IKALAWANG PAHID


dsc01093.jpg dsc01095.jpg dsc01100.jpg

Neo Tep Renz

Sa ikalawang Pagkakataon, muli na naman akong maghahasikng katripan sa puder ng activity center ng SM Manila.

Nyahahahahahha sa madaling salita, muli na naman akong pipinta o sasali sa on-the-spot painting contest.

Ang contest na sinalihan kong ito ay kaiba sa una kong panggugulo noon.

Yu’ng una kasing sinalihan ko ay para sa pagdiriwang ng Fathers’ Day at ang tema naman ngayon ay Manilenyong Pasko (ikalawang pahid) nu’ng unang pahid hindi ako nakasali mahina pa kasi loob kong mag trip noon. Sabihin na na’tin na malakas lang talagang mang-impluwensya ang dalawa kong co-OJT na sina Renz at Norven..

Hindi n’yo naitatanong araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, wala nang alam ikuwento itong si Norven (1st Honorable, ng Shell) kung hindi tungkol sa Art.

Kaya iyon gumawa ako ng panukalang every another day na lang ang art topic para hindi nakakasawa.. pero wala pa ring nangyayari eh..

Anywayz nalalayo na ang kwento ko… balik sa (ikalawang pahid)

Ayun na nga.. ang tema ngayonay Paskong Manilenyo, ibig sabihin ang lahat ng mga gagawing Artwork ay dapat na sumunod sa tema lalo na’t 40% ang nakataya ditto para ka manalo..

Kaya naman unang pumasok sa isip ko na “ano ba ang maaaring symbol ng Maynila” at napagpasyahan ko na lang na Manila City Hall di ba? Pwede……

Pangalawang tanong naman na pumasok sa isipay “Para saan ba ang Tema?”

Syempre tungkol sa pasko ‘yun kaya naisipan kong gumuhit ng simbahan..

Pangatlo, “paano kaya magkakaroroon ng puso ang gawa ko?

Hmmmmp… hindi naman ako gumuhit ng literal na puso.. gumuhit ako o nagpinta ng squatter area. Napag-isip isip ko kasi kahit na nasaganuong lugar sila.. nagdiriwang din naman sila ng pasko.. at ang mga squatter area ay madalas matagpuan sa Kamaynilaan..

Kaya iyon ang napagbasyahan kong ipinta.

Isa sa mga mapangnakaw na atensyon sa gawa ko ay ang mga orasan..

Nakakatawa naming isipin na parang napuno ng orasan ang obra ko.

Ito pa.. bakit daw dalawa na ang tore ng City Hall.. nyahahahahahahhahahhahaha…

Tore ng simbahan yung isa.. GAGA!!! Nagkataon lang na tore ng Quipo ang napili ko na nagkataon ding may orasan.

Naglagay din ako ng mga tala na nagmuka lang ewan.. para talagang paskong-pasko ang dating. Alam naman kasi nating lahat na ang tala ay nagging gabay ng tatlong hari para matagpuan ang sabsaban kung saan naruon ang batang si Jesus.

At para maging gabay ng mga hurado na hindi sila magkamali sa pagpili sa obra ko para sa unang gantimpala (nyahahahahhahaha…)

dsc01092.jpg

THE TWO TOWERS

Sayang nga lang at sa pangalawang pagkakataon muli kaming natalo… nyahahahahhahaha… dugo, pawis at gutom ang inabot naming doon habang nagpipinta.. lahat iyon tiniis naming… huhuhuhuhuuhu..

Kaya hindi ko sinasadyang maibulaslas kay Renz na ang sarap naman ng ginuguhit mo.. Pizza.. Water Melon Flavor… nyahahahahahha

dsc01094.jpg

IF LATE, IT’S FREE

Ito naming si Norven ay feeling National Artist dahil… pinagtitinginan ang gawa n’ya ang angas nga eh.. kasi natalo… nyahahahahahaha..

dsc01091.jpg

I WISH , I WIN

ayaw kasing makinig sakin.. na dapat pag sumasali sa mga art competion ay isina-saalang ang tema lalo na’t napaka-taas ng porsyento na naka-paloob di ‘to. Ayaw kasing maniwala sakin.. ibinabahagi ko lang naman sa kanila ang aking nabasa sa isa sa mga artikulo sa PHOTO GRAPHIC na napat pagsasali sa mga competisyon mapa-photo o painting man… isa-alang-alang natin ang tema… tulad ng gawa ko… tingnan mo pati ako TALO.

4 thoughts on “IKALAWANG PAHID”

  1. panu?? galing moh tol ah??!!! certified astig kah!!! ayan nakapag Comment nah din akoh!!!

    kaGanda namn ng site nah eto!!! kEEp it up po!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s