MAGIC TABLETA


Bibihira lang ako magising ng maaga, dahil madaling araw na ako kung matulog. (Para nga akong tanga eh, afterlunch pa pasok ko sa opisina pero nali-late pa rin ako.) hummp. at kanina nga, maaga ako nagising.. ginising ako ng hindi pa gaanong kasakit na tiyan noon.

Kakatuwa nga eh, dahil sa sakit ng tiyan.. maaga akong makakapasok sa office.. (ganoon kasi ako, pag naumpisan ko ng lunes na hindi ako nali-late.. kadalasan buong linggo akong hindi mali-late vice versa naman pag nalate ako ng lunes).

humm.. at dahil nga maaga ako nagising kanina.. kakatuwa ring napanood ko ang live coverage ng Miss Universe sa ABS-CBN, last year napanood ko din ‘yon ng live sa Dos.. Kaya gan’on na lang ang halakhak ko na sa pangalawa ring pagkakataon, nakakita ako ng babaeng nagpapadulas sa stage ng Ms. U, (hehe.. ang salbahe ko) ito pa.. last year Ms. USA yung nag-ala mop sa stage.. hindi ko lang alam kung close sila ni Ms. USA-Universe 2008, baka kasi na nagkaroon sila ng pustahan na gagayahin nya sa MS. USA-Universe 2007. hehe.. kaya ayun.. (mas astig lang ngayon kasi may palakpak effect s’ya..) parang.. yeah.. “nagpadulas din ako palakpakan” hehe.. (enough).

mga 11:30 yata natapos yun.. mga oras na nagla-lunch ako at naghahananda ng ipapaligo.

hummp.. kain.. eh mukang mas lalong sumakit ang tiyan ko.. (hindi ko alam kung na jejerbaks ako o kung ano)..

Isang bad karma marahin sa labis kong pagtawa kanina habang nanonood.

whe., sorry na ha.. but i learned😀

***

Naglagay ng REXONA sa kilikili, nagpahid ng NIVEA sa mukha, magbibihis na sana.. kaso.. iba na talaga nararamdaman ko..

Waaa.. sakit!! gonna die na..

sa totoo lang namamalipit talaga ako sa sakit ng tiyan. Alam kong hindi naman yun sa apendix kasi sa gitna ng tiyan yung sumasakit.

Uminom ako ng KREMIL-S.. wa effect.

Pumatak ang ala-Una.. (late na ako)

Tinext ko yung advertising coordinator namin, sabi ko baka hindi na ako makapasok today.

ayun, no choice sila.

nagdaan pa ang isang oras.. at patuloy pa rin akong nag-a-ala daga sa hawla na paikot-ikot sa wheel n’ya..

Mabuti na lang talaga andun ang Mommy ko kaya dinala na ako sa Ospital ng Maynila. (Thanks ‘Ma)

SA TAXI

Para akong nasa Karo, ang lulupet ng song si Manong.

Ito pa, parang tanga.. obvious naman na emergency ako, (nakahiga ako sa hita ng mama ko at hawak ko ang namamalipit kong tiyan). si Manong parang tanga. Nakuha pang pumunta sa Gas Station para mag wie wie.. adik lang.. (CALTEX yata yun sa QUIRINO AVE.)

Ito pa ang masama (believe it or not) nalaglag ni Mama yung phone n’ya sa loob ng Taxi.. (N-3310) pero useful pa naman y’un no.. (ka-guilty talaga).

SA OSPITAL

kung nandoon ka mas iisipin mong mas pasyente ang mama ko kaysa sa’kin. (namumukla kasi sa sobrang alala sa’kin)

Waa.. ang pangit ko, hindi na kasi ako nakapaglagay ng kung anong panada sa buhok ko kaya mukha akong mambobote na may highlights na tayu-tayo (imagine?)

Pumunta kami sa pulutong ng mga nurses.. iwan ko kung mga intern ‘yun o mga licensed na.

syempre tatanungin ka.

“ano pong nangyari?”

ewan ko kung para saan, pero pinataas yung kaliwa at kanan kong paa.

“kaya mong tumalon?”

hekhek.. natatawa ako parang gusto kong sabihin

“hello kuya, masakit po tiyan ko papatalunin mo pa ‘ko..?” hehe pero hindi ko naman sinabi yun.. wala akong karapatan mag-ala doktor sa sarili ko dahil mas alam nila yun.

ayun.. matapos nun.. pinaghintay pa kami ng mama ko habang pinapalista ang pangalan ko.

Dahil mahiyain ako at hindi ako sanay sa lugar na yun, at mas lalong dahil sa buhok ko.. isinuot ko yung saklob ng jacket ko, hindi ko alam kung ano tawag dun.. basta yun na saklob yun. Pinatanggal ba naman sa’kin, kala siguro nasa simbahan ako, sabagay.. may bubong naman kasi bakit nagsasaklob pa ako.

matapos siguro ang bente minutos sa wakas, napadpad din kami sa doktora at sa mga sabaw na nurses.. hehehe…

Unang tanong: “kailan pa sumakit yan?”

blah, blah.. maya-maya gulat na lang ako sa sumunod na tanong..

“may girlfriend ka?” (siguro inaalam kung nakipagsex ako kagabi, sa bagay baka may epekto din yun sa pagsakit ng tiyan, o baka may STD ako?, may sakit sa Bato?) Ayt!

“Umiinom?”

“Naninigarilyo?”

Kulang na lang.. “Adik ka?” (pero hindi naman tinanong)

Swerte lang talaga dahil sabaw ang kumapa ng nanakit kong tummy..

OMG!, pinatanggal n’ya yung sinturon kong may scorpio at may markang bungo.. buti na lang may boxer short ako, kaya pag bukas ng butones at zipper ng pans ko.. wala namang dumungaw.. hehe😀

Wow.. tatayuan na sana ako kaso, diniinan n’ya!

“masaket?” -“hindi po..” pero medyo

sa right side ng singit ko “masaket?”.. hindi po.. (namihasa)

kapa ng kapa, at diin ng diin.. nung nagsalita na siya ng : “eh san masaket!?” sabay diin sa gitna ng tiyan ko “aww. diyan po!”

blah.. blah…

ayun matapos akong mainterview at paghihipuan (toinks.) biro lang

pinaupo ako.. (come-on!) kala ko pa naman papahigain man lang ako sa isa sa mga kama dun.. eh hindi eh pinaupo lang ako sa banda roon..

inutusan ang mama ko na bumili ng gamot..

Tuloy, ako na lang mag-isa at walang kasama😦 sad.. habang nakikita ang mga emergency na pinapasok at mga batang nagpupumiglas habang tinuturukan ng kung ano (Ouchie!)

…Nilapitan na naman ako ng isang sabaw na nurse..)

next batch yata ng mag iinterview sakin, para malaman kung anong ukerampa naroon sa loob ng tiyan ko.

Wowiew.. kung ganito na lang sana lahat ng mag-aalaga sa’kin nanaisin ko ng magkasakit habang buhay.. haaaay…

Kinuhaan ako ng blood pressure..

“kuya pakitanggal y’ong jacket mo”

HUwaatt.. sabi na may pagnanasa sa’kin ‘to (toinkz!)

ayun 140 over 80 daw.. mataas daw yun.. eh malay ko sa blood pressure.. Itatanong ko sana kung ano ba ang normal.. kinuha nya rin ang temperature ko at resulta 36.(point) something.. wala akong lagnat in short.. [kinuha nya rin pala number ko (toinkz.. asa)]

ayun.. mataas nga talaga ng dugo ko kasi matapos akong tingnana, ‘yong matandang lalake naman yung kinuhaan nya ng blood pressure. TAE nagulat ako 80 over something yung dugo n’ya.. tae napatanong tuloy ako sa sarili ko.. laki kaya ng agwat ng 80 sa 140..

After n’ong sabaw na interview dumating na mama ko at dala na ang magic tavleta.. tae ang mahal naman P105.00 ang isa. ok lang mukang effective naman.

tapos n’on.. makalipas ang 30 minutes may tumingin uli saking nurse/doktor wow!! another sabaw na naman.. kaso hindi n’ya ako ti-nouch.. (sayang) ang hot pa naman..

hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako sa upuan.. pag gising ko.. tenen!! epektibo ang magic tavleta!! (yee bee!!)

laglapitAN SAKIn lahat ng mga sabaw pati ang doktor.. tinanong kung okay na daw ako..

kahit hindi pa gaano sabi ko OK na.. (makaalis lang sa lugar na yun, inaantok na kasi ako at panay duguan na ang nakikita ko)

Ayun, may mga laboratories pa sana ako kaso, mukang hindi ko na kailangan, super effective kasi ang magic tavleta.. Kaya sangkatutak na reseta na lang ang inabot sa mama ko.

pahabol ni Dok “ayan kakain ka na sa tamang oras ha”

sabi ko “sige po”

Sabay-sabay na nagtinginan lahat ng sabaw sakin.. hindi ko alam kung natutuwa sila dahil may napagaling sila o dahil nakita nila ako (hehe)

Sabay kintad ko sa pinaka-hot sa kanila, hehe (para hindi halata, sabay kuskus sa mata ko hehehe.. I’m sure kilig to the bone ‘yun.. haha asa..)

ACKNOWLEDGEMENT:

Salamat po ‘Ma.,

Salamat sa mga Sabaw na Nurse ng OSPITAL NG MAYNILA thanks.. (sana lahat ng nurse tulad n’yo)

Sa mga officemates ko sa THE DAILY TRIBUNE, (sorry, no choice kayo na lumiban ako hehe)

at sa mga textmessages ng mga textbuddy ko, friends, classmates at lalung-lalo na sa syota ko na magpanghanggang ngayon ay hindi pa rin n’ya ‘lam na kami na Lol.😀

P.S.

Makalipas ang mahigit tatlong taon, masarap din pala magkasakit. hehe

-BIOGESIC!!:D (yngat!)

12 thoughts on “MAGIC TABLETA”

  1. @kuya rowj

    oo nga eh.. sayang tuloy yung absent ko sa office, hindi na talaga ako makakabili ng DSLR mag lo-lomography na lang ako. hummp,

  2. @junice,

    kuletz ba? oo nga eh.. kasalanan ko kasi.. work na lang ako lagi iniisipin ko.. mababaliw kasi ako pag walang ginagawa.. lagi na lang ako emo pag naiisip ko ang lovelife.. Ayt!

    salamuch.. try mo din magkasakit LOL:😀 hehe (biro lANG)

  3. hehehe…. pazawai…naalala ko tuloy yung first time ko ng masugod ako dati sa ER!! gosh! feeling ko lalo akong magkakasakit!! at ayoko na ulit mapunta sa ganoong lugar.. wahahaha…bawal magkasakit.. marami pakong gustong matutunan.. hehe!!

    isa ka na sa mga dakilang EMOtero’t EMOtera huh.. hehehehe… haha nakamamatay yan!! bwahahaha… ienjoy mu na lang yung pain… bwahaha panu kaya yun? basta yun na yun..

    kaya ako… ayoko muna.. tama na muna… waAahhh.. aral muna… saka na muna yan.. dadating ulit ako dyan.. wahahaha…

    wahduh!! payatot muna… kumain ng tama..wahahaha..

  4. ei li’l bro! zzup?o yan ha, nagcomment na q… sana di ka na magkasakit ulit…
    enweiz, juz want u to know na natutuwa kng basahin mga gawa u.nawa2la boredom q sa work(khit few days nlng ntitira😦 waah)

  5. wahehe un pla ngyari sau tongek ka talaga kaw kasi nagtitipid ka!! tguro dahil yan sa syota mong hanggang ngaun di nya alam na kau na.. wahehehe…buti naman may magic tableta at ayos kana thanks to john Lloyd ko ..hihihi nga pla tep ano ung sabaw?? kaw ahh lolo ka na talaga malobog kana hehehe ako lola na ahihi.. ui kelan ba free time ire para get together tau ulit…tge baktol see you around namizz ko na kau,,,kumain ng maaus magagalet c girlfriend mo advice paalam mo na sa kanya na magsyota kau pwersahin mo sabihin mo nauntog lang xa kaya di nya maalala na kau wahehehe… effective yan baktol..kaso inuntog nya uli ung sarili nya kaya nagising hehehe clue?? lam mo na un!!! tge baktol INGATZZ… on behalf of john Lloyd hehehe…lumafang lage okiz

  6. @Rhaine,

    waah.. paano ‘yan.. san ka magwowork uli?, tsk.. tsk.. mukhang mayaman naman tatay ng baby mo eh.. yakang yaka yan..

    basta, always pray.. hehe (lakas mag inganyo mag pray, ako hindi ako nagpe-pray!!.. bad cheeta ako).

    \m/

  7. @aneng,

    napadaan ka.. hehehe

    sabaw -isang taong may angking halita, para s’yang literal na ulam na may sabaw na gusto mong higupin, kainin, (mainit) wahahaha -laswa.

    pantasya ko lang ‘yun at malabong magkagusto at maging kami..

    huump.. pano ‘yan wala na kong CP nawala (slash) niwala..katangahan lang… e-mail mo na lang ako.

  8. @mang badoy

    yeah.. salamat..
    yah.. tama mahal ang magkasakit.. pero mura sa ospital ng Maynila.. dala ka lang ng sarili mong higaan or else.. matulog ka sa upuan.. hekhekhek..LOL:D

  9. hehehe adik ka kasi yan pasabaw sabaw ka pang nalalaman nawala tuloy cp mo,, hehehe.. pero baktol nice shot ahh mahilig kana sa sabaw keep it up pate mama mo dinadamay mo sa sexuality mo curiosity ba yan o trip mo na???hehe anyway suportahan na lang kita keep it up.. ingatz lage …

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s