HAPPY FREE DAY!


MABUHAY!!

lol. yep!! Maligayang Araw ng Kalayaan para sa lahat!🙂 WooHOo!!

***

Mahigit isang buwan na rin akong hindi nakakasakay ng LRT buhat ng Magtrabaho ako dito sa T.M. Kalaw,

Noon kasi nakikipag-unahan ako lagi sa tren para lang hindi ma late, kaya marahil no choice lang ako kaya araw-araw akong nag-te-tren mula sa opisina sa Makati..

Tenen..! matapos nga ang higit sa isang buwan, muli na naman ako nakasakay.

Timing lang dahil Indie Day ngayon at libre lahat ng Tren LRT line 1 and 2 pati MRT.

Kakatuwa lang dahil nakalibre ako ng pamasahe papunta sa PUP-main.

Ang kaso, pag sakay ko ng LRT2 hindi ko alam kung anong istansyon bababaan ko PUREZA ba o V. MAPA?

Nasarapan ako sa LRT2 kaya mas pinili ko ang V. MAPA,

Pagbaba ko doon inakala kong pwede na lang lakarin papasok ng PUP buti na lang tanga ako at nilakad ko.. huhuhu.. layo pala.. kaya mukha akong inisteam na talong sa sobrang kapawisan.

Minsan, iniisip ko pag tinamaan ka ng swete, asahan mo ng may kabuntot na malas.. at gaya ng inaasahan, hindi ako naka-enroll sa PUP, …hanggang pangarap na lang talaga ang makapasok (makapag-aral) doon..

***

Mabilis akong lumipad papunta sa opisina pagkagaling sa PUP.. taena para akong natatae sa sobrang pagmamadali tila sa konting sandali pwede ito na itong maglabas ng lagim (ganun ko hinalintulad ang pagmamadali ko para hindi malate.) pano bawas pala sa sahod pag na late.

***

Mahilig ako sa fireworks at alam ko maya-maya luluwa na naman ako sa makikita ko.. swete lang dahil Batang-luneta ako.. isang sulyap lang sa bintana.. matatanaw na..

At hindi nga ako nagkamali.. busog na busog ang mata ko sa fireworks.. happy indie talaga..

(pangit ng post ko) wala lang para may malagay.. Lol🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s