USAPANG MAG-INA


Dahil sa materyal na bagay pa! na pinapangarap ko, kinakailangan kong gumising ng maaga para rumaket, labag man sa loob ng eyebag ko.

sa mga susunod na araw.. siguro malalaman n’yo rin kung anong bagay ‘yon dahil mabibili ko na s’ya.. yee bee!! konting banat lang ng buto ay literal na puhunang dugo.. hehe (namumutla na kasi ako kakatrabaho) toinks!

***

Bibihira lang kami makapag-almusal ng sabay ng Mommy ko, bukod kasi sa hindi ako nag-aalmusal, tanghalian pa ko kung magising (paulit-ulit).

Naka boxer short akong bumaba sa kusina dala ang nakasabit na tuwalya sa leeg at balikat ko..

Mommy: ang aga ha.🙂

Otep: papasok kasi ako ng maaga (pungas sa mata)

Mommy: kumain ka na d’yan, bagong saing yung kanin, 41 pesos ‘yan para makakain ka, hindi ka na naman kumain kagabi?

Otep: Kumain kaya ako.

Mommy: bakit parang walang bawas yung kanin?

Otep: Kala ko kasi hindi kayo nagsaing, yung nasa isang kaldero yung kinuha ko. tigas nga eh..

Mommy: NFA kasi ‘yun.

***

Otep: May mainit na tubig ‘Ma?

Mommy: me’ron (sabay kalog ng termos)

Otep: magtitimpla ako, pengeng 3-1 (nescafe)

[Sabay lakad palabas ng kusina at pumunta sa tindahan ang mommy ko (may tindahan kasi kami)]

***

Hindi ko alam kung paano napunta ang usapan sa pisikal na anyo ko.

Pagkagising ko kasi, tayu-tayo ang makapal kong buhok (malagkit) dahil sa Gabsy Wax na nilalagay ko.

Sa totoo lang gustung-gusto ko maligo pag gabi, pero dahil sa sobrang kapaguran at baka mapasma hanggang hilamos lang ako.

Sabay banat ni Mommy

Mommy: ‘lam mo, mas ayos pa nga ‘yung dating, itim na buhok mo.

Otep: Gusto ko na ngang magpaitim uli ng buhok eh.

Mommy: edi paitim ka, kakasahod mo lang eh.

Otep. wha. bigyan n’yo ko pera, nag-iipon nga ko eh.

Mommy: Dapat nga binibilhan mo ‘ko ng bagong cellphone.., hirap pag walang cellphone (nawala kasi CP n’ya)

Otep: Sige pag tumaas na ‘yung sahod ko. (sabay ngisi) hehe. Dami ko kasi gustong bilhin eh.. bibili ako MET Tahione eh, papaputi ako, kaso mahal eh.

Mommy: Naku.. ayaw kasi makuntento, kung ano binigay sa’tin ng Diyos tanggapin mo.

Otep: Paparetoke pa nga ko ng ilong (pang-asar)

Mommy: Hay naku.. ‘lam mo kahit pagtabihin kayo ng amerikano, mas pipiliin kita, anak kita eh [anong konek? (ang korni ni mama)].

Otep: Naks, mata nga lang daw maganda sa’kin eh

Mommy: tingnan mo, ganda nga na mata mo tulad sa Papa mo. (sumalangit nawa)

Otep: Naglalagay nga ko ng eyeliner para mas gumanda

Mommy: Kaya pala may eyebrow sa taas

Otep: hahahaha! (natawa ako) ma, eyeliner ‘yun. hindi eyebrow.. (sabay turo sa kilay ko)

***

Mga isang linggo na kasi ako naglalagay, pinapangatawanan ko na ang pagiging imaw EMO. natutuwa lang kasi pag nakikita ko yung mata kong may kaitiman ‘yong ilalim (pero hindi ganoon kakapal)

Sa totoo lang naingit lang ako.

N’ong minsan kasi, may nakasalubong akong lalakeng may eyeliner, bagay naman, kaya sinusubukan ko. Sa awa naman ng Diyos walang nakakapansin na naglalagay ako.

Mommy: Bakit nababakla ka na ba?

Otep: (humihigop ng kape, muntik ng iluwa) Ma! porke’t naglalagay ako, it does’nt means na bading ako.

Siguro nahahalata lang ng mama ko na wala akong lovelife, noong high school kasi ako, madalas n’yang nababasa mga love letter ko at mga love letter ng ex gf ko. (paki-alamera) burara kasi ako sa gamit, kaya hindi ko rin s’ya masisi.

Isipin na lang na’tin na wala na s’yang nababasa ngayon (dahil nasa blog ko na lahat ng pantasya ko). hehehe..

Haaay.. hindi ko rin alam kung bakit, matapos ang highschool hindi na muli ako nag ka gf, siguro dahil bf na hanap ko (toinks!) wahahahaha.. pero kung tutuusin gusto ko na uli mag ka GF, kakalungkot din kung puro work na lang inaatupag ko wala ng trill sa paulit-ulit, araw-araw na lang sa buhay ko.

kaya ‘yong gusto mag-apply d’yan.. I’m single and ready to mingle LOL!!😀

 

17 thoughts on “USAPANG MAG-INA”

  1. kaya ingatan mo ang iyong mga mata dahil “asset” mo yan. hehehe. wag madaliin ang love life. darating din yung tamang tao para sa yo sa tamang panahon.🙂

  2. @kuyarowj,

    wahahaha.. “asset” kuno! hehehehe.. yeah.. parang at the right time, right place, right person ganon.. panay left kasi nakikita ko LOL😀 waheheheh

  3. otep, musta na? remember i-witness? hehe,, natripan ko kasing igoogle ang name ko,, kasama ito sa mga lumabas,, hehe,,
    and I read some of your blogs na rin pala,, ito saka ung tungkol sa i-witness,, hehe

    good luck sa lovelife,, hahaha🙂

    siyanga pala, nagustuhan ko ung layout mo dito sa wordpress,, pwede bang humingi sa yo ng advice minsan?🙂
    gumawa kasi ako ng account for sa wordpress,, eh, beginner pa lang ako,, mejo hindi ko feel ung layouot,,

    pag nahirapan na talaga ako,, tatanungin na talaga kita,, hehe

    thanks much!🙂

  4. @yza

    Hi Yza!
    yeah.. i know you! Si Yza na talaga UP Los Baños!!

    makakalimutan ko ba kayo ni filipiniana na nakatabi ko sa Seminar,

    anyway, template lang yung layout ko.. hindi ako gumawa n’yan.. explore mo lang ‘yung mouse mo, may mas mapipili kang mas maganda.

    hehehe..:D

  5. uy! sigurado ka gusto mo gumamit ng methatione? Basta ako mas gusto ko kulay ko,kayumanggi! haha walang epek ang pagiging maputi dito sa lugar namin.Mas sikat pag color brown..haha Kasi mga tao dito gumagastos ng pera to make themselves tan.

  6. @MC,

    yeah, kung mayaman lang ako bibili ako at iinum hanggang ma acheive ko yung kaputiang gusto ko.. hehehehe asa pa ko wala ako pambili.😀

    Sige d’yan na rin ako titira.. nyahahaha mainggit sila sa kulay ko! lolz…

  7. buti kapa otep may asset, AKO WALA hehe.
    masarap ang single
    walang nagbabawal
    ako single nagagawa ko lahat
    at nakakatulong muna sa pamilya

  8. @DENCIOS,

    asus wala daw, crush nga kita..Nyahahahahaha LOLz.

    yeah tama mas maganda pag single! at mabuting single kang umalis ng Pinas kundi iyakan na to!

    malay mo d’yan mo makita si lovvidudes yeah \m/

  9. @DENCIOS,

    bwuahahaha!! (tawang pang-asar)
    Buti sakin may nagkamali na!!

    peace men*

    napanood mo na ba scandal ko, special mention ka dun.. hahaha
    see you soon, pag usapan na’tin lovelife mo..😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s