pero halata ko sa mukha n’ya yung tinatawag na kalungkutan (Soooo emo)

Lalake: Sa panahon kasi ngayon, hindi ka aasenso kung wala ka nang pinag-aralan, high school grad. lang ako, yung iba nga college graduate pero nahihirapan pang maghanap ng trabaho.

Babae: Bakit kailangan mo pang umalis?, edi magbusiness ka na lang, may kakilala nga ako elementary lang yung natapos pero mayaman na ngayon.

Lalake: kasi ikaw nakapag tapos ka na, pagtanda mo wala ka ng aalalahanin pa. e’ ako, walang kasiguraduhan…. lalo na dito ka sa Maynila, hindi tulad sa Probinsya.

Babae: Oo nga daw, sa Province daw kasi basta marunong ka magtanim mabubuhay ka na.

Lalake: Parang ganun..

Natahimik na sila pareho.

Pati tuloy katahimikan ko napansin ni Bhe Bhe

Bhe Bhe ko: Magsalita ka naman

Ako: Sige lang laro kalang, sasabihin ko sa’yo mamaya kung san makikita yung 1-up.

Samantala… Napansin uli ni Lalake na tahimik na si Babae ng tuluyan.

Lalake: hoy, ang tahimik mo talaga.. nakarinig ka lang ng “abroad”, alam mo bata kapa kasi, balang araw maiintindigan mo din ako.

Hindi umimik yung Babae

Lalake: Alam mo matagal pa naman yun, saka kung gagawin ko yun, para sa’tin.

(infairness kinilig ako dun).

Pagkatapos kong kiligin, kinausap ko na si Bhe Bhe ko, baka hindi ko maKeri.. (madala ako) Nyahahahaha..

Haaaayyy… ako kaya mag-aabroad din?

Ayoko Maiwanan at mang-iwan :( emo

 


%d bloggers like this: