AKO ANG NAGWAGI!


Grade one pa lang ako ninais ko nang maging pinuno sa klase, pero kahit anong gawin kong pagnonomena sa sarili hindi pa rin ako manalo.

Paano ba naman, syempre mas pipiliin nila ang mga mukhang matatalino. Sa bagay, sino ba naman ako? isang patpatin at mukhang malnourished para mahalan bilang P.R.O. Ang batang putot para mahalal naman bilang Surgent at Arms na sandaling maupo sa pwesto at magsimulang magtrabaho, para magsaway ng mga maiingay kong kamag-aral na mas matatangkad at matatanda (pa sa’kin) ay maari akong tirisin na parang kuto, palibhasa mga repeater.

Grade five naman ako nang una akong mahalal bilang presidente ng klase, nagkataon kasi  na nagsama-sama ang mga kapit-bahay ko na lagi kong kalaro at mga kamag-aral na naging kaibigan ko sa nagdaan na apat na baitang.

Ang kaso, hindi sinang-ayunan ng guro ang aking pagkapanalo. Ang nararapat na mahalal daw ay kayang hawakan ang mahigit na animnapu nitong kasamahan sa klase. Pero hindi man n’ya masabi, alam ko ang ibig n’yang sabihin, mahina ako sa madaling sabi BOBO.

Nagngitngit  ako nang pinaulit n’ya ang botohan, kaya nanahimik na lang ako. Naulit akong nanomena sa pagka-bise presidente pero kusa na akong tumanggi.

First year high school naman ng muli akong mahalal sa klase. Hulaan mo kung anong pusisyon?

Escort lang naman! mabuti na lang at hindi pumayag si ma’am dahil ang alam ng lahat na katatawanan lang ito at biruan. Mabuti na lang atnagka-ganoon kung hindi, ako ang nanalo sa Mr. United Nation noong taon na ‘yun.

Four Year na ako noon at nangangarap pa ring mahalal bilang isa sa mga pinuno sa anumang tungkulin sa klase, maliban sa pagiging escort. Ang masama nga lang dito, lumiban ako sa klse noong nag-eleksyon sila. Sayang! ‘yun pa naman ang totoong pakay ko.., ang malathala sa yearbook na naging pinuno ako.

Nagtapos ako sa elemetarya at high school na hindi man naranasan maging lider lagi na lang member.

Hanggang sa nag-kolehiyo ako,hindi ko pa rin ito nararamdaman.

Second year collge na’ko ngayon, hindi ko inaasahan na muli akong kakandidato. Hindi lang sa isa o dalawang klase kundi sa buong kurso.

Nangampanya ako kasama ang uong partido, nagbigay ng mga plataporma at sinabi kung ano ang totoong pakay nito.

Dumating ang halalan at sa hindi rin inaasahang pagkakataon, ako ang nanalo.

Sa pagkakataong iyon, nalaman ko na hindi pala ito sa pa-gwapuhan o pagandahan ng kandidato. Ito pala ay sa plataporma at sa tunay na pakikitungo sa tao.

Hindi man nanalo ang buo kong partido..,

MaRaming SaLaMat sa BoTo NYo.!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s