TAMANG HINALA


soo emooooooo..

COOL OFF..

ganoon na lang ang kalungkot ng………………..

bukas na ang kwento kamuntikan na akong maholdap ka-gabi sa ka emohan ko. tae!

***

Gaya ng napangako ko sa inyo at sa sarili ko, narito ang kuwento.

October 15, 2008 -Araw ng sweldo, pero hindi sakin dahil 7-22 ang sahod ko.

Kaya marahil nag lipana ang mga pangit na tao., mapa-inner at out, physically at mentally.. TAena nila! fcuk you!

Naglalakad ako papunta ng Taft, walang paki-alam sa mundo, basta ang alam ko, malungkot ako at broken hearted!!

kasi naman, grabe ako magmahal, nakakasakal ako! (hindi literal)

Hindi lang nakatext ng isang araw, ayun! umuusok na ang tenga at ilong ko sa galit (mali di ba?)

pero saganang akin lang naman, hindi na nga kami nagkita that day, sana naman nakapagtext s’ya. Ang nangyayari kasi, kung hindi ako magtetext hindi rin s’ya magrereply.

Mababaw ang dahilan ng aming cooloff (hanggang ngayon nga, wala akong idea kung kami pa. Siguro dahil gusto ko s’yang makapag-isip at ganoon na rin sa part ko kung ipagpapatuloy pa namin to’)

sabi n’ya sa isa sa mga text messages nya, “Napapagod na rin ako, nahihirapan ako pagsabayin sa trabaho,”

Minsan nga naiikumpara n’ya ang trabaho ko sa trabaho n’ya (malamang magka-iba) pero mas mahirap daw ang ginawaga nya. sa office lang daw ako eh, s’ya sa resto.

Pero, ang sakit talaga, literal na masakit,

(TANDAAN, hindi porket sinasaktan ko sarili ko, ay trying hard ako sa pagiging emo.. ayt)

wala man sa looks pero, deep in side talaga malalim at emosyonal akong tao.

BALIK SA PAGLALAKAD

Nagbabakasakali akong nag text na s’ya, kaya bawat minuto tinitignan ko ang CP ko, kahit pa mararamdaman ko na man yun dahil may vibration… umaasang sabihin n’ya sakin na “Bhe sorry na rin” pero wala eh, naka-tatlong send na ako ng “Sorry na” “Sorry ulit” at “Sorry na talaga” pero walang reply eh.

Ayun! na time-mingan tuloy ako ng dalawang pangit na holdaper! taena na talaga! (may pogi bang holdaper?) lols.

Lumapit ang isa sa’kin, kulang na lang idikit n’ya ang dibdib n’ya sa dibdib ko, sasapakin ko sana kaso may kasamang s’yang isa pang bakulaw. (naman kalait-lait naman kasi).

Alam ko na ang susunod na mangyayari, kaya suksok agad ng phone ko sa bulsa ng panatalon ko, Noong oras na yun, hindi ako paladasan, pero natawag ko na yata lahat ng santo, san pedro, san lukas, san juan, santa mesa, sta. cruz, pati na yata ang santo papa.. lalo na’t noong sumagi sa’akin isipan ang bago kong videocam na wala pang tatlong buwan.

Hala, Hindi ako nagpahalata na nagpapanic na ako. Kaya, naglakad ako ng isang daang hakbang palayo sa kanila.. mabuti na lang at may dumating agad na Jeep at sumakay ako.

Wa!! lalong bumilis tibok ng puso ko lalo na’t sumakay din sila at, tumabi pa sa’kin ang isang mokong na may bonet? na … (yung paranf pang baguio).. kakaasar pa, dahil nguya sila ng nguya ng chiklet, ewan ko kung ilang taon na yun sa mabaho nilang bunganga.

Habang tumatakbo ang jeep, tila na fall in love sakin ang mokong at hindi ako nilulubayan ng tingin, patay malisya akong nagkakalkal ng bulsa ng bag ko para maghanap ng barya, dahil ayaw kong buksan ang wallet kong may limpak -limpak na pera, mga P100 pesos siguro (lols). pero nandun lahat ng kayaman ko, pictures ng bhebhe ko, mga resido, mga antik na pera na minana ko sa papa ko, mga cards tulad ng Gentext, (meron pa ba nun?) ATMs (marami eh) Credit Card (lols), LAKING NATIONAL CARD, SM ADVANTAGE CARD, BENCH Loyalty Card, Predaid Card ng wala ng laman at kung anu-ano pa.
WA. tae, nakakita naman ako ng P8.75, maswerte kung tutuusin, dahil bukod sa may barya na akong pambayad ay sobra pa ako ng 25 centavos, kaso hidni ko alam kung san ako bababa.

Buti na lang barya ang binayad ko kaya hindi na magtatanong ang mama kung saan ako bababa,

Tsugug! Tsugug! parang sinusuntok ang dibdib ko sa kaba,

Naisip ko na pag bumaba ako sa konting tao baka, sumunod sila, kaya sinabi ko sa sarili, na bababa ako pag may nakita akong mamang pulis o kaya kahit na pulutong ng mga tao.

Tamang-Tama dahil matao sa PGH at may karamihan at mailaw medyo, doon ako bumaba ng huminto ang jeep at hindi na pumara pa.

WaAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!! sumunod talaga sila, ang nakakapagtaka talaga, hindi sila ng bayad. confirm na mga bakulaw nga!

Naka go pa noon ang ang pedestrial light at kabaliktaran sa traffic light kaya nakatawid ako, kasabay noon ang mabilis na pag berde ng ilaw, (mahal talaga ako ni God) dahil hindi na sila nakatawid,

hindi na ako lumingon. Naglakad ako ng mabilis sa tulin na 100 steps per second. lols.

Ahuhuhuhu.. kung mag isa lang sana sila kaya ko makipag buno, kaso dalawa sila. saka mukhang may bitbit pa, dahil dukut ng dukot sa bulsa, wala naman dinudukot.

Napaaga tuloy ang uwi ko, na hinding hindi ko ginagawa.. (umaga na ako umuwi kasi eh)

Minsan gusto ko na rin magpasalamat sa nangyari sakin, dahil sa konting panahon at oras, nakalimutan ko s’ya isipin (ang bhebhe ko)

Pero makalipas ng ilang oras sa bahay, balik na naman ako sa pagiging emotero..

iyak ng iyak hindi naman bagay..

KAYA KAYO INGAT! BAWAL MAGING EMOTERO SA DAAN!!

(Bukas na ang edit) :((

12 thoughts on “TAMANG HINALA”

  1. kamuntikan? mabuti naman walang masama na nangyari sa’yo😦

    —————————————————————————————————-


    @MC, oo nga parekoy, mabuti na lang, at malakas pa rin ang pakiramdam ko sa mga ganyan, kahit patuloy na nadudurog ang puso ko sa kalungkutan😦

  2. yan ang primary picture ko sa friendster, di ko pinapalitan. ahaha..
    buti muntik lang.
    be happy, kuya.
    —————————————————————————————————-

    @MAYUI, talaga, ano fs mo? add mo ko hehehe konti palang friends ko eh, zef_21@yahoo.com, mahirap maging masaya kung nadudurog ang puso mo..😦

  3. u learned ur lesson.
    hindi nakakatuwang maka experience ng ganyan.
    kaya nextime doble ingat na lang.

    —————————————————————————————————-


    @DENCIOS, oo nga parekoy, dami ko din natutuhan sa mga pangyayari😦 hug*
    pero ang sad pa rin*

    parekoy, may holdaper din ba sa dubai? natalong lang. (lols)

  4. hmmm..

    —————————————————————————————————-


    @JONELL, haaaaaaaayy.. kakalungkot :((

  5. wow, buti may pressence of mind ka pa nun at di nagpanic.
    sana maging maayos niyo na yan ng gf mo. can relate ako sa mga ganyan dahil madalas din akong di replyan pag galit siya. huhuhu. emo. T_T

    —————————————————————————————————-


    @MAYUI, mabait lang talaga si God sakin, alam n’ya kasing sad ako..
    hindi ko alam kung magiging maayos pa ito, pero mukhang malabo na -ang malungkot na katotohanan!😦

    sana hindi na lang nauso ang text (lols)

  6. @otep
    walang holdaper dito sa dubai. meron siguro. ewan ko. hehe. safe kasi ang pakiramdam dito kahit maglabas ako ng laptap o celfone ay hindi mananakaw kasi ang parusa dito SOBRA kaya walang nagaattempt hindi tulad sa pinas na (yung iba) may kapit pa sa pulisya(o sa matataas na tao)ang mga manloloko..

  7. yan kc….emo s kalye plus text ng text equals holdup…..kamote k tlga…un lng ang comment ko…..bakit ano p b gus2 mo? bugbugin n kiita jan eh. dami mo nllmn..hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s