GUSTO KONG MAGING TREE HUGGER


Maaga akong nakauwi sa bahay nitong Lunes, kaya naman mapalad akong naumpisahan ang i-witness,ang edisode ay obra ni Ms. Sandra Aguinaldo ukol sa mga matatandang (slash) makasaysayang puno dito sa Metro Manila, may pamagat itong PUNO NG KASAYSAYAN, na talaga namang naibigan ko, astig diba? double meaning ang salitang “PUNO”.

Habang nanonood ako, may mga pagkakataong napapahanga ako sa mga Puno dahil nagawa nilang mabuhay sa haba ng panahon, lalo na’t nakatanim ang kanilang mga ugat sa lugar kung saan sabihin na nating kaagaw ay tao.

Nakakalungkot lang dahil ayon na rin sa tree doctor ay konti na lang ang itatagal nito kung hindi talaga mapapangalagaan.

Sa mga tulad kong Greenminded.. heheheh nature lover pala, malapit talaga sa puso ko ang mga usaping kalikasan, paano pa kaya kung samahan ito ng kasaysayan.

Nilalang ng Maykapal ang mga may buhay kabilang ang puno at tao ng mayroong kanya-kanyang teritoryo sa tinatawag nating mundo. Marami ng sinakop ang tao, sana naman, ang mga nanatili pang matatag na nakatayo ay huwag ng agawan pa, dahil pag nawala pa ito, hindi lang buhay ang mawawala pati ang kasaysayang nakapaloob dito.

Sa kabilang banda, nakakatuwang may mga taong pisikal kung magmahal sila sa mga puno, may pamilya kasi doong pinakita na ang hilig ay pagyakap sa mga puno.

Na curious tuloy ako kung anong pakiramdam habang niyayakap ito.

TREE HUGGER
Ni Otep
8oct2008

Sana, pagnabigyan ako ng pagkakataong may mayakap na puno,
Mabigyan rin sana ako ng pagkakataong may maisama,
Hawak-kamay naming ididipa ang aming mga braso’t dibdib, kasamay ang aming tengang idinidikit; na handang makinig sa kung anong musika sa loob nito ang nais iparinig.

Sabay din kaming pipikit habang dinadama,
mga damdaming sa ami’y iwiwika,ng punong nais kong maging saksi, kung anong pag-ibig ang aking nadarama.

Naway ako’y pagsang-ayunan, na ang pag ibig ko ay dalisay
kasing tayog ng kanyang mga sanga,
kasing lusog ng kanyang mga ugat na nananatili sa kanyang matapang na pagkakatindig.

Mangangako ako sa punong ito na tutularan s’ya,
na kahit anong lakas na hangin at bagyo
ay mananatili akong matapang, kakapit sa lupa kung saan ako nakatayo.

Sakaling maputulan ako ng sanga,
hindi ako iiyak at mawawalan ng pag-asa,
dahil alam kong tutubo pa ito.

Magiging mapagbigay ako sa aking mahal,
Tulad ng mga ibong pinagkakalooban ng masisilungan,
at sa mga taong nabibigyan ng ng sariwa nitong kaginhawaan.

At kung ako’y bibigyan ng pagkakataon ng isang puno, para humiling sa kanya,
Pipiliin ko ang kahilingan na panghabang buhay tulad ng isang pilat.
Isusulat ko sa kanyang katawan,
ang pangalan ng taong kasabay kong lumilim sa mayabong n’yang mga dahon.
Dahil naniniwala akong kasabay ng pagkakayap ko sa kanya
ay ang pangako at pag-ibig na inaalay ko sa habang buhay na pagsinta.

 

15 thoughts on “GUSTO KONG MAGING TREE HUGGER”

  1. aba, emo post din!
    ang romantic naman kapag isinulat sa puno yung pangalan ng magsing-irog (syempre makalumang bansag kasi makalumang tradisyon na yan).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s