MY FIRST KISS


“PAANO HUMALIK?”

sa mga taong hindi pa nakakaranas humalik, ito marahil ang unang tanong na pumapasok sa ating mga isipan.

Marahil, ilan sa atin ay kinikilabutan na, pag naririnig na ‘to o di kaya’y kahit naiisip pa lang.

Siguro nga, dahil ito rin ang nararamdaman ko pag naiisip ko’yun.

Pero kasabay ng kilabot na nararamdaman ko ay ang romantikong maaring maganap pag nangyari iyon.

Nakakakilig.. Lalo na’t, kung ito’y magaganap sa taong pinaka-mamahal mo.

***

Samantala, dahil wala namang mawawala kung ikwento ko ito sa blog ko. At wala naman akong magagawa kung makatanggap ako ng batikos mula sa inyo. -mga kalaswaan, pandidiri, at kung anu-ano pa man ‘yan na inaasahan ko ng maaring kong matamo, wala akong magagawa.. nakikibasa ka na nga lang eh.. hehehe..

Ika-21 ng Junyo, sabihin na nating mga ganap na 5:00 ng hapon, sa SM-Manila, Maulan.. dahil sa bagyo..

Hindi ko alam kung anong pagkakataon kung bakit kami muling nagkita.

Hindi ko lam kung swete lang talaga ang numerong 21 dahil birth number ko ito.

Ayun, nakonsenya lang naman ako sa kanya, kaya nagawa ko s’yang papuntahin sa bahay na’min, na kung iisipin, hindi ko gawaing magdala doon ng mga kakilala ko, lalo na’t naroon pa ang mama ko.

SA BAHAY

Dahil basang basa s’ya na tila isang sisiw mula sa kanyang pagkakapisa, ok lang siguro kung tanggalin nya kung anong meron s’yang saplot.. (oy.. kalabisan).

HIndi lang n’ya alam kung gaano na ako nag-iinit sa kanya hahahaahah (laswa)

Natapos kumain, (pinaghanda pa kami ni mama) Pinoy Idol, PDA.. at kung anu-ano pa,

Nagkwentuhan.. Kulitan.. blah blah..

AYun, isang nakakapangilabot na mga salita ang winika n’ya:

“kiss mo nga ko”..

Waahh..

Hindi ako naniniwala.., dahil noon pa man.., wala naman iyong pagnanasa sa’kin

“Seryoso?”-wika ko

Waaah.. at mukha ngang seryoso..

Hindi ko ‘lam kung bakit ko nasabi ang ganito:

“Pikit ka”..

Waahh.. pumikit nga si gago..

Ay ayun.. ilang minuto din kami nagpakiramdaman..

Unti-unting naglapitan ang mga mukha namin sa isa’t isa (habang nakahiga sa payak kong kama)

Hindi ko ‘lam ang gagawin ko habang nakapikit at pinagmamasdan ang kanyang mukha.. (handa na s’ya sa ano mang mangyayari)

Nagdikit ng bahagya ang aming mga ilong, bahagya ko itong inilayo (nangingiti na lang kami).

Sabihin na nating may kapulahan at makikitang may kalambutan at kanipisan ang kanyang labi..

Kaya hindi nakapagpigil ang malilikot kong mga daliri habang siya’y patuloy na nakapikit.

Dinampi ko (ayos) hehehe

“Niloloko mo ko eh” -wika nya

At sa muling pagdidikit ng aming mga ilong, hindi ko sinasadya na dumikit ng bahagya ang aking labi.

Waaaahh.. ito na ‘yun.. napapikit ako, at kusang namasyal ang mga labi namin sa paligid nito..

(kinikilig tuloy ako)

May mga pagkakataong nagbubungguan ang aming mga ngipin.. at sa pagkakataong ito masasabi kong masarap makipag kiss..

Hindi ko naman masasabing malaswa ito, at hindi ito maituturing na laplapan (kadiri)

Pero kung iisipin wala namang nakakadiri sa ginawa namin, mas nakakadiri siguro kung sa kapwa ko lalake ginawa ‘yun (yak)..

Ano say mo? diba! diba!๐Ÿ™‚

****

nakalimutan ko: inuntog pa pala ako sa kahoy!! , Nagkilitian todo max.. na tila walang kapit bahay.. Naghampasan ng unan.. at nagtitigan.. hahaha wawa naman.. nahihiya daw si kupal..

24 thoughts on “MY FIRST KISS”

  1. grabe kaya nung una ko mabasa toh!!! “hahaha” etoh lang naging reaksyon koh nung una… gosh gumaganon ka na?! hehehe… parang shockz!!! joseph!!! whaAat!!? hehehe anu pa ba dapat na maging reaksyon koh? hehehe..

    hanep ah..

    hehehe..

    smile na lang… =)

  2. @junice..

    bata pa rin ako ‘no..

    isip bata.. hehehehehe

    try mo din makipag kiss.. LOL.. hehehe

    salamat sa comment..

    hahahaha.. \m/

  3. ngek… wag na…

    nirereserve koh kasi yun for Mr. right.. hahaha korni..pero totoo..

    hehe isip bata pa din ba..

    TC paLageh!!

  4. @junice

    nice!!! filipinia… pero tama yan! tama yan! ‘wag ka gagaya sa’kin.. mapusok na ako ngayon..

    hahahaha…

  5. baktol..huz dat gurl na ksma mo sa bahay nyo?unhmmm,,ngaun ko plang to nlaman ah…kung di ko pa tiningnan blog mo,di ko mababasa..hehehehe..binata kna pla ngaun…ganun talaga pag first kiss?curious ka kung ano ung feeling….hehehehehe,,,,,basta magiingat u plague…miss yah my friend…mwah! -burn-

  6. nyahahahahah!!! katuks..!! bkit wla png ngyari? jok lng.. haha nging kayu b nung girl n un? mukhang isa k s swerteng lalake s mundo ahh… haha… naks… cgeh.. katuks..๐Ÿ˜„

  7. @omar

    Yah.. ako na ang pinaka masayang lalake sa mundo, noong mga oras na ‘yun.. kaso malabong maging kami.. sobrang malabo..

    kung malabong maging kami.. mas malabong may mangyari LOl๐Ÿ˜€

  8. @jenz,

    hummp.. pa cute lang ako LOL.๐Ÿ˜€

    masarap s’ya.. kaso malabo ng malikbalikan.. hummp..

    hehe salamat sa bisita..๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s