KAAWAY KO SI KAIBIGAN


Nakilala ko si kaibigan

Kung saan kami nag-aaral

Nagsimula sa mumunting katanungan

Nauwi sa kuwentuhan

Simula noon bawat araw sa eskwelahan

Kami’y magkasama at nagdadamayan

Nakakatawa nga ang aming samahan

Biruin mo pati sa kalokohan

Kami’y nagkaka-intindihan.

 

 

Sayang nga lang at ngayo’y nagkakalabuan

Dahil sa isang taong pareho naming nagugustuhan

 

 

Para kaming isang kuwentong may saglit na kasiglahan

At kabuntot nito’y isang kapighatian

Buwan din ang dumaan bago kami nagpansinan

Sanhi ng pagkatalo at mga pusong sugatan

Hahayaan pa ba namin ang ganito?

 

Wala ng nagmamahal, mawawala pa ba ang kaibigan

Na itinuring na kapatid sa sinapupunan.

 

Ngayo’y aming napag-tanto

Na ang tunay na pagkaka-ibigan ay nasusubukan sa oras ng kapighatian.

 

3 thoughts on “KAAWAY KO SI KAIBIGAN”

  1. hi

    salamat sa pagbisita sa site ko

    wordpress din pala gamit mo

    nilagay kita sa blogroll ko ha…

    sya nga pala tungkol sa tula, nangyari na ba sau yun?

    parang tanga no?

    wala lang trip ko lang yun.. nakakatawa kasi yung nangyari samin ng kaibigan ko..

    syempre nag-away kami.. tapos noong bati na kami tinanong namin sa isa’t isa kung bakit ba kami nag-away…. mamatay kasi sa kakatawa noong pinag-uusapan namin.. hiyang-hiya kami sa isa’t isa para kaming bata.. hehehhehhee

    -otep

  2. hi po.
    oo nga eh kasi pag nakaaway mo ang kaibigan
    mo na tinuturing mo ng parang kapatid ang
    hirap parang mawawala na lahat sayu.
    Pero sa huli kayu din ang magkakasama di lang
    dahil kailangan ka nya kudi dahil mahalaga ka na rin sa kanya…………

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s