WORST DAY EVER


Naniniwala na ‘ko, Malas talaga ang friday the 13th!

ANG EBIDENSYA:

Maagang nagsimula ang araw ko Alas 6:00 pa lang ng umaga dilat na agad ang mga mata ko kahit tulog pa ang diwa ko.

Bahagyang nagmumuni-muni, habang pinipigilan ang orasan sa pamamagitan ng pagtitig dito.

Tae! Late na pala ako sa usapan ng makakasama ko sa PUP para mag-enroll.

Alas 7:00 ng umaga ang usapan namin pero 9:00 na ako nakarating doon dahil sa katangahan ko.

Malamang kahit hindi n’ya sabihin alam kong banas na banas na sa akin ‘yun.

***

Naghintay kami doon hanggang alas-11:00 pero wala ang aming hinihintay na tutulong sa amin para makapasok sa Open University ng PUP-main.

Nagtanong kami at sa kasamaang palad after launch na daw kami maaasikaso dahil may klase ang propessor na kakausapin namin.

Sa kadahilanang wala na kaming magagawa, Umalis na lang kami at nagpasyang bumalik matapos ang tanghalian

BABALIK AKO

Sa Pahayagan ako nag-tatrabaho kaya malaking responsibilidad ang naka-atang sa’kin bilang Lay-out Artist.

Ibig sabihin may kargo akong pahina, Yari ako pag hindi natapos sa oras ‘yun.

Humarurot ako papuntang opisina upang maumpisahan ko na ang mga dapat kong ilay-out, sa ganoon makabalik pa’ko para makapag-enroll.

Tanghali na ng makarating ako sa Opisina (kahit hapon pa ang pasok ko), pinaspasan ang mga gawain, kahit alam kong maya-maya tambak na ang mga trabaho.

Ganoon pa man mas mainam na ito para may panahon pa akong tumakas para habulin ang enrollment.

Alas-2:00 ng hapon ng palihim akong bumaba sa opisina.

Labag man sa loob ko ang mag-taxi, pero ginawa ko ito alang-alang sa pangarap kong makapasok sa paaralang iyon.

At gaya uli ng inaasahan, sobrang Traffic, isang oras din siguro ako nag-byahe mula Ermita hanggang Sta. Mesa.

Tae, na Metro nga ako P100.00 ang binayaran ko.

YEEBEE

Sa Wakas, nakarating ako sa PUP.

Para akong nabawasan ng isang tinik sa sampong nakatusok sa dibdib ko.

“Napaka palad ko” -iyan ang sinisigaw ng isipan ko, dahil sa wakas abot kamay na talaga ang pangarap kong makapasok sa PUP.

Nakapanayam ko naman ang taong magbibigay sa’kin ng daan sa pag-abot ng pangarap.

AYan na! hawak ko na ang schedule, professor at mga assignatura. naisulat ko na rin sa registration form. na pirmado na rin. Magbabayad na lang.

BLOCKBUSTER

Nagulat na lang ako ng may sunod-sunod ng may nanginginig sa bulsa ko (cellphone)

Yari! tila isa na akong kriminal na may nakapakong na MILYONG halaga sa ulo ko at pinaghahanap na ako sa opisina.

Nagpapanic na ako..

Magpapa assest na ko, kumuha ng resibong pi-fill-upan, Napahiya pa nga ako dahil pumasok ako agad at nagtangkang pumila,

Inawat ako ng kung sino, at sinabing : “s’an ka pupunta?”

Tae! ang haba pala ng pila..

Hanggang doon sa dulo, Napagtanto kong Last Day nga pala ng enrollment kaya ganoon kahaba.

Napagpasyahan ko na lang na iiwan sa kasama ko ang mga papeles ko, at nagmakaawang ipila na lang ako.

Nangako akong babalik para makahabon.

ANG PAGBABALIK…

Alas-4:30 ng umalis ako sa PUP, wala na naman akong choice para lubayan ang traffic kundi isumpa na lang ito.

OO, muli na naman ako nag TAXI pabalik sa Opisina.

Kakahinayang pero nakaltasan na naman ako ng P100.00

Nakakalungkot kung iisipin pero ganoon talaga.

Dali-dali akong pumanik sa taas gamit ang hightech na elevator na tatlong oras bago bumukas.

Yari! kinakabahan talaga ako,

Ayon wala naman sila nagawa.

TRABAHO, Trabaho, Trabaho (paspasan na!)

TIMES UP

Tumuntong ang ala-6:00, Alas-7:00, Alas 8:00 pero napako na’ko sa kinauupuan ko,

Hindi umiimik, tanging mga daliri at matang nakatingin sa monitor ang gumagana.

Lumulutang ang isip ko sa naiwan ko sa PUP

Wala ng pag-Asang makabalik ako..

Pilit kong tinawagan ang kasama ko pero hindi ko s’ya makontak

Pilit akong nagpapaka Madam Auring para Mahulaan ang lahat ng nangyayari

“Nakapag-bayad ba s’ya?” “Magkano-kaya ang Tuition?” at iba pa.

WRONG TIMING

Habang tinatapos ko ang dapat tapusin, ang pag-iisip ng mga design sa mga ginagawa ko, tuyung-tuyo na ‘ko, parang sasabog ang ulo ko sa laman nito kakaisip ng mga problema.

Alas 10:00 ng gabi ang hangganan ng lahat.

Nagtataka ako, kung bakit hindi ko ma-save ang ginagawa ko ng biglang may lumabas ng ganito ” !”, nagpanic ako dahil alam kong deadline ito, Yari ako sa editor-in-chief namin pag hindi ko napasa sa deadline.

magpapanic, nagpapatinic, nagpanic ako!, at napag-alamang pinatayan na pala ako ng I.T. namin ng connection sa DRIVE:/J

patay talaga ako, OO, umuwi na pala ang I.T wala na akong magagawa kundi i-shutdown ang computer without saving na nangyari.

KUng pwede lang literal na patayin ang computer gagawin ko sa sobrang kagung-gungan.

NO CHOICE

First session sana ng Open University ng sabado, pero paano ako makakapasok kung walang katiyakan kung nakapag-enroll ako.

Kinontak ko uli ang kasama ko kanina, pero wala pa rin.

Gusto kong sumigaw sa kung anong hindi makawala sa dibdib ko, walang mapag-labasan ng sama ng loob o makakwentuhan. (ganoon naman di ba? as long na nai-si-share mo yung galit mo at lease mababawasan ito kahit papaano) Wala akong load pero nakatawag ako kahit papaano, may nakinig kahit alam kong ayaw n’yang makinig. Salamat Bro!

***

SA BAHAY..

Sa wakas nagreply s’ya, walang kongretong sagot pero wika n’ya “Nagpagod lang tayo ‘tep”.

Nabigla daw s’ya sa tuition na 3K plus.

Pagkakaalam kasi namin 12 pesos per unit.

Pinaliwag n’ya sa sunod na text kung bakit nagkaganoon,

“ok”

pero noong nagtanong muli ako kung nasaan ang registration card ko, wala ng reply.

Habang isinusulat ko ito, hindi parin maliwanag sakin ang lahat.

LITUNG-LITO

Never pa akong pumasok ng sabado sa opisina dahil Monday to Friday lang ang pasok ko, Dahil nga sa hindi inaasahang pagkakataon kagabi kailangan kong pumasok ngayong sabado.

Nais ko sanang subukang pumasok sa PUP ngayon kahit walang katiyakan kung nasa master list ako ganoong wala akong pinanghahawakan kahit isang papel na nanggaling ako doon kahapon.

“Mahirap mag-isip, ganoong puro pag-iisip na lang ang inaatupag mo maghapon”

Ngayon, wala akong maisip na plano kung ano ang sunod na hakbang, hindi naman sa wala ng pag-asa, -ang paulit-ulit na nangyayari sa buhay kong ito, kundi nais ko na lang sumunod sa agos ng buhay.

Parang gusto ko na lang mag-hintay sa wala. Tanggapin kung ano ang mangyayari kinabukasan.

Parang gusto kong gumamit ng mga salitang ayaw kong gamitin tulad ng “And’yan na ‘yan”.

Wala na talagang kulay.

Minsan ko gusto ko ng magpakasama, masabi ko lang na

“Yes! may nagawa din ako na tama kahit hindi tama”

Sa huli,

“Para talaga akong naghihintay ng masasakyang jeep sa riles ng Tren”😦

5 thoughts on “WORST DAY EVER”

  1. @hastydevil

    21 birthdate ko..

    Waaaahh… kita mo naman.. super malas lang talaga..

    hindi ko lam kung nagkataon o talagang sinadya ng pagkakataon..

    \m/Rock!!

  2. grabe naman yang nangyari sau friend..haha..ako din ata malas kasi naging ganto pangalan ko.. babae ako.. walang biro.. madalas lang mapagkamalang lalaki dhl sa name q..kamalas-malasan laging binabastos kainis..anyways i like ur blog.. aun po.. im hoping to be your friend..bibihira lang ang mga taong mahilig magbasa ng blog ng di naman nya ka-close diba?

  3. @ birdie,

    hahahha oo nga gulat ako babae ka pala, heheheh Peace!

    pero mapalad ka, dahil may pangalan ka.. at hindi ganoon kalala..

    panoorin mo yung dokyu ni sir howie na “Sa Ngalan ng Pangalan”

    Maiiba pananaw mo..

    by the way, maraming salamas sa pagbisita sa blog ko \m/🙂 ..

    Sobrang malas lang talaga.. na eemo na nga ako eh..

  4. sisihin mo ung kasama mo kung cno man siya…hehehe…kung sbgay nangyari na eh,,,di ka malas tep,,cguro di pa un nkalan para sau..,better next tym..musta kna pala baktol?..ingat u palageu..miss yah… -burn-

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s