LAKING BEAR BRAND AKO!


Beard Brand Isang Baso, Nagagalit kasi BheBhe ko pag nagkakape ako kaya pag Kopee Break, Milk Break na ang tawag ko
Bear Brand Isang Baso, Nagagalit kasi BheBhe ko pag nagkakape ako kaya pag Kopee Break,"Milk Break" na ang tawag ko😀

HIndi ko alam kung paanong intro ang gagawin ko kaya isang karanasan muna ang ikukwento ko:

Naaala ko pa noong bata pa ako (siguro anim na taon ako noon), isang umaga iyon, at gaya ng nakagawian nagkita-kita na kami ng mga kalaro ko.

Panay muta pa nga si Kenneth, kumakain pa ng pandesal habang bakas pa ang panis na laway.

Kenneth: Otep, ano inalmusal mo?

Otep: Gatas, saka sinangag na may itlog, Ikaw?

Kenneth: Ito Pandesal, pang-apat ko na nga ‘to, saka kape..

Otep: Ahh kaya pala maitim ka, sabi kasi ni Papa pangpaitim ang kape kaya hindi ako nagkakape.

Kenneth: Ang yabang mo naman

0tep: ‘Kaw nga mayabang d’yan, kakain ka lang sa labas ka pa.

Naglao’t nauwi kami sa pikunan ka aga-aga.

Dumating si Joel na nagpupungas pa.

Otep: (winika ko kay Joel) alam mo ang yabang n’yan kakain lang dito pa sa labas

Joel: oo nga dapat sa bahay n’yo ka kumakain

Kenneth: eh ano bang paki-alam n’yo? (naluluha na)

Otep: Bakit ka nagagalit?

Kenneth: Ang yabang mo kasi porket’ maputi ka

Ginatungan pa ni Joel

Joel: Hawakan mo nga yung tenga..

Ayaw n’ya hawakan tenga ko, kaya ako na lang humawak ng tenga n’ya, kaso sinalag n’ya ng kamay niya na may hawak na pandesal n’yang hindi mauubos-ubos. Ayun ang saya nalaglag..

At ano pa ba ang inaasahan ng lahat? nagngangawa s’ya at binato ako ng bato buti na lang hindi masakit dahil tumalbog sa bilbil ko.


Sa sobrang gigil ko, nagawa ko s’yang lapitan at itulak at nagsimula na ang rambulan.

Taenang Joel ‘to, noong dumating na yung nanay ni Kenneth para i-rescue, hala hindi ako kinampihan. taeng ‘yan!

Nanay ni Joel: Salbaheng bata ka! (sabi sakin) Hindi ka tinuturuan ng Magulang mo! ang laki-laki mo kumpara sa anak ko!

Hinila ako papunta sa bahay namin.

Nanay ni Joel: Mang Pepe! (pangalan ng Papa ko) tingnan mo ginawa ng anak mo!

Hindi humingi ng pasensya Papa ko, mangyari lang na kinuha ako sa kamay ng Nanay ni Joel at ipinasok ako sa bahay.

Alam ko na gagawin ko kaya dumapa na ako.. ahuhuhuhu

Hindi na ako na supresa sa sinturon dahil close na kami.

* * *

Pangarap ng bawat Ina (slash) magulang na mabigyan ng magandang nutrisyon ang kani-kanilang mga anak.

Sinasabing sa pamamagitan ng pagpapasuso ng Ina sa kanilang mga sanggol ay isang magandang paraan upang lumaking matalino, malusog at hindi sakitin ang bata sa paglaki nito. (hahaha parang advertisement lang).

Kaya ganito na lang ako siguro, dahil ayon sa aking butihing Ina ay nasa dalawang taong gulang na ako noon at patuloy parin ako sa pagsuso, kaya ganito na lang siguro nguso ko.. hehehe😀

Ayon naman sa mga guro ko noong nasa elementarya ako, isa daw akong Bibong bata, nakakapagguhit daw ako ng mga bagay bagay na hindi kayang gawin ng mga kapwa ko estudyante sa klase, marunong akong gumihit ng bulaklak, bahay, ultra man, multo pati batang nakahubo na labas ang ano nito, siguro ini-imagine ko lang noon sarili ko habang nakahubad.

Madalas nga akong isali sa mga on-the-spot painting contest, hindi nga lang ako nananalo. Asar kasi eh, madalas kong sisihin ang krayola kong putul-putol at kulang-kulang pa, kumpara sa mga nakalaban kong oil pastel pa ang gamit. (minsan iniisip kong bias lang talaga ang pagjudge) hehehe

Bukod sa pagguhit may talento din daw ako sa pagkanta, naalala ko rin na minsan na rin akong pinakanta ng Lupang Hinirang sa stage namin (sikat)

Maaga rin akong natutong magbasa, nasa unang baitang palang ako ay mahusay na ako magbasa ng tagalog, hindi nga lang kagalingan sa english (hanggang ngayon naman eh) Kaya pag umaalis ang guro ko para pumunta sa kabilang kwarto para makipag tsismisan sa kapwa guro n’ya, ako ang pinapahawak ng stick na kahoy para turuan magbasa ang mga kapwa ko estudyante..

Feeling guro nga ako noon, parang.. ang taas-taas ko kaya tinitingala ako ng mga kamag-aral ko habang nakaupo sila sa sahig.

ako: Gayahin nyo ako pagtapos ha.. GA, GE, GI, GO, GU

klasmeyt: GA, GE, GI, GO GU

Sabay turo ng istik ng makailang beses sa “GA”

Klasmeyt: GA, GA, GA, GA, GA,

(Grade one na Grade one ang dating di ba?)

Pagkatapos naming pasadahan iyon.. tutuloy naman kami sa pagbuo ng salita (ililipat ang chart na gawa sa manila paper)

parang.. GA+GO = GAGO… parang ganun.

Sa ngayon, mapalad akong sa limang magkakapatid ako lang ang nakatapos sa pag-aaral, masyado kasing nag-init ang mga kapatid ko at mas ninais nilang mag asawa na lang lahat. (Ang hirap sa kanila, pinag-aaral ayaw mag-aral). Sa huli, biglang lilitaw ang kasabihang “Walang Unang Pagsisisi”

Ayun, may bago na naman akong pamangkit, nitong miyerkules lang, sa kabuaan anim na ang pamangkin ko kaya nangangamba na ako pagdating na pasko.. Aww!

Nakakaawa lang ate ko kasi Wala na nga s’yang trabaho wala ring trabaho asawa n’ya ang malala pa, hiniwa pa ang tiyan n’ya para lumabas yung bata, hindi ko alam yung term sa operang ‘yun. ayun sa awa na diyos tatlo na tahi n’ya. hehe

Maswerte na lang siguro kung magpapasusu s’ya dahil bawas gastos din yun sa pagbili ng formula milk. Maganda rin yun para matulad s’ya sa Tito Otep nya na adik sa mga bagay-bagay, sa paglaki n’ya.

Sa kabuuan maganda talaga ang naidudulot ng pagpapasuso ng ina sa anak.

Naalala ko tuloy yung palatastas (kung hindi ako nagkakamali) ng DOH

ang gatas ng pusa ay para sa kuting

ang gatas ng aso ay para sa tuta

ang gatas ng baka ay para sa?… parang ganun.

Nitong mga nakaraang linggo dinagundong na naman ng napakalakas na Balita ang mundo mula sa China,

Naglabasan kasi sa napakaraming pagsusuri na sanhi ng pagkasawi at pagkakasakit ng maraming bata sa China ay bunsod ng pag-inom ng gatas na may labis na pagkakahalong kemikal na tinatawag na Melamine, Ang Melamine ay inihahalo sa gatas upang magmukhang mataas sa protina nito at manatiling matigas (sa powder milk).

Haaaayyy.. kawawang mga bata, kung lahat lang sana ng mga ina ay kayang magpasuso at lahat ng mga working mom ay kayang mag milk bank..

Ang nagagawa nga naman ng teknolohiya? at ng “pagprepreserba” sa buhay ng tao may malaking pakinabang kaso hindi sa lahat ng panahon.

 

11 thoughts on “LAKING BEAR BRAND AKO!”

  1. nice nice nice post =)
    parang nakalimutan ko na ata lasa ng bearbrand (sigh..)

    —————————————————————————————————-

    @ DENCIOS,
    wag ka mag-alala lasang Gatas pa rin naman. Nyahahahahaha Lolz.😀


  2. Kung san san umabot ang kwentong gatas na to.. nahilo tuloy ako. hehehe… patimpla nga.🙂 pareho tayo… hindi rin ako nag co-coffee unless disgrasya (sa office kasi may vendo machine minsan may coffee sumasama sa Milo) kaya ok na lang.

    naalala ko tuloy yung hit song ng bear brand…
    ” I remember yesterday.. the world was so young.. fun times with gradma (LOLO, LET’S DANCE) sharing moments of love….”

    APO: Lolo is that you?
    LOLO: Look at my mole! (pointing his mole at his left cheek)
    ALL : Hahahahahhaa!!!

    “…I remember yesterday… special.. as today.”

    Oh, alam mo yung commercial ng Bear Brand na yan?🙂

    ————————————————————————————————–

    @ Zapped,
    Wa, ayos yun ha, Kapeng may Milo, Ill try minsan, sounds yummy eh…
    Teka, eh mas mukhang Laking Bearbrand ka pa sa’kin eh… chears!! Bwuahahahaha!!

  3. iba2 din ang lasa ng gatas tsong lols

    —————————————————————————————————-


    @DENCIOS,
    mag gatas ka kasi kaya ka hayblad eh, nyahahaha.. lols.. may gatas din ba d’yan sa DUbai, what a question! nyahahaha, sang lugar ba walang gatas?

  4. hhmmnn gusto ko din ang bearbrand pero sobrang tagal na ko hindi umiinom.Wwwaahh gumawa din ako ng post about sa gatas ng China.Ang layo ata ng narating ng bearbrand post mo😉

    —————————————————————————————————-

    @MC,
    Like other said, napunta yata sa pluto post ko nyahahahah.
    Talaga? mabasa nga.. ayon sa news pati d’yan sa europe panic mode na sila..

  5. at talagang totoo ang kasabihang “mother’s breastmilk is best for baby..” dahil may antibodies at vitamins para sa immune system ng bata.

    —————————————————————————————————-

    @MC,
    Korek! eh ikaw sumuso ka rin ba sa nanay mo?

  6. sa totoo lng di ako umiinom ng gatas otep. marami nanghihingi ng gatas pero hindi sakin sa supermarket sa ibaba namen kasi ubos daw lagi hahahaha. (nawala nako sa topic lols)

    —————————————————————————————————-


    @DENCIOS,
    ayos lang yun, lagi naman ako out of topic eh.. nyahahaha
    soya pala iniinom mo no? saka quacker hindi mo yun nilalagyan ng gatas?

  7. @MC,
    Korek! eh ikaw sumuso ka rin ba sa nanay mo?
    ———————————————
    Probably otep,kasi adopted ako kaya hindi ko sure kung
    nakapag breastfeed ako sa tunay kong nanay😀

    —————————————————————————————————-


    @MC
    eh, classic pala istoryang gatas mo, haaaay.. minsan iniisip ko kung nakakabuti ba talaga ang pag aadopt o… hayyyyyyy.. wag na nga.. ma emo pa ko😦

  8. Kamusta? Hehe. Padaan na muna.🙂

    —————————————————————————————————-


    @YOMMY,
    napakabuti, napakasaya.. nyahahahaha😀
    daan lang pala eh, gusto mo dito ka pa tumira

    yeah\m/

  9. i remember yesterday… the world was so young…

    –tenco

    —————————————————————————————————-


    @Alasais,
    Para mo namang sinabing isip-bata ako, Nyahahahahah:D
    cool \m/
    dahil d’yan tatali na kita sa blogroll ko:D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s