O’ PAREKOY, MERON AKONG PROBLEMA




 

Kagabi sa payo na rin ni pareng Dencios, pumunta ako sa lugar na makakapagrelax ako -sa Luneta, pero malungkot pa rin akong umuwi, hayun!, sa paglalakad naagaw ang atensyon ko sa footlight ng National Museum.. ayos ba?

 

Pare ko meron akong problema
Wag mong sabihing na naman
In lab ako sa isang kolehiyala
Hindo ko maintindihan

 


 

Noong isang gabi, nakausap ko si DENCIOS sa pamamagitan ng Yahoo Messenger/Meebo.com. Kung maitatanong n’yo kung sino s’ya, S’ya ang Blog Buddy ko -isang ordinaryong taong mas piniling maghanap buhay sa ibayong dagat. Pero extra ordinaryo s’ya para sakin. Lols.

 

Mapalad ako dahil nakilala ko s’ya. Isang taong maari ko nang ituring na utol, dahil magaan ang loob ko sa kanya, sa totoo lang nasabihan ko na s’ya ukol sa bagay-bagay na hindi ko pa nasasabi sa iba. hehehe (curious ka? amin na lang yun).

 



Wag na nating idaan sa moboteng usapan
Lalo lang madaragdagan ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan

 


 

Wala namang bago sa’kin kung tutuusin, lagi na lang ako nalulungkot, as in literal na malungkot. wala naman akong iba masisi kundi ang sarili ko, at ang puso kung bakit ako tinubuan nito. Isa akong biktima! biktima ng napakataksil na puso at nasasaktan ako ng ganito.

 


 

Nagawa ko na ring tumoma mag-isa, pero wala din epekto, ang pag ibig at pag-ibig pa rin ang naalala ko.

 


 

sabi sakin ni parekoy sa PM nya, na pumunta na lang daw ako sa isang lugar at doon ay maupo, isipin ang mga masasayang alala… pero gawin ko man yun, wala pa ring mangyayari, dahil pag ginawa kong alalahanin ang mga masasayang nakaraan, mas lalo iyong magbubunsod sa’kin sa kalungkutan.

 


 

Anong sarap, kami’y naging magkaibigan
Napuno ako ng pag-asa
Yun pala haggang dun lang ang kaya
Akala ko ay pwede pa

 


 

Alam n’yo parekoy, ang Blog na ito ang nagiging sandigan ko, nasusumbungan at napapagkwentuhan ng mga bagay-bagay na hindi ko naikukwento sa pamilya at kaibigan. Alam ko kasing sa ganoong paraan alam kong may nakikinig at nakakaalam kung anong hinagpis meron ako na hindi ko masabi ng personal. Maswerte din ako dahil hindi ko man kayo nakikita o nakakausap ng personal masasabi kong nakakahanap ako ng tunay na kaibigan.

 


Masakit mang isipin kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging siryoso tsaka ka niya gagaguhin

 


 

Gusto kong mag-sumbong sa inyong lahat, nais kong umaktong batang umiiyak,

 

Gusto kong makadama ng pagsuyo at pag-amo, mabawasan itong nararamdang hindi ordinaryo.

 

O, diyos ko ano ba naman ito
Di ba, tangina
Nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Lecheng pag-ibig to-o-oh
O diyos ko ano ba naman ito

 


 

Madalas ko ring murahin ang sitwasyon, wala naman akong ginagawang masama, pero tila napaparusahan ako, at dala-dala ko itong kalungkutan.

 

Madalas din akong magtanong, pero tila isa akong pipi, na walang nakakarinig kaya wala ring nakakasagot.

 


 

Sabi niya ayaw niya munang magkasiyota
Dehins ako naniwala
Di nagtagal naging ganun na rin ang tema
Kulang na lang ay sagot niya

 


 

Kung lahat lang ng tanong ay pwedeng sagutin, sana hindi ako nagkakaganito

 

Hindi na ako magtatanong, ay marahin mauuwi na ang lahat sa ordinaryo

 

wala ng dahilan para malugmok sa kalungkutan, pero ito ako! nagtatanong…

 

bakit ganito sila at ako

 


Bat ba ang labo niya
Di ko mapinta
Hanggang kelan maghihintay ako ay nabuburat na

 


 

Marami na rin nagsabi sakin, na i-enjoy ko na lang ang buhay, pero hindi ko naman alam kung paano sisimulan.

 

Masyado daw kasi akong atat kaya ako nalulungkot.

 

Hindi ako makapaghintay sa mga bagay na nakalaan sa’kin.

 

 

 

Pero minamahal ko siya-a-ha
Di biro, T.L. ako sa kanya
Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo

 


 

May mga tao na ring patuloy na naaasar sa’kin, dahil hindi daw nila ako maintindihan at ayaw ko silang intindihin.

 

Naikwento ko na rin dati ng minsan akong may nakausap sa YM

 

“Paano kita maiintindihan, Kung sarili ko ay hindi mo maintindihan”

 

O pare ko meron ka bang maipapayo
Kung wala ay okey lang
Kailangan lang ay ang iyong pakikiramay
Andito ka ay ayos na

 


 

Malaki ang problema ko, at feeling ko wala ng kalutasan hanggang hindi ako nalilinawan kung anong buhay at kapalaran meron ako.

 


Ga-milya man ang layo pagtutulad ko sa kanta at entry-ing ito, sana maintindihan ninyo ang problemang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung ano  ang problema ko!😦

5 thoughts on “O’ PAREKOY, MERON AKONG PROBLEMA”

  1. Napakalungkot mo.
    Apir.

    ———————————————————————————————
    Malungkot forever.. yeAH! \M/

  2. mabuti pa ay
    basahin mo na lng ulit yung reposted kong post na
    “masarap ka bang..”
    =)

    **Tnx pala mentioned si dencios dito =))

  3. aaawww nakikiramay ako sa kalungkutan na nararamdaman mo.
    Time heals everything and darating yung panahon na may mas makakapag paligaya pa sa’yo.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s