OSCAR -MY NEW FRIEND


Last night pumunta ako sa mcdonalds, syempre para kumain..

at sa sobrang purga na sa mga meals sa fastfood, ayun para maiba naman umorder ako ng happy meal kala ko kasi kinakain pati yung toys ‘mcspaghetti with regular coke plus yummy toy’ (korni ko. tonight LOLZ)

Inagaw kasi ng laruang ito ang atensyon ko, na curios ako kung paano s’ya nilalaro o nag pa-functions, tumatambling ba s’ya? kumakahol? o hanggang display lang talaga s’ya?

Hanggang makarating ako sa office hindi ko s’ya tinigilan at pinagtanong -tanong ko pa kung anong pwedeng gawin sa de-magnet na laruan na nahahati ang katawan.

DUMATING ANG ORAS NG UWIAN:

 

at dahil lagi akong O.T.-Y, charity in short, lagi akong naiiwan sa department namin.. marami pa kasi akong dapat i-layout, i-encode at i-proofread.

Matatakutin akong tao, at dahil na rin siguro sa nasanay na akong maiwan sa opisina kasama ang mga dagang pinagtitripan ang mga dyaryong nakatambak, nasanay na rin ako.

Namalayan ko na lang habang nagtatrabaho ako, tinitigan ako ng laruang ito, pinagmumulatan ako ng kanyang mata sa aktong tila luluwa ito.

Naalala ko tuloy noong bata pa ako, iniisip ko na lahat ng laruan tuwing gabi ay naglalakad o dili kaya’y nakikisabay din sa aking pahinga dahil sa buong hapon nitong paglalaro (napapagod din)

Kaya ayun naisip ko na antok na antok na itong naluraang ito kaya pilit n’yang iminumulat ang kanyang mga mata para hindi ko mahalata na napipikit na pala s’ya sa sobrang antok.

Naisip ko tuloy na hindi na pala ako nagiisa at magiisa simula ngayon dahil may makakasama na’ko, gusto ko na nga s’yang kausapin kaso baka akyatin ako ng guard at maaktuhang kinakausap ko ang laruang ito.. yari ako, deretso ako nun sa mental panigurado.

May pagkajologs din akong tao, hindi ko alam ang pangalan n’ya, kaya napagpasyahan ko na lang na mag-isip ng pangalan na malapit din sa pangalan ko, unang pumasok sa isip ko ang OSCAR, kaya agad akong nag print ng pangalan nya at idinikit sa katawan n’ya.

Parang adik lang no?

SAMANTALA..

HINDI KO sinasadyang mahulog ang page guide/page dummy ko sa ilalim ng table ko kaya dinampot ko ito, noong inilagay ko s’ya tabi ni OSCAR naisipan kong ipangpatong s’ya sa papel para hindi muling liparin o malaglag.

BIGLANG NAPAGTANTO ko na lang ang magnet n’ya sa nahahati nyang katawan, at napagalamang ayun pala ang PURPOSE ni OSCAR, hindi bilang pang display kundi pang-ipit ng papel..

HIGIT dun nalaman ko ang purpose nya sa buhay ko kaya ko s’ya nabili para magkaroon ako ng kasama sa malungkot at nakakatakot kong gabi.😀

Salamat oscar!!!

 



11 thoughts on “OSCAR -MY NEW FRIEND”

  1. Ang cute naman ni Oscar.

    ————————————————————————


    @JONELL,
    cute ba? nyahahaha parang ako lolz
    salamuch sa bisita

  2. Oscar pala name ng toy na yan? hindi ko alam :((

    ————————————————————————


    @MC,
    bininyagan ko lang yan sa name na yan.. heheheh cute ng name eh..

  3. malungkot ang entry na to.
    tama ba otep?

    ————————————————————————

    @DENCIOS,
    tama ka parekoy, sa likod ng mga ngiti may mga nakakubling kalungkutan, bawal lang ilahad sa blog.:(

  4. ayun naman pala purpose ni oscar😀

    ————————————————————————


    @MC yun na nga parekoy, ang cool talaga \m/

  5. wow.. nakakaintriga si oscar huh…

    haha maintriga daw ba…

    ————————————————————————


    @JUNICE, sige intrigahin mo ko heheheheh

  6. @otep
    sabi ko na nga ba..
    =)

    —————————————————————————————————-


    @DENCIOS, halata ba talaga? mahirap kasi mapag-isa😦

  7. Labtim of the century.😆

    —————————————————————————————————-

    @kirksydney, ngayon ko lang nahalata, ang sagwa pala ng title ko, ayan pinalitan ko na

  8. ayun yon eh… hehe… wag ka na malungkot😀

    —————————————————————————————————

    @JUNICE, at bakit naman ako malulungkot ang saya nga ng post ko lolz

  9. wakukuku… wala lang.. kasi… parang ang lonely lonely moh naman dito sa post mo… at oo nakakatuwa talaga na may oscar ka na pero parang ang lungkot … adikz! hehehehe.. joke!

    ————————————————————————————————-


    @JUNICE, eh lonely talaga ako eh,😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s