NATATAWA AKO HIHIHIHI


(ANG KWENTONG ITO AY INAALAY KO KAY PAPA)

Jose S. Zablan

February 09, 1952 – March 22, 2001

painting.jpg

Tapos na ang Fathers Day at kakatapos palang ng GrandParents’ Day, pero dahil walang pinipiling araw at panahon ang pasasalamat sa mga magulang naisulat ko ito.

Hindi ako mahusay gumuhit pero marunong naman akong mag-drawing lalo na kung stick na tao ang pag-uusapan. Hindi rin ako mahusay sa painting, pero marunong din naman akong mag-pinta kahit papaano, lalo na pag abstract ang pag-uusapan, ‘yung tipong meaningful at yung tipong ako lang ang nakakaintindi.

June 26, 2007 (Sabado) -Nagkaroon ng isang Art Competition ang SM Manila para sa pagdiriwang ng Fathers Day kinabukasan. At sa unang pagkakataon sasabak ako sa giyera na wala akong bala.

Oo, sumali ako sa nasabing on-the-spot painting contest (kahit nga ako nagtataka). Ang tema ng nasabing kompitisyon ay “Haligi” kaya naman naisipan kong gumuhit ng mga necktie na para sa kin ay kakatawan sa mga tatay.

Inisip ko kasi na sa kompitisyong ito, magiging common na ang pagpipinta ng isang tipikal na larawan ng isang ama, tatay, daddy, papa ect. (portrait). Kaya naisipan ko na para maiba, ‘yung bagay na lang na maaaring sisimbolo ng pagiging padre de pamilya.

Tatlong neckties ang ipininta ko na pawang nakasabit sa pako sa pader (sa pamamagitan ng water color sa tulong na rin ng water color paper at mga brush). Na para sa’kin ay kakatawan sa tatlong uri ng pagiging haligi ng tahanan.

Una, ang mga amang na nalayo sa mga kani-kanilang pamilya para maghanap buhay sa malayong lugar -OFWs, para sa ikabubuti at ikauunlad ng naiwang pamilya dito sa ‘Pinas. Kaya naman sa unang necktie nagpinta ako ng mga watawat.

Pangalawa, ang mga tatay na narito nga sa ‘Pinas pero kayod marino pa rin “isang kahig, isang tuka” -ika nga o maaari rin nating sabihing “Kahig ng kahig wala namang matuka”. Ganoon pa man, hindi pa rin nila tinatalikuran ang kanilang mga responsibilidad bilang magulang. Kaya naman sa pangalawang necktie ipininta ko ang isang martilyo, lagare at panukan -mga pawang gamit ng isang construction worker na hindi lingid sa ating mga kaalaman ay napakabigat na trabaho para sa ating mga tatay.

At Pangatlo, ang mga haliging tulad ng tatay ko na wala na sa mundong ibabaw. Kung saan, kahit wala na sila dito patuloy pa rin ang pasasalamat at pag-alala natin sa kanila na kung hindi sa kanila wala rin tayo sa kinatatayuan natin ngayon. At taos pusong pasasalamat sa mga pangaral na iniwan nila sa’tin noong nabubuhay pa sila. Kaya naman sa pangatlong necktie isang kalikasan na may mga bulaklak ang naipinta ko -paraiso na kung saan naniniwala tayong nasa mabuti na silang kamay.

Ang bawat palibot ng necktie ay pinalooban ko ng mumunting mensahe. Hindi man mabasa, sinadya ko talaga para sa mga tatay na kahit hindi man nila itanong na mahal na mahal natin sila.

Inulan man ako ng katatawanan at insulto habang nagpipinta sa loob ng activity center ng SM Manila, kahit na bumubulong na rin ako sa sarili ko na “Ang kapal naman ng mukha ko, hindi naman ako marunong pero nagmamarunong”.

Pero Okey lang dahil nagkaroon ako ng masayang pag-alala  na kahit minsan lang sa isang taon na naaalala ko s’ya.

Natatawa man ako tungkol sa “mala-independence day” daw na gawa ko dahil sa mga watawat at sa “mala-pulitikong -Pichay” dahil sa bulaklak kong nagmistulang repolyo, wala silang magagawa dahil iyon ang natatangi kong obra na maaari kong ipag-malaki tulad ng tatay ko!

11 thoughts on “NATATAWA AKO HIHIHIHI”

  1. Uyy ha, matawa na sila pero sa tingin ko ay maganda ang symbolism ng artwork mo. There is more to it than it meets the eye, ika nga. Alam mo, ipagpatuloy mo iyan… para sa mga nang-insulto sa iyo, blaha na sila sa buhay nila. Nasa sa yo pa rin ang huling halakhak…

  2. hmmmp…hayaan mo cla thats ur art gling mo nga mag isip eh just continue your craft, may kasabihan nga na practice makes it perfect, ok? @least di man un ung pinakamaganda my khukugan nmn ung drawing mo?
    oh huh naisip ba nila un, aq nga di ko naisip un eh,hihi.

  3. uunga hehehe ang lakas naman ng loob mo🙂 ako di ko kakayanin yan lol

    uy bigla namang tumaas pwet ko sa kinauupuan ko🙂 ayus yang mga nasa blogroll mo ha🙂 lalo na si manilenya lol!!
    maraming salamat🙂

  4. aus naman ‘tep ung ginawa mo. pinagbigyan mo lang ung iba kaya sila nanalo. pero da looks of it, kuha ko agad ang message. da best. pa-update pala ng link ko from badoodles.wordpress.com to kwentongbarbero.com

    ten chu!

  5. I don’t think its that bad ahh…Maganda naman yung painting mo…I’m sure your dad is proud of you now na kahit hindi ka nanalo, nakagawa ka ng isang bagay na nagbibigay pugay sa isang tatay na katulad niya:D

  6. @leslie, nakz.. yaan mo painting pa ko.. hekhekhkekk..
    baka mag-karoon kami ng classmates ko sa January kaso lang.. photography ako.. punta ka… para may pumuri sa kin dun.. heheheheehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s