SA RILES NG TREN


Tandang-tanda ko pa

Mga salita at kasabihang iyong winika,

Na ang buhay ng tao ay maihahambing sa tren

Kung saan, ang lahat ng tao ay may pupuntahan at mararating,

Gaano man ito kalayo at sa sitwasyong naaantala.

Nais kong magsalita, magpasalamat,

dahil sa treng ito (kung saan ako nakasakay ngayon),

nakatabi at nakasabay ko ang tulad mo,

Masarap kang kausap,

Nakuha mo ang totoong ngiti ko at siyang hindi nakukuha sa’kin ng iba.

Subalit sa sitwasyong iyon, may kaba akong naramdaman

Sapagkat naniniwala akong kasunod ng ngiti ay pighati.

Pero bakit ako magpapaapekto sa paniniwala?

ang mahalaga, habang nasa biyahe, nagagalak ako at nakakasama kita.

May pagkakataong masyadong magalaw ang biyahe sa tren,

kaya hindi maiiwasang tayo’y mag alala sa pwedeng mangyari sa’tin.

“Kapit lang” kung ayaw mong tumumba ay humandusay sa sahig.

Walang diskrasyang hindi pwedeng agapan

Kung tayo’y maghahanda at mag-iingat lang.

Alam kong darating din tayo sa huling istasyon,

malayo pa man, gusto ko nang maluha,

Hindi ko alam ang gagawin, kung sa ating pagbaba…

ay magkakasabay pa ba tayo at muli pa kayang magkikita.

Alam kong walang permanente sa mundo,

Lahat may katapusan, may hangganan tulad ng tao.

Kung hanggang dito na lang talaga ang biyahe,

magpaalam ka sana sa ngiti at sa mga matang mong may maraming ibig sabihin,

Sa ganoong paraan,

susunod mong paglalakbay,

at sa bagong mong makakasabay,

ay maging matiwasay,

na walang maiiwang poot sa huling pagsakay.

3 thoughts on “SA RILES NG TREN”

  1. makata ang tula,galing!

    —————————————————————————————————-

    @MC, wahehehehe, hindi ako dalubwika ha baka akalain nila, hingian na naman ako ng mga kahulugan ng mga salita, nyahahaah

    sinimplihan ko na nga lang nyahahahah

    salamassssssss..

    \m/

  2. Sino tinutukoy mo?
    Nakakaiyak naman.
    Napaka-emo.

    —————————————————————————————————-

    @JONELL, iwawangis ko nga sana sa’yo, pangit lang talaga audio ko.. garalgal, isa pa baka maiyak ako, hindi kasi sapat ang mga salita.. huhu..

  3. Yung ginagawa ko?
    Gawa tayo nun.
    Boses nating dalawa.
    Mas emo.
    haha.

    —————————————————————————————————-


    @JONELL, o sige, sige!! gusto ko yan kaso baka magmukha tayong sabayang bigkas tuwing buwan ng agosto, nyahahahah😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s