ARTIFICIAL FLOWER


Hmm.. Kung dati-rati madalas akong mapadaan sa luneta, nauupo at nagpapahinga, kasabay ang malalim na pag-iisip matapos ang nakaka-stress na trabaho sa opisina.

Ngayon, hindi ko na magawang maupo sa isa sa mga benches doon, sa paikot na monumento ni Lapu-Lapu.

May mga bagay-bagay kasing nagpapaalala sa’kin na gusto ko ng iwasan, dahil patuloy lang akong nasasaktan.

At gaya ng lagi kong naiisusulat, walang may ibang kasalanan kundi ang sarili kong kamangmangan.

Minsan naiisip ko tuloy, kung ano ba ang problema, Pisikal ba?, ugali ba? o kung anu-ano pa.

Ah basta! nagpapasalamat na rin ako at napapa-aga ang uwi ko sa boarding house.

Madalas kasi, kung hindi SAKSI ang naabutan ko, mga latenight show na tulad ng I-Witness.

Eh ngayon, naabutan ko na ang primetime, Kakatuwa nga.. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga Asia-nobela at mas lalong hindi sa mga telepantasya. Pero nakakatuwang maumpisahan kong subaybayan ang kauna-unahang Japanese-Novelang Pangtelevisyon ng ABS-CBN ang “ARTIFICIAL BEAUTY”

Haha! Marahil, madali akong nakakarelate sa kuwento, malaki nga lang ang pag-kakaiba dahil Lalake ako at babae ang bida. At bukod doon operada na s’ya at ako’y nagbabalak pa lang. HAHAHA!! (toinks)

hindi ko naman kasi masisi ang Diyos kung bakit hindi ako nakasalo ng kagwapuhan noong nagsaboy s’ya.

At Mas lalong hindi ko naman masisi ang mga magulang ko kung bakit naging ganito ang itsura ko.

Minsan nga gusto ko nang maniwala sa “love is blind” at maniwalang may mabubulag ako na magkakagusto at magkakandarapang humabol sa’kin (asa) hehe

Minsan (uli) naiisip ko, napaka-unfair talaga. ganoong hindi na nga ako ka gwapuhan, sana naman nabigayan ako ng katalalinuhan, ‘yung tipong kaya kong makipagsabayan mag inglisyan.

tsk. tsk. nakakaintindi naman ako ng english at kaya ko rin naman magsalita sa nasabing wika (gusto mo may accent pa) pero pagdating sa writings.. tsk.. tsk..

Maiba tayo,

Hindi naman ako napanlait o masamang tao, Kilala mo ba si BUGOY ng PINOY DREAM ACADEMY season2? Ang Lupet diba? Ang ganda! ganda! ganda! ng boses nya.. gustung-gusto ko version n’ya ng Angel Brought Me Here ni Gay Sebastian.

Kaya ganoon na lang talaga ako ka-guilty noong tinukso ko ito sa isa sa mga nakakatext ko. Sabi ko: “KAMUKHA MO SI BUGOY”

EH, biro lang naman ‘yun, Ayon nagalit sa’kin, kaya matagal bago s’ya mag text uli.

Katakot-takot tuloy ang paghingi ko ng Sorry.

Malaman ko na lang na napakalaking kahangalan pala ang nagawa ko.

Ganoong ayon sa kanya. Masakit daw para sa kanya na tuksuhin s’ya ng ganoon, lalo na’t isa sa mga dahilan kung bakit hindi s’ya magustuhan ng minamahal n’ya ay dahil sa looks nya.

tsk. tsk.

Parang ako ngayon… madalaas ko nang isipin na sana, May katangkaran ako mula sa pagiging 5’4″ o 5’5″ maging 5’8″ man sana ako.

Sana rin maputi ako, may katangusan ang ilong, makinis ang balat at higit sa lahat malaki ang pangangatawan. (naks)

Taena kasi! pasalamat na lang ako dahil mata daw ang assets ko. Sana pala naging mata na lang ako.

Haaaay… bakit ba kasi inalam ko pa ang mga katangian ng gusto n’yang maging nobyo.

Magpapa-brace na nga rin ako, gusto n’ya rin daw kasi ng may brace.

Waahhh!! tae! Bakit ko ba naiisip ang mga ganito nawawala na tuloy ang kasabihan kong:

“Kung mahal ka ng isang tao, maging sino ka man, tatanggapin ka nito” (korni pero totoo)

Kung minsan naiisip ko na rin ‘to para mawala ang pag-aambisyon ko na magparetok balang araw:

“Ano kaya guwapo na ako, marami na akong napapaibig, ang kaso matapos ang ilang buwan, bumaliko ang ilong ko at malala pa nito kasabay ng pagkawala ng ilong ko ay ang kanya ring paglaho”

-ang saklap maging artificial di ba?

Mas masaklap siguro kung malaman mo pa na:

“kaya ka nagustuhan ng irog mo ay dahil sa pisikal na anyo mo lang (sex appeal)”

Oo, sabihin na na’tin na ang una nating tinitignan sa isang tao eh yung itsura, eh paano kung fake naman?

tsk.. tsk..

Ah Basta! sa oras na maisip mo na kaya ka hindi magustuhan ng pinapantasya mo, isipin mo na lang tong tinext sa’kin

“Haha, ui alam mo ba

kapag sinabi mong

panget ang

mukhat’ katawan

mo, parang

binastos mo

yung likha ng

maykapal”

2-July-2008

15:52:20 am

-omar joseph tuplano

Ito pa!

“Ganun ba,

Naiintindihan ko

naman kayo eh,

Pero para sakin

Tanggapin nalang

natin ang

ipinag-kaloob satin,

di ba? dahil meron

kaysa wala,

2-July-2008

01:06:01 am

-omar joseph tuplano

24 thoughts on “ARTIFICIAL FLOWER”

  1. ayus ah…

    “Kung mahal ka ng isang tao, maging sino kaman, tatanggapin ka nito”

    alam moh… totoo naman yan!! yang linya mo..

    ganda nitong blog moh huh..

    oo nga galing ni bugoy!! ala brian Mc night..astig ng boses nya!

    alam moh di moh na kailangan ng artificial beauty kasi true beauty lies within you.. within yourself..

    siguro nga kung sa itsura naman..sabihin natin na gwapo ka na.. eh aanhin mu naman yon diba kung di rin naman pala mapapasayo yung mahal moh.

    la lang… mahirap magsacrifice ng sobra taz naappreciate nya nga pero hanggang dun lang.. diba?

    niweiz… magpakatotoo ka lang… darating din ang para sa’yo…

    ^_^)

  2. tol, alam moh di moh naman masisi sarili mo kung bakit ganyan ka di bah????

    eto pah di mo kelangan magpakahangal sa mga taong mei samot saring komento tungkol saung pisikal na kaanyuan!!!!(wala sila pakelam dun)

    tao ka lang di ka perpekto at alam nating lahat un!!!

  3. haha!!nakz omar!!
    kw b yn?!
    hahaha!!
    ahmm…
    ang msssbi koh lng…
    we must be contented on what we hve ryt now…
    we must not ask 4 wat we dont hve…
    kc..
    kpg hbang may nttnggp tau..
    dumarating din ung tym n nghhnap p tau ng wla s ten..
    un ang mli s ten…
    kea..
    i think acceptance 4 the truth is the best solution…!!
    and…
    i cn also say that..
    d nmn importante kung anu ang kulang s ten..
    ang importante,,ung meron tau..
    and that’s what we hve to be thank 4..
    add me up s ym..
    if u lyk..
    ivy_khatorse14@yahoo.com

  4. hehehe~!naligaw lang ako sa blog mu?ay teka blog ba toh?..il add your site sa regular kong routine na binabasa.nakakatuwa lang in a way na napapaisip ka din…lalo na dun sa part na ‘sa pagiging 5′4″ o 5′5″ maging 5′8″ man sana ako.me nalala ko sa part na yan.me sinabihan ako na guy na ‘ok ka sana,height mu lang me problema..lols~!…anyways nice site~keep it up!salamat^^

  5. ay nalala ko ‘sabi ng pari nun minsan nagpreach sya->

    pag isang gwapo at maganda nagkatuluyan = love made in heaven daw un

    pag isang gwapo at di kagandahan naman = true love daw un

    pag di kagwapuhan at maganda naman = madiskarte un guy

    pero pag di kagwapuhan at di kagandahan nagkatuluyan

    = ‘kapwa ko mahal ko’ daw un…

    ..nashare ko lang..

  6. @ Junice

    (Sorry sa mga typo.. naiintindihan naman di ba? -ayan edited na)

    hummp.. ang lulupet ba ng mga kasabahin ko?

    ganoon talaga pag nai-emo ako..

  7. @ Omar

    yea.. omar.. paminsan-min kailangan na’tin maging halimbawa at inspirasyon sa iba..

    hahahaha… ayos ba? kumpare na kita kaya kailangan may merit ka sa’kin

    hehehehe salamat sa text na ‘yan..

    napatunayan ko faightful ka pala at the same time relegious.. hehehehe.. nice!!

    (sorry sa mga typo)

  8. well, ganun talaga. hindi naman lahat binibigay ni Lord sa isang tao eh. kaya nga nobody’s perfect diba? pero kahit ganoon, eh meron namang binigay sa atin si Lord kung saan tayo nakakaangat.

    at sa nakikita ko sa yo, eh magshashine ka talaga dyan sa larangan naiyong pinasok. Sabi nga ng title ng blog mo, libre ang mangarap. Malay mo, balang araw eh ikaw na ang napapanood ko sa I-Witness.🙂

  9. @ Ivy joyce..

    yah.. tama tama.. tatandaan ko yan

    “..acceptance 4 the truth is the best solution…!!🙂

    eh.. kaanu-ano mo si pareng omar?

  10. @ clamp

    patawa si father.. wahahaha natawa ako dun..

    yea.. sino po naalala nyo sa 5’4″ or 5’5″.. kaw ha.. mapanlait ka rin siguro..

    lam mo.. insecure talaga ako sa matatanggad.. naku nakailang talon na ko tuwing new year wa effect eh.. (toinksz!)

  11. ok lang yan bata ka pa… padami ka pera pag nag work ka tapos pa plastic surgery ka para tumangos ang ilong tapos bili ka pills para tumanggad…”tatangkad din ako, tatangkad din ako sa growee…” oks lang yan kung ano binigay sayo pagmayabang mo na lang kasi sometimes ang nagdadala lang sa atin e yung CONFIDENCE so be confident na lang… pakelam nila di ba?

    napadaan lang

    >>> mang BADoy

  12. @mang badoy

    eh.. kailan ba nag-i-stop ang pangtangkad?

    gloxi alam mO ba yun?

    yun na lang pag-asa ko.. wahahahaha..

    salamat sa pagdaan😀

  13. @ aga.

    hahaha.. naalala ko tuloy prof. ko sa trigonometry.

    wika nya:

    pag hindi mo naintindihan ang isang math problem, basahin mo uli

    pag hindi mo uli na intindihan, basahin mo uli sa pa pangalawang pagkakataon.

    pag hindi mo pa rin na gets, basahin mo sa pangatlong pagkakataon,

    pag hindi mo pa rin naintindihan.. may problema ka na ‘tol..

    hehehehe

    btw, perfect ka na siguro kaya na no-nosbleed ka.. hehehehe cool..

    salamat sa pag-daan!!😀

  14. adik!!! wala naman ako sisabe na panget kah!!!

    wahahahah nkikibaka talagah eh noh????

    hello????

    sabe nga sa psalms dun sa bible

    “you are fearfully and woderfully made”

    oh dibah???

  15. parang ang lame naman ata noong nagsabi ng hinahanap niya sa isang nobyo ay may brace. hindi ko makita ang logic sa hindi ko malamang dahilan o dahil siguro wala naman talagang logic ang sinabi niya.

    kung sa tingin mo ay hindi ka nabiyayaan ng magandang pisikal na katangian kumpara sa iba, isipin mo na may katangian ka na higit sa kanila.🙂

  16. @kingdaddy

    oo nga.. tanga lang talaga ako, kasi patay na patay ako sa kanya.. yun lang yun..

    pero astig ha.. “kung sa tingin mo ay hindi ka nabiyayaan ng magandang pisikal na katangian kumpara sa iba, isipin mo na may katangian ka na higit sa kanila. ”

    yea.. astig!!

  17. oo ang lupet moh.. hehehe.. kaya wag ka maghanap ng katangian na wala sa’yo… hehehe!!^_^) be happy mah friend!! Aztig mo nga eh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s