TEACHER LANG!?


High School life ang masasabi kong may pinaka-masasayang araw sa naganap sa talang buhay ko, kung saan ang mga bagay-bagay na hindi ko na nagagawa ngayon ay nagawa ko noong mga panahong iyon. Tulad nang pagiging pilyo kasama ang mga kaibigan at kamag-aral ko. Nariyan ang pagbibigay ng mga code name sa mga naging guro namin. Wala kaming sinasanto mabait o matapang man ang pakikitungo sa ‘min sa klase.

Isa na d’yan si Mrs. Sajise na kapag nakatalikod tinatawag naming “terror”. Magaling s’yang magturo ‘yun nga lang napaka-bagsik n’ya “no assignment, no entry” ang drama n’ya -ang pinaka-mahigpit na pinapatupad n’ya. Kung susumahin tatlong beses na akong hindi pinapasok sa klase sa nasabing dahilan. At mahigit limang beses na akong nakatanggap ng pukpok galing sa abaniko n’ya sa iba’t ibang parte ng katawan.

Oo, minsan nagagalit na ako sa kanya dahil sa tingin ko mali ang ginagawa n’yang pamumukpok ng pamaypay. Ganoon pa man, naipasa ko ang subject n’ya.

Samantala, sinasabing ang guro ang pinaka-dakilang trabaho kung saan grabe talaga ang kanilang sakripisyo: maliit na sahod, taga-tanggap ng ingay sa loob klase mula sa mga estudyanteng minsan ay umaabot sa walongpu pa at ngayon nalalapit na ang eleksyon, nalalapit na rin ang pinitensya nila, hay naku!

Kaya ako, hindi ko pinangarap maging guro, pero ayoko pang magsalita ng tapos.

Minsan nasermunan ako ng nanay ko nang minsan n’yang nalaman na lumiban ako sa klase, sabi n’ya..

“..naghihirap ako para makapag-tapos kayo sa pag-aaral, kaya doble kayod ako, para sa kolehiyo kahit teacher lang ang matapos mo!..”

Hindi ko lubos maisip kung bakit “nila-lang” lang nila ang pagiging guro.

Hindi ba’t ang pagiging guro ang dapat pagtuan ng pansin sapagkat sila ang humuhubog sa isipan ng mga musmos na kabataan tulad ko?

At hindi ba’t kinakailangang matatalino at may pasensya ang mga magbabalak maging guro hindi tulad ko?

Habang nagsesermon ang nanay ko may pahabol pa ‘to..

“..anak, ang edukasyon lang ang tanging maipapamana namin sa inyo kaya mag-aral kayong mabuti..”

“..ang pinag-aralan n’yo ang bubuhay sa inyo na dadalhin n’yo mawala man kayo sa mundo..”

Huummp..? ibig sabihin kahit sa langit, dadalhin ko ang pinag-aralan ko?

(SA LANGIT..)

San Pedro: Juan ano ang trabaho mo sa lupa?

Juan: Arkitekto po San Pedro, ako po ang nagdesenyo sa isa sa mga matataas na gusali sa Makati

San Pedro: Ikaw Mateo?

Mateo: Duktor po San Pedro, gumamot po ako ng mga taong may sakit, hindi ko po sila siningil.

San Pedro: Magaling…, magaling.., Ikaw Lukas?

Lukas: Abogado po San Pedro, naparusahan po ang may sala dahil sa ‘kin.

San Pedro: Ikaw naman Jose, bakit parang nahihiya ka, ano ba trabaho sa lupa?

Jose: Teacher lang po San Pedro, ako lang naman po ang nagturo sa kanilang lahat.

6 thoughts on “TEACHER LANG!?”

  1. BAKIT NILA SINASABI NA ” KAHIT TEACHER LANG ANG MATAPOS MO”? HINDI BA NILA ALAM KUNG GAANO KAHIRAP MAGING TEACHER?,..DAPAT ITATAK SA ISIPAN NG MGA TAO NA ANG PAGIGING GURO AY HINDI BIRO……..

  2. renz,

    hahahahahha.. kuya puso mo.., hinay-hinay lang..
    mukhang galit na galit ka ha.. teacher ka no.?
    Naka-caps lock pa message mo…

    Mabuhay ang mga guro!!

    salamat sa pag-bisita sa site ko.

    -otep

  3. hindi mo nkuwa point ng kwento
    tsk tsk
    read it again and
    i hope you’ll know..
    tsk tsk
    ur not a good reader..
    hindi lng puro basa
    learn to explore deep
    things even from the
    smallest matter..=P

  4. otep gling moh..
    lam muh lahat ng gnwa
    kong book report this
    3rd yir hay sau ko
    knuwa..
    1st ZIGZAG
    2nd TEACHER LANG
    ung takbo kc ng
    bookreport
    kukuwa ng maikling
    kwento khit saan
    un ang bibgyan lagom
    muh..
    actually nga gusto ko
    mging journalist
    plano kuh nga
    kumuwa ng masscomm
    sa ust..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s