PANGARAP MO BA MAG-ABROAD?


PABATI: Hi! Best Friend Edison, kamusta naman Van?, zup! Gerry, hey! Lhon at elo Rai.

. . .

Yeah. sino bang tao ang ayaw mag-abroad diba?

Ang makapunta sa mga pinapangarap na lugar sa iba’t ibang bansa tulad ng Great Wall sa China, Safari, Las Vegas at kung anu-ano pa.

Pero sabi ko nga, bago ko muna mapuntahan ‘yang mga lugar na ‘yan, mas pipiliin ko munang puntahan at mapasyalan lahat ng magagandang lugar dito sa Pi’nas (kasama Bhe Bhe ko) tulad sa SAGADA, BATAD, CHOCOLATE HILLS, APO/DAVAO at marami pang iba.

Pero sa kabilang banda, ang pag-aabroad ay isang payak na salita na para sa karamihan na ang ibig sabihin ay pag paghahanap-buhay sa ibang bayan.

Nakakalungkot mang isipin pero realidad na ito para sa marami na’ting kababayan, na masakit mang tanggapin kailangan nila itong gawin para din sa kani-kanilang pamilya.

Hindi na rin iba sa’tin ang makarinig ng nakakalungkot na resulta sa pagbalik nila dito sa Pi’nas, mga halimbawa na lang nito ay ang mga napariwala nilang kapamilya, nalulong sa bisyo at kung anu-ano pa.

Wala namang ibang masisi kun’di ang kahirapan, at madalas ang pamamalakad ng mga numumuno sa ating bayan kung bakit ganito ang ating kinahahantungan.

Sa kabilang banda, bakit ko nga ba ‘to nailalahad.?

Nagpunta kasi kami ng Bhe Bhe ko sa Starbucks para mag kopee (malamang)

Ayun, marami kaming napag-usapan ukol sa mga bagay-bagay, pero hindi yun tungkol sa inilalahad ko.

Sa bandang likod kasi namin (medyo katabi ko) may isang babae (ang pretty n’ya) at lalake (wafu din bagay sila), nakakasiguro akong mag jowa ‘yon, ewan ko ba pero gumana ang ka-chismosohan ko, at nagawa kong palakihin ang tenga ko at idikit sa kanila. Napukaw kasi nila atensyon ko sa kanilang pinag-uusapan.

Mabuti na lang busy si Bhe Bhe ko kaka-PSP (Super Mario 3) kaya medyo naka-focus s’ya dun habang kumakain ako.

Ganito ang kanilang napag-usapan (Hindi ko ‘to gawa-gawa ha!):

Lalake: Mabuti ka nga nakatapos e’, ako hanggang high school lang.

Babae: paano yun wala ka ng balak mag-aral?

Lalake: Matanda na’ko no.

Babae: 22 (twenty-two) ka palang naman ha, may classmate nga ko before 32 na may anak na, pero nag-aaral.

Lalake: Kahit na, ako lang inaasahan sa bahay, may sakit pa si Nanay.

Babae: anong plano mo?

Lalake: Mag-abroad.

Natahimik ang Babae, Ewan ko ba, parang may kakaiba dahil natahimik din ako, although tahimik naman talaga ako that time, parang may malalim akong inisip.

Lalake: O’ ba’t natahimik ka?

Ngumiti lang yung babae pero halata ko sa mukha n’ya yung tinatawag na kalungkutan (Soooo emo)

Lalake: Sa panahon kasi ngayon, hindi ka aasenso kung wala ka nang pinag-aralan, high school grad. lang ako, yung iba nga college graduate pero nahihirapan pang maghanap ng trabaho.

Babae: Bakit kailangan mo pang umalis?, edi magbusiness ka na lang, may kakilala nga ako elementary lang yung natapos pero mayaman na ngayon.

Lalake: kasi ikaw nakapag tapos ka na, pagtanda mo wala ka ng aalalahanin pa. e’ ako, walang kasiguraduhan…. lalo na dito ka sa Maynila, hindi tulad sa Probinsya.

Babae: Oo nga daw, sa Province daw kasi basta marunong ka magtanim mabubuhay ka na.

Lalake: Parang ganun..

Natahimik na sila pareho.

Pati tuloy katahimikan ko napansin ni Bhe Bhe

Bhe Bhe ko: Magsalita ka naman

Ako: Sige lang laro kalang, sasabihin ko sa’yo mamaya kung san makikita yung 1-up.

Samantala… Napansin uli ni Lalake na tahimik na si Babae ng tuluyan.

Lalake: hoy, ang tahimik mo talaga.. nakarinig ka lang ng “abroad”, alam mo bata kapa kasi, balang araw maiintindigan mo din ako.

Hindi umimik yung Babae

Lalake: Alam mo matagal pa naman yun, saka kung gagawin ko yun, para sa’tin.

(infairness kinilig ako dun).

Pagkatapos kong kiligin, kinausap ko na si Bhe Bhe ko, baka hindi ko maKeri.. (madala ako) Nyahahahaha..

Haaaayyy… ako kaya mag-aabroad din?

Ayoko Maiwanan at mang-iwan😦 emo

 

32 thoughts on “PANGARAP MO BA MAG-ABROAD?”

  1. medyo natawa ako dun sa lalaki sa sinabi nia na “may sakit si Nanay blah2” pero wag ka pastarbucks starbucks pa sila. haha!

    kidding aside, cno ba tlaga dapat sisihin sa kahirapan? ang tao mismo? ang gobyerno? bansa? cno? sabihin mo kung sino? sino? wow galit na galit? hahaha!

  2. Lalo ba habang nagko koment ako dito eh mamaya lang pipila na ko sa DFA para asikasuhin ang passport ko? nagwalk out kasi ako sa trabaho ko (see Miseducation #16) kasi buwiset… basta, hindi kaya tustusan ng sweldo ko ang bigat ng responsibilidad ko kaya habang single pako…younger looking, healthy at nasa kalendaryo pa naman… ill take advantage of pursuing in going somewhere! basta anywhere but here! Babalik na lang ako pag wala nang nunal si Gloria. Baka sundan ko na lang bespren Aling Baby ko sa Dubai tutal andun na lahat tropa…. bakit mo nga pala sinulat to? may plano ka rin ba? kala ko ba may lablayp ka dito?

  3. @Ralph,

    hehehe jologs ba si lalake? classic nga eh.. nyahahahha..

    easy lang bro! sali ka sa MIGRANTE PARTY LIST bagay..nyahahahaha..

    MAKIBAKA! MAKIBAKA!! lolz.. (korni ko)

    tanong ko lang, ano pagkakaiba ng “lalake” sa “lalaki”? hehehe

  4. @Zapped

    yeah may balak ako, sasama ako kay aling baby sa dubai.. nyahahahaha.. sali n’yo ako sa tropa..

    hehehe.. sama ko din bhe bhe ko.. para masaya..

  5. Nasa abroad ako ngayon at syempre alam ko ang feeling.Although hindi pa naman ako nagwo-work.Mahirap talaga umalis ng pilipinas dahil kalaban mo lagi ang homesick.Pero ang paga-abroad lang kasi ang the best way to escape poverty and find a better nor a high standard of living.Greener pasteur kumbaga! As a matter of fact,umiiyak ako minsan dahil sa homesick pero mas iiyak siguro ako kung nasa pinas lang ako at lubog sa hirap.So far so good,naka-adjust na ko sa culture at weather nila dito,even sa accent ng mga tao.Galing ng pinoy no?We can adapt to a changing environment,haha enough said..

    P.S- Thanks sa pagdalaw ng blog ko🙂

  6. @MC

    yeah.. bakit ka pala napadpad d’yan?
    na.. ano ba tawag dun?

    sounds like “penetensya?” anu yun?.. wateber! basta yun na yun.

    d’yan ka na titira forever.. so kung babalik ka ng pinas, for visit lang..

    kung ako mag-aabroad.. siguro araw-araw akong nasa blog.. nakakatanggal ng homesick yun diba?

    yeah thanks din

    \m/:D

  7. hindi ko din alam kung dito nga ako titira forever,haha I wanna try something else naman.Lapit na ko maging citizen eh so 90days na lang ako pwede manatili sa pinas.😦

  8. ako nasa Dubai. mahirap talaga sa abroad pero ang drive ko nasa pamilya (yung maitutulong ko sa kanila kasi mahirap lang kame) kaya sa tingin ko wala ng lugar ang lungkot sa puso ko.
    btw,
    nice blog.nice posts.
    galing!
    (pwera biro)

  9. ako nasa Dubai. mahirap talaga sa abroad pero ang drive ko nasa pamilya (yung maitutulong ko sa kanila kasi mahirap lang kame) kaya sa tingin ko wala ng lugar ang lungkot sa puso ko.
    btw,
    nice blog.nice posts.
    galing!
    (pwera biro)
    – hisnameisdencios.wordpress.com

  10. @Dencios,

    pupunta din ako d’yan!!! hehehe kita na lang tayo.. nyahahaha dami n’yo naman sa Dubai.. kainggit!

    kahanga-hanga (tama ba ang term ko) kasi kaya mong labanan ang lungkot for the sake of your family nice!!

    pasalubong na lang sa pagbalik. hekhekehek

    salamuch!

    \m/

  11. ekshelli, gusto ko rin mag-abroad!
    hahaha!

    mas madali kumita

    kaso iniisip ko lang kung kakayanin ko kaya ang homesick!
    shocks!

    pero yaong instructor namin, mahal na mahal ang Pinas kaya andami niyang sinabi para lang sabihin na huwag kami doon magtrabaho.

    amp! mahirap ang buhay!
    iyon lang iyn!

  12. @eloiski,

    korek!! kaso gusto ko pa rin i-try!! gusto kong may nakakamiss sakin LOlz..😀

    eh nasyonalista siguro prof. mo apir*

    malaki ang maitutulong ng pag aabroad sa lahat, at malaki din ang magiging epekto nito sa lahat both negative and postive sides..

    ayt.!

    try ko talaga ‘yan!!

    nandun naman si ALING BABY Saka DENCIOS sa Dubai eh, yun uunahin kong pupuntahan.. heheehe

    \m/

  13. nandun naman si aling baby saka DENCIOS sa Dubai eh, yun uunahin kong pupuntahan.. heheehe

    –> akalain mo, tara na! mag wiwinter na dito baka di mo abutan =)

  14. parang secret agent ang dating mo ah hehe…:)

    mentalidad na ng mga pinoy ang mga ganyang dahilan kaya nag-aabroad. talagang nakakalungkot. minsan wala ka nang choice. mga pinoy na parang nakikitira lang sa sariling bansa.

    isa ako jan otep, nandito ako sa uae. pareho ng dahilan. pero kung ako ang papipiliin…mas gustu ko pa rin sa atin.
    🙂

  15. @Aling Baby,

    nagkita naba ako ni DENCIOS?
    hehehehe.. ayt.. parang gusto ko na mag gow papuntang dubai..!!!!

    sa ngayon mangangarap muna kong nasa eroplano:D

  16. @thelostme,

    yeah korek! Korek!ito na lang lagi nilang nakikitang sulusyon (inulit ko lang hehehe)

    yeap.. mas matanda si pare, bakit pag nagkalabiduds ka ba gusto mong magmatanda si mare?

    aha mukhang alam ko na, nyahahahahaha (ang green ko)

  17. ako hindi ko naging pangarap ang mag abroad pero nung nabigyan ng chance, bakit naman hindi, di ba? pero ako pingapilitan ko ring bisitahin muna ang pinas bago ako umalis, at kahit na pabalik balik ako sa pinas, isa isa kong binibisita ang kagandahan ng ating bayan😀

  18. @kengkay

    dAhil d’yan apir* tayo!

    bakit naman hindi di ba kung lumalapit na sa’yo mismo yung pagkakataon,..

    parang gusto ko tuloy kumanta ng “Tara na biyahe tayo, nang ating makita ang ganda ng Pilipinas-DOT” nyahahaha..😀

  19. hehehe ok ang kwento mo…

    > sa totoo lang nitong october lang NALOKO AKO NANG IASNG ILLEGAL RECRUETER .,,pero wala na sakin ngayon un gudluck nalang sa kanya..pero wag ka napaisip ako sa sinabi mo na …………”Pero sabi ko nga, bago ko muna mapuntahan ‘yang mga lugar na ‘yan, mas pipiliin ko munang puntahan at mapasyalan lahat ng magagandang lugar dito sa Pi’nas (kasama Bhe Bhe ko) tulad sa SAGADA, BATAD, CHOCOLATE HILLS, APO/DAVAO at marami pang iba”. siguro nga kung mangangarap ako bakit hindi muna dito sa sarili kong bansa ,.,., kung sa kagandahan lang ng lugar .,.,

    ge gudluck .,.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s