HEPI BERTDEY TU MI!


cak.gif

hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang kwentong ito, ang tanging masasabi ko lang ay

“ito na yata ang pinaka-malungkot (slash) pinaka-nakakabato (slash) pinaka-walang kuwenta (slash) pinaka-nakakainis (slash) nakaka-pikon at pinaka-tuyou sa buong buhay ko…”

pinaka-toyou well, nag-bertdey ako nitong wednesday NOv. 21, 2007 (never mind my age) at sa unang pagkakataon wala man akong kapera-pera. kung meron man sapat lang ito sa natitirang dalawang araw na ipapasok ko sa office dito sa Loyola.

kaya naman takot na takot ako na baka may makaalam nito, dito sa office. lam n’yo na..

Nakaka-pikon pa pag-inasar ka  ng mga classmates mo (slash) officemates pa (slash) friends na rin. kulang na lang na pag-sigawan sa buong opisina ng Loyola na bertdey ko noon.

Pang-asar talaga! lalo na pag inuulit-ulit na “san ba tau ngaun ‘tep?”

Alam kong gumaganti lang sila sa’kin dahil noong Nov. 09, 2007 nag-bertdey din si Norven ang aking classmate (slash) officemate pa (slash) friends na rin. nyahahahaha (ulit). Katakot takot lang naman ang paulit-ulit na pagpaparinig na ang ibig sabihin ay “pakain naman d’yan”.

anyways, gaya nga ng nasabi ko ito na ang pinaka-nakakalungkot na bertdey sa buong buhay ko, actually hindi naman talaga ako naghahanda at never pa ako pinaghanda, kung meron man kain lang sa labas o kaya lutong bahay. Ang nakakalungkot lang talaga ako na nga lang mag-isa, wala pang makain na masarap man lang (parang regular na araw lang) bili ng lutong kanin at ulam sa turu-turo sa kanto.

Ahuhuhuhuhu hirap talaga pag nag-iisa, (weekend lang kasi kung mag-kita kami ni mama) para ibigay ang allowance ko sa isang linggo, sa boarding house ko sa Pandacan.

Nakakabato -para akong tanga habang tinitignan ang orasan sa ding-ding noong umuwi ako sa bahay pagkagaling sa work.. tsk.. tsk.. gusto ko nang matapos agad ang araw at salubungin ang NOv. 22 para matapos na rin ang kaka-senti ko.. at gaya pa rin ng dati ala-una na ko nakatulog.

Wala talagang kwenta ang araw na yun.. pero pasasalamat pa rin ang ipinadala ko kung sino man ang may dahilan kung bakit ako narito ngaun bukod sa magulang ko.

Panibagong dahon na naman ang nahulog mula sa mga sanga ko bilang puno sa sarili kong lupa.. sa nakalipas na taon marami akong nakakalungkot, masasaya nakakabigla, nakakatuwa, nakakasupresa, problema at marami pang iba. Ganoon pa man marami rin akong natuklasan at natutunan at ngayong bagong sibol ng aking taon nawa’y magbunga pa ako at kumapit pa ng husto ang aking mga ugat para sa matatag na pundasyon na aking ipangsasanggalang sa mga bagyo pang dadating.

-Hepi bertdey 2 me!!!

 

d2576.gif

One thought on “HEPI BERTDEY TU MI!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s