MONALISA


(Bakit walang kilay si Monalisa?)

Saganang akin lamang

Sa wari ko’t pagkakaalam

Tulad ko’y tulad din ng karamihan.

Gising ko’y matutulog na ang araw

Papasok sa pintong nakaputi ang bantay

Kasalubong, mga Tupiang naglalabasan.

Araw ng biyernes ngayon

Pero ‘di pa tapos ang pasyon

Kailangan pang humarap sa maraming hamon.

Kinabukasan ay sabado at ayoko nito

Pagkat laway ko’y patuloy pa sa pagtulo

Higit sa lahat bulsa ko’y barado.

Lingguhan ang alaga ni Inang

Subalit ‘di pa dumadating ang kapaskuhan

Kalbo na ang dapat ay sa handaan.

Mga takda’t proyekto ko’y diyamante

Paano na ang asuka’t kape?

e, paano na rin ang pamasahe?

Lunes ang katukan ni Manang

Alam ko kung ano ang plano n’ya

Kaya’t mabilis na inuunahan.

Nahihiya na ‘ko kay Manang

Pero mas lalo na kay Inang

Kaya pinilit mag-unat sa murang katawan.

Martes ang pagsusulit kay Maestra

Mayroon akong kuwaderno wala namang kuwenta

Kaya wala rin akong naisagot sa pisara.

Miyerkules ang klase ko sa Kasaysayan

At sa likod ang aking upuan

Pilit akong nakikinig pero walang pumapasok sa blangko kong bunbunan.

Huwebes naman ang malas kong araw

Pagkat sa trabaho ako’y na-award.

Mahuhuli pa sa klase dahil nasita ni bantay.

Hindi ako nakapasok sa pinto ng karunungan

Kaya tumuloy ako sa pagupitan

Habang nakaupo ako sa bahagyang bumababang bangko,

Nasilayan ko ang sariling tila nagtatanong:

“‘Di ko alam ang tawag sa ‘kin,

Ako ba’y batang sunog-kilay?

O batang hindi marunong humawak ng gintong bagay?”

Nagtanong si Manong”

“anong gupit mo?”

-”Kalbo po.”

4 thoughts on “MONALISA”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s