ERRATUM


Kung pamilyar ka sa salitang ‘yan at kung sa publication o newspaper ka nag tatrabaho malamang alam mo ibig sabihin n’yan.

ERRATUM: a statement of an error and its correction inserted, usually on a separate page of slip of paper, in a book or other publication; corrigendum.

Tandang-tanda ko pa noong una akong magkaroon ng pagkakamali sa mga layout na ginawa ko, hindi lang isa kundi marami pang beses sa mga ads na Legal Notices. Natatawa man ako ngayon pero kailangan kong sabihin sa inyo para hindi n’yo ako tularan (sige na matalino kayo eh).. hehehe

ako: Ma’am walo po ang ERRATUMS natin..

(sensya na) ERRATA pala ang plural ng ERRATUM

Sa Publication naman kasi hindi talaga maiiwasan ang magkamali, kahit sabihin mong kabi-kabila pa ang mga proofreader mo. Sa palagay ko naman kasi, kaya nagkaroon ng proofreader hindi para mawala ng tuluyan ang mga maling baybay na salita at iba pa, kun’di para maiwasan, kaya may lulusot at lulusot pa ring mga kasumpa-sumpang kamalian.! ayt.

Oo, nakakahiya, nakakapanglumo at nakakalungkot pag nagkamali ka, pero ganoon pa man wala na tayong magagawa, dahil nangyari na ang nangyari hindi mo na maibabalik, ang tanging magagawa mo na lang ay ang mag-sorry.. huhu

kung sorry lang naman ang pag-uuspan ilang beses ko ng nabigkas ‘yan, mabuti na lang naaalala ko pa ang turo ni Sir. Alexander M. Marfil, professor ko noong college sa major subjects at sa Management, kaya aside sa “sorry” mayroon pa akong ibang alam sabihin.

Alam mo ba ang six important words sa mundo ng management? ” I admit, I made a mistake” hehe yun na lang naalala ko eh actually pito yan.. ammm.. yung two important words pala ay “thank you” (share ko lang)

btw, ‘yan na lang six important words ang nasasabi ko pag nagkakamali ako,

Mabuti na lang talaga at may erratum, kaya nagagawa pang iwasto ang napublished na.

narito ang halimbawa ng erratum:

“under case no…/…in the advertisement on … blah.. blah.. it should be read as blah blah.. and not as published”

Sana lahat na lang ng bagay sa mundo ay nai-erratum, kung saan ang mali hindi man maibalik sa totoong panahon, maiwasto man lang sa pamamagitan ng maiksing paliwanag.

Sa kabilang banda…

Madalas sabihin ng tao, isama mo na ako, na “sa kamalian tayo natututo” pero kailangan bang lagi muna tayong masaktan bago na’tin sabihin na nagkamali na naman tayo?

Nasabi ko ito, dahil sa paulit-ulit na lang.. nagpapakatanga ako sa isang bagay na kahit alam kong mali sige pa rin ng sige.

Ganoon na man di ba?

Sa isang sitwasyon, halimbawa: sabihin na lang na’tin na may mahal kang tao, (hindi hayop ah) Malamang mahal na mahal mo s’ya.. kaso, kahit alam mong hindi ka n’ya mahal ay nagagawa mo paring mahalin s’ya, kahit alam mong nasasaktan ka!, pero ginagawa mo pa rin ang lahat huwag lang malayo sa buhay n’ya.. may tawag dun eh -isang malaking pagpapakatanga!

Sa huli, ang pagkakamali ay lumitaw sa mundo para magbigay ng aral.

Sa mga siyentipiko ang pagkakamali ay lumitaw para sumubok muli, para sa ikabubuti.

Sa walang kuwentang bagay, lumitaw ang pagkakamali para magkaroon ng kabaliktaran ang tama.

at sa mga tulad ko, ang pagkakamali ay kusa kong inimbento para sa isang bagay para masaktan ako.

Ayt. ayoko na humahaba entry ko, na e-emo na naman ako..

Yngat!

 

 

6 thoughts on “ERRATUM”

  1. @mangbadoy

    hindi maiwasan magkamali eh, pero minsan sinasadya kong magkamali para sa sarili kong luho wa… double meaning (emo again..)

    pero tama! yeah \m/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s