PATATAS NG BUHAY KO


Sa mundo kung saan malaya ang lahat,

Nakakapagtanim ng mga salitang ugat

Doon ako nakaani ng masustansya’t pagkasarap-sarap!

-isang patatas.

Nakakaadik ang kanyang halinang dala

Kaya’t ako’y kanyang nadala sa tulong ng mapanuring mata.

Tinaguriang ika-pitong langit doon natulala,

Habang siya’y pinakikinggan, tila angel sa paraiso nagmula.

Kaya naman sa araw, tanggali, gabi’t mapa-bukang-liwayway

Hindi ako manghihinayang idayal.

Kaya’t walang dahilan para mapanis ang laway

kahit na katakam-katam ang lasa nitong taglay.

Sa tuwing ako’y nauupo sa harap ng hapag kainan,

Naiisip ko, na sana’y kasama siya’t pinaghahandaan

Paboriting Afritada mas marami ang patatas kaysa sa laman.

At sa tuwing ako’y manunood ng isang palabas,

Magbabaon ako ng go large frenchfries

Dadampiin ito ng mga daliri ko habang dahan-dahang hahalikan……

Paunti-unti tulad ng labi.

Sakaling ako’y mapariwala naman,

Magluluto na lang ako ng potato-que na makikita sa daan

pupudpuran ko ng maraming sugar

Kasing tamis ng kanyang pagmamahal.

Sakaling ako’y tamarin

Marami naman d’yan, manatili ka lang sa aking piling

Potatochips na malutong na may hugis tulad ng bilog

Kawangis ng halik mong malutong.

Sana dumating ang araw,

Habang siya’y nakahiga sa braso kong malupa (hehehe)

Habang pinapakinggan ang dumadagundong kong daga

Maisip n’ya nawa, Hinding-hindi ito magiging peste sa pananim

At sana maisip n’ya, na kaya kong maging isang magsasaka,

nagtatanim, nagdidilig, nagbubungkal, naglalagay pataba at nag-aalaga

kasama ang isang kalabaw hanggang sa pagtanda.

🙂

3 thoughts on “PATATAS NG BUHAY KO”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s