SAN?


Sa Mundo kung saan natutulog ang kalahati nito

Ninanais kong gisingin ang parteng nababalot ng dilim

‘Pagkat naroroon ang taong nais kong makapiling.

Sa Tubig kung saan may mababaw at malalim

Ninanais kong magtampisaw sa maligamgam na likidong babalot sa katawan kong nilalamig

Madama man lang init ng ‘yong paglalambing

Sa Lupa kung saan naghahalo ang marikit’ masagwa

Ninanais kong makatalisod ng isang taong may kawangis mong diwa

Mga katangiang sa iyo’y hindi nawawala.

Sa Hangin kung saan may Habagat’ Amihan,

Na maaring makabuo ng buhawing may kalakihan

Ninanais kong magpadagit at magpadala sa kalangitan

Inaasahang may paraisong tanging kaligayahan lang.

Sa Apoy kung saan negatibo ang karamihang reaksyon.

Ninanais kong maging maalab, mapula at maaksyon

Tulad ng isang lamparang nakakaakit ng insektong lumulusong.

Sa buhangin kung saan maaring makapuwing

Ninanais kong maging isa nitong butil

Baka sakaling makatulong, makabulag ng pag-ibig

Sa Kalawakan kung saan walang Katapusan

Ninanais kong dito’y mamahay

Tulad ng isang bituing dito’y naninirahan

Baka sakaling ika’y mapatungo at ako’y matitigan.

Sa Pag-ibig ko sayong maliwanag pa sa sinag ng araw

Sa Pag-ibig mong patuloy na inililista sa tubig at kahanginan

Sa Pag-ibig mong ni walang inaasahang katiting na pagmamahal

Sa Pag-ibig mong inaasam-asam, subalit puso mo’y ga-bato sa katigasan

Tanging masasabi ko lang sa’yo na pag-ibig ko’y tunay. Itaga mo pa sa bato! hehe.

 

6 thoughts on “SAN?”

  1. LOL!! emo talaga! naku… wag mong ipilit ang sarili mo sa taong ayaw naman sayo. dahil lalo ka lang masasaktan. madami pa jan… more deserving of your time and attention😉

  2. @ettey
    Kanina ko lang ginawa ‘yang tula ko.. nice! nice! nice ba? wag na pansinin ang mga typo.

    ewan ko ba, basta inlove daming imahinasyon pumapasok sa isip ko..

    hump, hump.. “hindi nya ko kailangan, kailangan ko s’ya” san ko ba narinig yun..?

    hummp.. matagal na akong nasasaktan.. pero hindi ko pinipilit sarili ko sa kanya.. pero nandoon pa rin ang asa..

    asa fa me.. nyahahahahaha😀

  3. poooooohtek! sa lovestory yun movie ni maricel,aga at angelica p.! anuvah ~~ wag nang umasa…try mong deadmahin sya for a week tingnan natin kung di ka nya ma miss…awwwwwww!!

  4. haha..!! grabeh.. parang may naiisip akong GREEN dito sa ginawa mo katuks.. pero ok lang.. Astig.. mukhang pinaghandaan talaga.. halatang inlab na inlab ka sa taong mahal mo ah.. haha! lam mo ba.. minsan ngkakamali tayo ng akala na hindi rin nila tayo gusto.. hindi lang talaga natin mahalata sa mukha nila.. dahil ang mga babae ay magaling magtago’t maglihim.. tama ba? hehe.. cgeh.. sana nakatulong sinabi ko,,,^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s