NATIKMAN KO NA.., MATITIKMAN KO NA…


Sa buhay na napaka-gulo

Lahat ng bagay ay matitikman mo

Kapighatian, kalungkutan at kalbaryo

Isa lang naman ang sinisisi ko,

Kung bakit ipinanganak pa ako sa mundo.

Minsan iniisip ko, sana hindi na lang

Sana hindi ko ito natitikman

Buhay na napaka-rupok, napaka-dumi at napaka-baho!

Ipinanganak akong mahirap pa sa daga

Naninirahan sa iskwater kasama ang mga pusang gala.

Magnanakaw, snatcher, pusher at user

Malamang kabilang ako sa knila

Isama mo pa ang mga ibong mababa kung lumipad.

Natikman ko ng humithit, hindi lang sigarilyo pati na rin ng damo

Ilang buwan pa shabu na ang tinira ko.

May puntong mauubusan ka

Kaya pati kakosa ay tinatalo mo na.

Walang kai-kaibigan, kapitbahay at kapamilya

Basta kailangan na pati buhay ay isasanla na.

Kapit sa patalim ika nga.

Kung ayaw mong mamatay na dilat ang mata.

May oras na matino ang pagiisip..

Inaalala ang bukas na dadating

Sinubukang mag-aral at para malayo sa bisyo,

Nilisan ang sa tingin ko’y pugad ng kasalanan ng tao.

Hindi ganoon kadali ang buhay

Pero natapos ko naman ang aking pagaaral sa mataas na paaralan

Dahil sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay sa daungan.

Gusto ko pa sanang matapos sa pagaaral

Pero wala akong sapat na yaman.

Sa udyok ng aking kaibigan

Dinala ako sa gusaling ang gabi ay ginagawang araw

May intabladong makasalanan

Nasisinagan ng mga mapang-akit na ilaw

Muli kong natikamn ang sakripisyo para mabuhay

Natikman makipagtalik

Hindi lang sa mga babaeng parang lola ko na

Kundi sa kapwa ko lalake na nagbibigay sa’kin ng pera.

Tatlong taon ako sa ganoong propisyon

At sa huling gabi ng aking presentasyon

Isang sopresa ang gumulat sa lahat ng manunuod.

Isang raid ang bumuluga

Na nagahinto sa makamundong tugtog.

Natikman ko ang lamig na rehas

Natikman ang pasakit sa loob ng masikip na hawla.

Ilang taon din ang inasa, bago nakalaya

At sa labas muling magsisimula.

Sumubok ng trabaho pero hindi ganoon kadali para makakita.

Muli kong natikman ang magbanat ng buto

At nakatikim naman ng konting asenso

Natikman din ang umibig

At matitikman na ang buhay na inaasam-asam

Simpleng pamilya, simpleng pamumuhay

Ilang buwan ang hinintay bago ang kasal

Sa hindi inaasahan, Nagkaroon ako ng karamdaman

Na noon pa man, dinadaing na sa bar at piitan

Napag-alaman sakit ko’y walang kalutasan

Mundo ko’y gumuho

At dahil sa pagmamahal ipinag-tapat ko ito at saka lumayo.

Natikman ko na ang lahat ng negatibo sa mundo

At ang tanging hinihiling noon pa man ay matitikaman ko na

Ang lisanin ang mapait kong mundo.

4 thoughts on “NATIKMAN KO NA.., MATITIKMAN KO NA…”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s