ISANG GABI SA DALAMPASIGAN


Hangin ay malamig

Mapayapa ang tubig

Ang buwan ay maliwanag

Mga bitui’y maningning

Nanghihikayat na siya’y pansinin

Napagpasyahan na maglakad-lakad

Sa ‘di kalayuan doon napadpad

Na-upo sa buhangin at nagsimulang isipin,

Mga sagot na malalim.

Hindi sinasadya, luha’y tumulo

Dahil sa sakit na nararamdaman bunga ng pagkabigo.

Tinanong si kalikasan,

Bakit ganito ang kanyang kapalaran?

Tumingala sa ulap

Nagbabadyang sakupin ang liwanag

Maya-maya pa, tuluyan ng nasakop ang buwan

Kapaligira’y kasabay na ding nawalan ng liwanag.

Ganoon pa man nand’yan pa rin ang mga bituing kumukurap-kurap

Nagbibigay ng konting liwanag

Katumbas ay pag-asa at ika’y dinadamayan.

Pero sadyang malupit ang tadhana

Ang ulap ay mistulang kontrabida na napaka-sama.

Pati mga mumunting liwanag dala ng tala ay tuluyan na ring sinakop

Katulong ang masamang hangin na dinamay pati buhangin

Kasabay nito’y malakas na alon at pagtaas ng tubig

Isang unos ang dumating

Kapalara’y sadyang ganyan

May madilim na sandali at mga oras na maliwanag.

Ang akala’y katapusan na ng lahat

Unti-unting sumilip ang buwan kasunod ang pagtila ng ulan.

Muling nasilayan ang payapang karagatan.

Animo’y isang basang sisiw ang nakaupo

Nakikinig sa winiwika ng kapaligiran

Hindi lahat ng dalampasigan ay laging payapa

Ito’y maaari ring daanan ng sigwa.

4 thoughts on “ISANG GABI SA DALAMPASIGAN”

  1. elo.🙂 wula lang… kasi kapangalan mu ang aking crush. hahahaha! apir na lang tau jan! hehe. toink toink. napadpad lang po sa ibang otep… heehee.. merry christmas! :]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s