ASAR SA JOLLIBEE


Bukod sa pangarap maging sekyu sa araneta colliseum, pinangarap ko rin na maging crew noon sa isa sa mga fastfood. Laking fastfood din kasi ako, kaya siguro ngayong mag bebente-uno anyos na ako ay trip na trip ko parin ang freshfries ng jollibee at mcdonald’s.

Last night gutom na gutom akong lumabas sa opisina. Tila kasi na mightybond na ang pwet ko sa aking de-gulong na upuan dahil sa tambak na ads na kailangan kong i-layout bago tumuntong ang alas-nueve ng gabi, kaya hindi ko na naisipan mag coffee break.

Kaya naman, bumili ako sa JOLLIBEE-Taft-PGH-Pedro Gil (hindi ko sana sasabihin yung branch, pero para hindi ko naman mageneralized lahat ng branches ng jollibee sinabi ko na rin).

SA COUNTER:

Um-order ako ng REGULAR YUM at REGULAR COKE. Spaghetti sana o-orderin ko kaso hindi ko naman makakain yun sa daan..

CREW: Sir, Wala po bang fries?

OTEP: Yun lang

CREW: Sir, 53 pesos po (not sure 52 yata)

OTEP: (Nagbigay ako ng 70 pesos)

CREW: (Na-punch na)

OTEP: e Miss, magkano ba pag may kasamang fries?

CREW: 57 po..

OTEP: (Napangiti ako) Sige yung may fries na lang..

Syempre dahil hindi naman ako mayaman at may utak naman kahit papaano, yung may kasamang fries na lang yung bibilin ko.. isipin mo naman Php 53 yung without Fries at 57 yung meron.. diba? Kuha?

CREW: (napasimangot, sabay tawag sa kanyang ma’am)

Hindi ko alam ang gagawin ko noong makita ko ang facial expression n’ya, parang gusto kong sabihin sa kanya na “wag na yung may fries” para umayos ang pagmumukha n’ya.

Pakiramdam ko tuloy napakalaking abala ang nagawa ko kung bakit s’ya amaktong ganun.. Lalo na noong binigkas n’ya ito.

CREW: Penge ng dos

napakagalang n’ya magsalita at parang gusto ko s’yang salpakan ng mga barya sa bunganga.. (asar)

pati yung kapwa crew nya napansin at nakapagsalita

CREW2: Garapal ka ah (sabay napangiti at maykonting hagikgik) Narinig n’ya rin kung paano nya binigkas ang paghingi ng dos ng kapwa Crew n’ya.

Sobrang asar talaga. hindi ko alam kung gutom lang ako noong gabing iyon, kung bakit nag-init ang ulo ko, pero nakapagpigil pa naman.

Sa totoo lang talaga gusto ko s’yang patulan at talakan, pero dahil babae s’ya at crew ng fastfood, s’ya ang magmumukhang kaawa-awa at hindi ako. Syempre mas iisipin ng mga tao at kapwa crew n’ya na s’ya ang tama at ako ang mali dahil ako ang unang nagtaas ng boses..

Hindi ko dapat ito iku-kuwento, pero ako yung tipo ng tao na hanggang hindi ko ito napapagsabi hindi makakawala yung sama ng loob ko.

Haaayyy.. Buti na lang masarap pa rin ang YUM burger..

“D’yos ko hindi po ako guwapo at hindi rin ako perpekto, pero ilayo n’yo naman po ako sa pangit na crew…-pangit na ugali”

21 thoughts on “ASAR SA JOLLIBEE”

  1. mas natatawa ako sa burger steak nila at sa burger steak na may kasamang shanghai… pareho lang naman..

    ———————————————————————————————


    Mas nakakataw yung pagmumukha nung crew na nakaencounter ko.. pang-asar talaga.. (salbahe ko noh?) kakaasar kasi eh

  2. haha buti magkaiba tayo ng ugali, kasi kung ako yun, kung hindi ko man magawang sabihan ang m\crew na yun, magcocomplaint ako sa text. sa resibo kasi ng Jollibee (Jollibee lang at KFC lang yata ang may ganito), may nakalagay na cellphone number na pwede mong itext kung sakaling may reklamo ka.

    One time kasi, sa Jollibee Araneta yun, basta sa may Cubao, sabi ng crew 3-5mins\utes lang daw yung order namin ,mag 15 minutes na wala pa. At dahil sobrang nagmamadali kami ng kasama ko nun, hindi na ako nakipagdebate pa, pagkakuha ng order namin, sinabihan ko lang yung crew na sana wag mauulit yun tapos nagtext ako sa hotline nila. Yun nga lang nakalimutan kong kunin ung branch (sa dami ng branch ng Jollibee sa Araneta Center malamng di nila madedetect kung san dun) at yung receipt or OR number. So parang wala lang yung complaint ko.

    Nitong nakaraang araw lang, nung Thursday lang yata o Wednesday, umorder ako sa kanila ng Shanghai rolls, tapos yung sauce niya wala na sa kalahati, eh di ba may bayad sa kanila kung oorder ka pa ng sauce. Dahil lunchtime nun at sobrang dami ng tao, hindi ko na tinawag ang manager nila at sa halip, nagsend ako ng complaint sa text with complete details. Mga ilang oras lang, tumawag sa akin yung mismong branch manager at kinausap ako. Inexplain ko. Kinabuksan nun, umorder ulit ako, at halos mapuno na ang sauce nila hehehe.. pero siyempre hindi naman nila kilala kung sino ako. Ayun..

    haba ng kwento ko hahaha.. dahil palang yan sa sauce ah..

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    ——————————————————————————————

    Chill na lang tayo parekoy, pero salamat sa advice next time itetext ko na lang yung hinaing ko para hindi ko na kailangang magbunganga o mag iskandalo sa loob although hindi ko pa naman nagagawa yung mga nanun..

    hehehehe ayos yung comment (kwento) pala.. sarap sumagot ng mga ganitong komento.. as of now ito ang longest komento ko.. hehehehehe..

    btw, kung sayo sa pagbalik mo doon sa fastfood na tinutukoy mo, ay puno na ang souce, sana sa pagbalik ko din, magaganda na yung crew -magaganda yung ugali..

    hehehehe😀 \m/

  3. at oo nga pala, pahabol lang, since nabasa ko yung comment ni jonell regarding sa shanghai..

    alam mo bang dati, ang shanghai rolls with steak ay mas mura kumpara sa shanghai rolls na five pieces o burger steak lang talaga?
    a ewan.. basta ilang beses kong binibili yun dahil nga mas mura… sa ngayon , hindi ko na pansin kasi nagmahal na rin ang extra rice nila,, 15pesos na dati kasi hindi. 11 lang yata o 12 dahil nga sila yung nakakuha ng stocks ng NFA rice noon.

    basta, ang point ko e, pareho lang naman sila, pero mas mura yung isa, ewan ko ba, siguro dahil konti lang ang umoorder ng steak with rolls?

    hmm..

    yun lang hahha.. masyado kong naenjoy ang Jollibee hehehe hindi halatang suki ako.. hahaha

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    ——————————————————————————————


    hehehehehe.. hindi ko napansin.. kasi chicken steak yung mga inorder ko nun.. yung 39ners ba yung tinutukoy n’yo?

  4. ako naman sa mcdo ako parating nabibiktima ng antipatikong crews. pero oo, kapag naasar ako at alam kong tama lang kung mag reklamo ako, naku, hinahanap ko talaga ang manager. dito sa alemanya nga, yung manager ng mcdo, ang bastos ng bunganga e, hindi ko naman mareklamo kasi tenant namin sya , that time e natameme ako — ay ewan ko ba

    ———————————————————————————————


    ayt., ako, hindi ko talaga magawang mag-sumbong bukod kasi ng ayoko nag-aaksaya ng panahon ay sobrang mahiyain… may times pa nga pag hindi ko na kaya yung sitwasyon.. tutulo na lang bigla luha ko.. yung tipong.. sasabok sa sama ng loob pero hindi mo kayang ngumawa.. pero hindi pa naman nangyayari sa’kin yung ganoong sitwasyon in public..

    chill na lang tayo*😀

  5. miss ko na ang jollibee :((

    ———————————————————————————————


    Wala pa bang jollibee sa europa?, mag mcdo ka na lang muna, isipin mo na lang nasa jollibee ka., hehehe:D

  6. hayy naku! at least ikaw yan lang ang experience mo sa mga kupal na yan! ako nga ilang beses na ring nabiktima ng mga crew nilang kulang sa pansin! panalo sila sa upsell. kahit hindi mo kelangan at sinabi mo na ang order mo mag ooffer pa rin sila ng ibang products! kaloka di ba!

    the good thing is di ko sila pinapatulan! so ordinary people! joke😀

    ———————————————————————————————


    hehehehehe, kung sana sarili nila inooffer nila.. nyahahahaha.. sana talaga may good personality lahat na inuupo nila sa position na ‘yun (tinatayo rather* nakatayo pala ang mga crews lols:D)
    yung tipong good inner in out.. hehehe, para sakin kasi maganda/magandang lalake lang ang pwedeng mag maasim:D

  7. ayaw naman magkoment ni fjordan…
    nagseselos ako…

    ———————————————————————————————


    hahahahaha.. mahal na kasi ako ni fjordz lols…wag na selos

  8. sana tinanong mo, “miss may problema ba sa pagdagdag ng isang item dahil kung meron i-cancel mo nalang lahat ng order ko..”

    haha! tingnan naten kung di sya manggalaiti ng husto pag magka-void siya ng items!

    —————————————————————————————————

    sige sasabihin ko ‘yan next time.. ahehehehe, nagkakataon lang kasi na gutom na gutom na ako nun kaya nagpigil na lang ako.. mas importante tiyan ko kaysa sa kanya:D

  9. hahahahah may ganun! magandang lalaki talaga! tama yan! kasi ang mga pangit walang karapatang magmaasim! parang ako lang! ahhahaha

    teka.. hindi ako nananakot.. nangangagat lang!😀

    —————————————————————————————————


    true. kaya pag naging manager ako ng isang fastfood tanging mga gwapo lang ang ilalagay ko.. Aba! kasama din yun sa marketing strategy para makahakot ng mga babae, bading, bisexual.. este, mga costumers pala nyahhahaha😀

  10. isipin mo nalang swerte ka dahil nararanasan mong ganyanin ng ilang crew sa Jollibee, hindi lahat ng tao biniyayaan ng ganyang experience. LOL. anyway, dito naman bawal nilang ganyanin ang customer at pakitaan ng napakasamang paguugali, dahil kapag hindi naging satisfied ang customer sa kanilang service, pwedeng talagang humingi ng refund ung customer~~ ng buo! takot lang nila! haha.

    -napadaan pero babalik rin🙂

    —————————————————————————————————

    ahh… previlege pa pala yun.. nyahahahaha.. napaka-palad ko!!!😀, dito kasi sa Pinas kapag pumatol ka sa crew, hindi ikaw ang crew ang mapapahiya, ikaw.. kaya.. ganun na lang siguro…. peace to all! ang pangit na man n’ya! pero marami pa ring magagandang crew!! nyahahaha… siguro next time pipila na lang ako sa maganda.. para kahit asar ako sa kanya, may kunswelo.. hehehe😀

    P.S daan lang sige😀

  11. Sige lang fjords….

    ————————————————————————————————–


    ano ‘yan jonell? closed ba kayo ni fjords?

  12. hmm.. na miss ko tuloy ang jolibee. btw otep yaan mo na baka gutom na at pagod na yun. saka ikaw na umintindi kung kaya mo pa. saka cute ka naman baka insecure lang yun =))

    ————————————————————————————————–


    yun na nga eh.. kaya nagtimpi na lang ako.
    pero parekoy kung na cute-an sakin yun, eh baka i-go large pa nun fries at coke ko.. kaso hindi eh
    ayt..

    pero parekoy kinilig ako sayo “CUTE DAW AKO?” nyahahahhaa

    nabading na naman ako.. nyahahhahaha😀

    siguro next time, kahit pangit na crew.. kikindatan ko na rin (lols)

  13. hhhahahahahahha! u got me there otepss! puro ka patawa e. haha. ganun n nga gawin mo! anu pa silbi ng marikit na mata at kaaya aya mong mukha, hindi ba? naks! (appaluse! applause!)

    ————————————————————————————————–

    hahahahaha😀 parekoy napapataob ako sa kakatawa.. i love your words!!! “marikit” at “kaaya-aya” luphets!!

    Pantasya na talaga kita:D!!

  14. di mo rin naman siya masisisi in a way kasi tinanong ka na niya kung may fries ba o wala.

    pero dapat hindi rin naging ganun ang attitude niya towards you.

    ———————————————————————————————

    oo nga kuya rowj. pero dapat sinabi nya rin sa’kin yung price nung merong fries at wala.. di ba? kung magaling s’yang crew, sasabihin ‘yun na crew kung saan makakaavail ako ng mas magandang produkto.. hehehehe😀

  15. kaw talaga bata ka… kung ako yun sasabihin ko yun “ano ka ba dito may-ari?” ayusin mo yung sagot mo kung ayaw mo lumipad kahit babae ka pa papatulan kita… hahaha!

    tagal ko ng di nakadaan dito boss otep!

    mangbadoy.wordpress.com

    ———————————————————————————————-


    eh, mangbadoy anong klaseng patol ba gagawin mo kung saka-sakali? nyahahahaha (bawal ang green)

    salamat uli sa daan..

    bago ba ‘tong link mo?😀

  16. nga naman. buti hindi sakin natapat yan. malamang… hmmmn. lumipat ako ng ibang counter – sasabihin ko i dont like your attitude! hehehe! nosebleed. basta lilipat ako. mas abala yun sa kanya.

    ———————————————————————————————


    sige.. gawin ko din yun next time.. para eksena ang dating.. nyahahahaha😀 asar siguro ang crew..

  17. PENGE TRES! LECHE! BUSET! kesa naman ganito? lol

    ———————————————————————————————


    naku pag sinabi n’ya sakin yun.. ganito naman sasabihin ko sa kanya.. “ITO ANG TRES! LECHE! BUSET! para kwits!! nyahahahhahahaha…

  18. mabait ka pa sa lagay na yan. . dapat pinauulanan ng mura ung ganun, ,P@#@#%*&^! T#@@^#$^!

    ———————————————————————————————

    nyahahahaha.. ang sweet mo talaga… pero gagawin ko ‘yun talaga pag s’ya ang unang nagsabi..

    s’ya lang ang nagbigay ng pag-kain sa’kin pero hindi nya ako pinapakain.. diba?

    P.S Hindi rin s’ya ang nagbayad lols😀

  19. hi hello..pano maglgay ng comment with my bettyful picture hehehe otep dapat pinatulan mo as aneng’s advice kasi hindi nia malalaman ang mali nya unless tinalakan mo sya hehe bad cheetah noh pero thats life kung ako un i better nag to that crew care ko mapagalitan sya or worse matangal basta nalaman nia na mali sya i’ve been a crew since 8 months..buts i know where my place is customer sila at my motto sila na customer is always right we must please them kasi dahil sa kanila natayo ang company were they working kahit nagkamali ang customer dapat may patince parin siya hehehe nadala lng …

  20. hmm…kabadtreep nga yung ganung mga crew…panu kung ganun lahat ng mga crew sa mga fast food chains? magka-carinderia na lang ako..harhar…nakaranas ako ng ganyan dati, ibang pangyayari naman, ewan, nabadtrip ata siya kasi wala akong smaller bill, sinimangutan din ako, aba! eh mas magaling akong sumimangot sa kanya. sinimangutan ko nga ng bonggang-bongga! eh di mas lumukot ang mukha niya! haha..\m/

    http://www.mheikulet.wordpress.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s