IDEAL


PABATI: HI, ALING BABY!!!😀, KUYA ROWJIE LAGI KA NA LANG BUSY!!!, SADAKO HINDI KA NA DUMADALAW HA..!!!

Hehehe hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan, pero dahil sa isa akong inspiradong tao ngayon.. (hehehe Yebee!! Dahil weeksary na namin ng bhebhe ko.. love you bhe!) (Hindi maniwala may kotong!) ilalahad ko ito..

***

Halos lahat tayo may ideal man/woman at masasabi nating, isa itong ilusyon <slash> pangarap sa buhay o sa hinaharap. Huumm.. hayaan nyo na lang sabihin ko sa buong kumunidad ng pagbablog ang ideal ko.

Hindi halata pero ambisyoso akong tao, lahat na yata ng imposibleng mangyari sa buhay ko ay pinantasya ko na, pero walang makakapigil dahil ika ko nga “libre lang mangarap” lol.

Narito ang mga tipo ko:

  • Mahaba ang buhok, yung tipong sa oras na ilugay n’ya, mapapasigaw ako ng “ang gandaaaaa….” (taray) ang bango kasi tingnan.
  • Syempre kailangan matangkad ako sa kanya so, kung 5’4 ako sana 5’3 s’ya, hehehe bakit? wala lang para okay lang pag nagbumtarat-tarat na kami (bawal ang green)
  • Sobrang importante na kumpleto ang ngipin n’ya at good breath. (sino ang ayaw nun?)
  • Mas sobrang importanteng walang buhok sa kilikili/maputi ang kilikili (super ka-turned off pag may buhok) yay! naalala ko tuloy classmate ko n’ong high school.. (yakz) P.S walang anghit dapat.
  • Maayos manamit, yung trendy din dapat, para mukha kaming tao at hindi oldies (although tao din ang mga oldies lol).
  • Sweet (malambing).. hindi naman yung tipong sa sobrang sweet na naglalampungan na kami sa daan at kulang na lang langgamin kami ng mga mata ng ibang tao.
    • Kini-kiss ako in private place (hindi private part ha)
    • Hino-holding hand ako pag nanonood kami sa sine (gusto ko s’ya unang hahawak ng kamay ko) hehehe.. (demanding)
    • Pinupunasan pawis ko sa mukha ng panyo n’ya.
    • Lagi n’ya akong tinetext ng “i love you”, “ingat”, “kain ka na” “good morning, evening” “good nigth” yung tipong mararamdaman kong sa bawat gising at tulog n’ya, ako yung naaalala n’ya. (Ayoko ng quotes, jokes pwede pa)
    • Lagi n’ya akong sinasabihan ng “i love you” (pabulong sa public place)
    • Pagkumakain, gusto ko sinusubuan n’ya ako (kahit once lang) at napupunasan kapag may dumi sa mukha.
    • Mahilig ako sa sopresa.. wag lang yung sopresang “break na tayo” masasampal ko s’ya ng deoras (nyahahahaha wild) biro lang.
  • May sense kausap at may kadaldalan ng konti may pagka-korni at ka kengkoyan.. yung tipong birong kalahati ay totoo. (hindi nauubusan ng kwento)
  • Medyo sexy basta walang bilbil (meron pa ba nun?)
  • Medyo selosa din, para feel ko na kawalan ako.. (nyahahahaha)
  • Matalino pero hindi yung tipong lahat ng scientific name alam n’ya pati mga alien sa pluto alam din n’ya, alam n’ya lang sagot sa 1×1 oks na.
  • Gusto ko pala minamanyak ako, sinong ayaw nun? Nyahahhahahahahaha (natawa ko har!_)
  • Gusto ko din s’ya unang nagbibigay motibo Harhar!!
  • hehehe.. sa kabilang banda, kahit hindi s’ya mayaman, may trabaho man lang, para pag wala akong pera may mauutangan. (ayoko naman ng sobrang breadwinner na sa kanya umaasa buong pamilya n’ya pati kapitbahay.. paano na kami diba? baka mamaya pati ako maging charity worker.)
  • May mga common factors kaming tinatawag.. mahilig sa art: photography, painting, exhibit ect.
  • Mahilig mag lakwatsa/maggala/out of town.. na parang lahat ng hotel mapapasok namin.. (turista)
  • Medyo sadista at nagagawa akong suntukin para may trill, lumalaban.. (hehehe)
  • Nagpapapilit, Pakipot (konti lang ha.. pero papayag sa huli)
  • Marami pa eh, dadagdagan ko na lang… in general SIMPLE lang gusto ko.. Nyahahahaha!!!

SERYOSO MODE:

Naalala ko tuloy yung kakilala ko at ngayo’y mortal ko ng kaaway..

Ayaw n’ya daw ng mas bata sa kanya, ayaw ng matalino blah blah,… basta marami s’yang sinabi na ayaw n’ya sa isang tao, eh may kakilala ko na may ganung katangian.. Aba! malaman ko na lang sila na! taeng ‘yun hindi pa nilamon ng kawalan sa sobrang inis ko. (crush ko kasi, ayun feeling ko nasulutan ako)

Btw, Gaya nga ng sabi ko lahat tayo may tipo, pero pag dumating na ang tao ‘yun (na nakalaan sa’yo), sa ayaw at gusto na’tin kalahati nun mawawala. tama?

At sabi pa nga nila “the more you hate, the more you love” san ko ba narinig yun?

Mapalad lang talaga ako sa bhe bhe ko.. para kasi sa’kin “PERFECT” s’ya. kaya ayaw ko man isipin, ikamamatay ko pag nawala s’ya!😦

 

Ang Tipo Kong Babae Lyrics
By Ampon Ng Bayan

Kahit di maganda, di mayaman
Basta’t tapat magmahal
Siya pa rin ang aking iibigin
Panghabang buhay
Kahit na siya ay selosa
Basta’t siya’y malambing kung umibig

Hindi importanteng sobrang talino
Basta’t marunong sa buhay
Hindi kailangang maging suplada
Para ka mapansin

Chorus

Ang aking tipong babae
Medyo bigay-hilig pero mahiyain
Nabubuwang ako sa iyo
Ikaw ang tunay kong gusto

Kahit di seksi, kahit magaslaw
Basta’t disenteng kumilos
Kahit makapal ang make-up
Wag lang nakakatakot

(Repeat Chorus)

Kahit di mabango, ang kanyang anyo
Basta’t siya’y malinis
Kapag binastos, marunong lumaban
Basta’t siya’y nasa lugar

Ang aking tipong babae
Medyo bigay-hilig pero mahiyain
Ang aking tipong babae
Medyo bigay-hilig pero mahiyain

 

20 thoughts on “IDEAL”

  1. ayan… dumalaw poh akoh… (may sakit?) haha joke. uhmmmdi ko pa nabasa tong sinulat mo.. dahil sa busy2han ako ngayon.. niweiz.. i’m happy for you… i am really happy for you…hehehehe…

  2. hehehe…

    pasensya na talaga… dumadalaw naman ako… di lang talaga ako makapagcomment…

    taz ngayon sinama mo pah ako dyan sa pabati moh…

    oy kamuztah?? kelan ko ba sya makikilala???

    hehehe

  3. sensya na ngayon lang ako nakadaan.🙂 belated happy weeksary! (pambihira, pati weeksary sineselebreyt na ngayon haha.) saka indi mashadong detalyado ang ideal girl mo (tao ba talaga yang hanap mo? jowk!) parang ang hirap hanapin ng complete package eh hehe..puro patchi-patchi lang hehe o baka naman dine-describe mo lang yung bhebhe mo?
    🙂

  4. hi otep…
    mustasa?
    naloka naman ako sa mga lists mo!
    pero am sure some of them if not all are possible..
    antayin mo lang!

    cenxa ngayon lang ulit kita nadalaw.. kagagaling ko lang ng mental eh😀

  5. @Aling Baby

    hindi mo naman obligasyon dumaan dito lagi.. pero kailangan mo mag comment sa ayaw at gusto mo! nyahahaah peace*

    oo kailangan ng weeksary iyon yung mga pinakamahahalagang pagdiriwang lahat ng”first” 1st weekassary, monthsary saka anniversary lol.. i love being inlove lol.

    pero ilusyon ko lang talaga ang ideal girl ko dahil idealman hanap ko Lol.. nyahahahaaha \m/

    like i said.. Perfect s’ya! nyahahaha

  6. @Geisha,

    oo nga tagal mo nawala.. na miss kita Hug* with beso-beso* nyahahaha
    kamusta sa mental? tagal ko ng hindi nagagawi dun.. Nyahahaha..

    sorry, natagpuan ko na s’ya.. nyahahaha.. APir*

  7. bakit naman diko gugustuhing makilala??? -_-?)

    si chubz!? sinesearch ko palang.. konti lang xe lam kong info bout him.. kaya sinusulit ko na yung stay ko sa ofiz..

  8. mataas ang standard ko.. napako ako sa ideal gf ko pero napasalungat naman nun kase naghahanap ako ng perpekto samantalang ako eh hindi naman..

    dati rati mahalaga sakin ang itsura
    ngayon mahalaga pa rin pero ang importante talaga eh yung mamahalin ako at kayang manindigan sa pangakong ako lang ang lalaking katabi nya sa kama habang may relasyon kame.. lol

  9. @FerBert,

    hummm.. libre lang mangarap lolz kaya kahit si angelina jolie pwede natin pagnasahan ang lips at keps.. nayhahahaha (ang bad ko talaga) ideal ko yung mga ganoong lips eh.. so hot.. teka, bakit wala sa ideal lists ko yun…

    may tama ka.. mas mahalaga pa rin yun kaysa sa ano pa man.. diba? patayin mo na lang yung ilaw.. nyahahahaa (toinkz!)

  10. hahaha… honest ako!! suoer crush ko yun!! sana.. hehe maging close kami.. niweiz.. ang arte mu huh… ipakilala mo naman ako sakanya! hump!

  11. hello OTEP!
    Langya…Ganda ng bahay mo! its one of a kind!!! Parang yung DEYKER ko lang.:) teka natatawa ako sa version mo ng kantang to… pati ba tono? hhehehe tsaka ang haba naman ng requirements.. este ng description ng tipo mong babae! Anyway, salamat sa pagvisit mo sa Deyker (link) ko. Salamat din at nasa blog roll mo na pala ako!!! thanks! Dahil jan.. instant skolar ka na rin sa deyker ngayong 2nd Sem! Sana makahabol ka ng lesson!

    Antay kita sa gate pagpasok mo ah?🙂

    TeaCheR ZapPeD

  12. @zapped,

    yeah.. maraming salamasss at napasa ko ang entrance exam ko… excited na ko sa pagpasok.. i’me really very sure na marami ako matutuhan sa iyo maestro.. hehehee.

    salamass..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s