KUNG PAANO KO PINAGDIWANG ANG EDSA


February 25, 2008-Monday

nakakapagod ang walang ginagawa..

hindi ako sana’y..

naglakad-lakad ako at sa luneta napadpad.

img_4079.jpg

kasama ang isang kaibigan

nilusob namin ang singkit na kalangitan

baon ang konting kayaman

nagiisang itim na payong..

at kamerang pinakamamahal.

bumili kami ng ice cream

lakas talaga ng trip namin..

ang masaklap, ito’y nahulog, nanghihinayang sa halagang kinse pesos

img_4076.jpg

matapos nito’y nagbasa ng huling pahimakas ni Rizal

naka uklit malapit sa kanyang kinakatayuan

may nakabaybay sa wikang ingles sa español ganun din sa tagalog.

malayo’t akoy kanyang pinahanga sa gawa n’yang tula.

animo’y aking nararamdaman kasabay ng patak ng ulan.

hindi naman iyon ang una kong basa..

malakas lang ang trip ko at sa wikang hindi ko matanto ay dun ko pa tila naintindihan.

nyahahahahaha…

NAGLAKAD….

at sa kalabaw at tamaraw napadpad..

naalala ang pagkabata kung saan doon kami namamasyal.

walang pinagbago kung anong itsura sa aking isipan ganun pa rin s’ya hanggang ngayon sa aking harapan..

ilan taon na nga ba?.

kung aning-aning lang ako mag-isip.. ilang taon na kaya sila nakatayo dito?

kaya hindi na maikakatwa na nauuhaw din sila..

img_4086.jpgimg_4085.jpg

oh hayan.. kita mo? nauuhaw din sila..

MAGANDA ang kapaligiran.. hindi tirik ang araw at bahagyang nagdidilig lang ang kalangitan.. binabasbasan ang mga taong minsan lang mamasyal sa lugar na pang probisyano daw?.

natatanaw ko ang karagatan may malaking barko na isang pangmayaman.. kalapit ang hotel na sikat noon pa man..

ISANG atraksyon din ang malapit ng matapos sa likod ng Quirio Stand.

kung titignan talagang maaakit kang pasyalan.

kaso hindi pa bukas kaya sa labas ka nalang.

SA DAGAT marami kang matatanaw bukod sa mga taong naliligo kasabay ang mga kalat na hindi malaman bakit doon napadpad..

may mga kakaiba ring nilalang na minsan ko lang natanaw..

kung iwawangis marahin katulad ng ipis na hindi lumilipad.

MAHABA ang aming nilakad.. mula Taft hanggang Quirino Stad.

Ako’y naalimpungatang anibersaryo pala ng EDSA kaya ako’y dito napadpad.. walang pasok.!

Ganto lang talaga ang mga taong tulad ko.., walang pasok.. pero hindi alam kung bakit walang pasok..

hekhekhek.. ok lang parang ka-EDSA rin naman ang layo ng nilakad namin sa pamamasyal..

salamat na rin, at naranasan kong magbalik tanaw.
img_4066.jpg

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s