MOTTO


Bata pa lamang ako

Kayrami ko nang pangarap

Pangarap na kaytayog at kaytaas


Sabi ko nga sa sarili ko

Okey lang naman mangarap

Basta’t ika’y magpupunyagi at magsusumikap


Subalit kayhirap talagang abutin

Kay hirap tahakin

Ano ba ang dapat kong gawin?


Ginawa ko na ang lahat-lahat

Marating lang ang sa tingin ko’y dapat

Bakit, hindi pa ba nararapat?


Totoo pala ang sabi nila:

Kung gaano ka kataas mangarap,

Sa iyong pagkakalaglag ganuon din kataas


Kayhirap tanggapin

Kayhirap unawain

Bakit ba ganito nag buhay natin?


Patuloy akong nangarap

Patuloy akong nagsumikap

Ginawa ang lahat para sa iisang pangarap.


Maraming beses man akong sumubok

Hindi ako susuko

Para marating ko ang tuktok ng bundok

Kahit pa ang kapalit nito’y isa na namang pagkaka-tapilok.


Dumating ako sa sitwasyong hindi ko na kaya

Sa sarili’y nawalan na ng tiwala at gana

Sinisi ang sarili, pati na rin ang panalanging nagbibigay pag-asa


Hindi naman ako nagkulang sa gawa!

Mas lalong hindi sa paghingi ng awa!

Bakit hindi na lang kasi ako ang mawala!


Tuluyan akong nawalan ng pag-asa

Kasabay ng pagkawala ng pangarap kong kaytaas

Nawala na rin sa isip ko ang nasa taas.


Nakuntento na ako kung ano ang mayroon ako

Kahit papaano masaya na rin ako dito

Hindi ko man nakamit ang aking gusto.


Nawalan man ako ng isang pangarap

Dumating naman ang panibagong hinaharap

Hinaharap na sisikapin

Pangarap na kakamitin.


Hindi naglaon, Nawala rin ang puot

Puot, na sanhi ng sising baluktot

Napag-isip-isip, na mali ang naidulot.


Ngayon ako’y nagsisisi sa aking pagtalikod

At ngayon ay nagbabalik loob

Sa Diyos na nagbuklod.


Marami mang pagsisisi

Marami rin naman akong nasipi

Mga aral na natutuhan sa mga maling nasabi.


Hindi sagot ang pagtalikod sa kanya

Mas lalong hindi sa pangarap na hinihiling sa kanya

Maghintay ka lang at may magmumula sa kanya.


Hindi talaga sa iyo ibibigay agad ang lahat

Kinakailangan mo munang humarap sa talim ng kidlat

Ito’y isang pagsususlit na kailangang pagdaan ng lahat.


Higit sa lahat napatunayan ko

tunay na kahulugan ng motto ko

Na ang lahat na nangyayari sa mundo

Ay may rason na gawa rin ng tao.


Kaya mawalan ka man ng isang importanteng bagay

Isipin mo na may sanhi at bunga itong nakaagapay

Sanhi man nito’y maraming negatibo

nakasisiguro ako na may dala itong mas marami pang positibo.

“everythings’ happened for a reason”

2 thoughts on “MOTTO”

  1. si joseph zablan poh,,,,ang batang version ni bob ong,,!!!!
    hail to bob ong este JOSEPH ZABLAN,,,!!!!!!!
    i admire this human being,,!!!kasi kahit hindi sya biniyayaan ng tangkad na tulad ng isa sa pnangarap nia,,, biniyayaan naman sya ng kakulitan este!!!katatagan at paniniwala sa sarili at sa kakayanan nya,,,!!!!etong taong to,, di sya sumusuko sa laban,, lahat haharapin nya magtagumpay lang,,,yan ang tatak pinoy!!! kaya may paniniwala ako na somday,somhow mararatimg mo ang mga pangarap,,na pinapangarap mo,,,basta tol were here always believing to your will…..goodluck!!!tenk you sa buko!!!hehehehe,,,,,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s