BINAY -OBAMA NG PILIPINAS?


PANGARAP SA BAYAN:

Kulang-kulang dalawang taon na lang at magluluklok na naman ang sambayanang Pilipino ng mga pinuno sa bansa, lalung-lalo na sa pagkapangulo. At nakakatiyak akong malaking porsyente ng mga boto ay maaring maaksaya o sa maling kandidato mapunta.

Hindi na rin siguro nakapagtataka kung bakit madalas malito ang mga tao. Paano ba naman napakarami nating kandidato. Halimbawa nalang noong huling presidential election noong 2004, lima ang naglaban-laban sa pagka-pangulo at mapalad pa daw tayo dahil hindi naging anim. Hindi na kasi pinayagang tumakbo di Eddie Gil dahil itunuring na s’ya ng commelec noon bilang “pangulo, pang-gulo i mean”. lols.

Hindi naman ako henyo sa larangan ng pulitika o ano pa man, pero bakit sa Amerika mayroon lang dalawang major parties: ang republicans at democrats kaya nauuwi din sa dalawang pambato sa pagkapangulo.

Hindi na rin siguro tayo magtataka, dahil malaya tayong bansa at lahat may karapatan sa maraming bagay.

Pero mas maganda siguro kung ang kalayaan na iyon ay may nakaakibat na pagkakaunawaan, pagtutulungan at pagbibigayan. Hirap kasi sa pulitika na’tin, kapag ang isang miyembro ay hindi nabigyan ng pagkakataong tumakbo o sa madaling salita ay hindi napili para maging pambato ng partido ay titiwalag o minsan ay tatakdo bilang independent.

Ayos na siguro kung magkaroon tayong Dalawa hanggang tatlong Kandito sa Pagkapangulo (Isa sa administrasyon at opposition at isang independent) wag na lang siguro lalagpas doon.

JOBAMA

Nitong ika-11 ng Nobyembre, nagdiwang ng ika-66 taong kaarawan si Jejomar Binay -ang alkalde ng Makati. Halos kasabay ito ng pagkapanganak ng bansag sa kanya bilang lokal na Obama ng ‘Pinas. Sa totoo lang medyo natawa ako dito. Hindi ko alam kung sa kadahilan bang medyo may kaitiman itong si Mayor o dahil nakatitiyak na sila na s’ya na susunod na tatanghaling bagong pangulo ng bansa.

Lalo itong umingay noong nagbigay ng pahayag si Erap na mas makakabuti kung iisang kandidato na lang ang tatakbo sa pagkapresidente mula sa oposisyon. Magbibigay kasi ito ng magandang resulta para magkaroon ng landslide victory. At sa pagkakataong maraming tumakbo mula oposisyon maari ring mauwi sa pagkakahati-hati ng boto at pag minalas, puwedeng manalo ang manok ng administasyon. OMG!! (wag naman sana) lols.

At ito na ang punto: mukhang si JOBAMA na ang napupusuan ni Erap bilang maging kinatawan.

ASAR KAY LOREN

(ang susunod na mababasa ay sariling opinyon lang)

Panahon pa lang ng NOLI-LOREN isyu, ay asar na asar na talaga ako kay Sen. Loren. Saganang akin kasi, bakit kailangan n’ya pang magkaroon ng mga black propaganda sa mga pahayagan sa katapat n’ya sa pagka bise-presidente noon na si Kabayan, ang dating kasi sa’kin: ano pa’t nagkasama sila noon sa ABS-CBN, kahit pa sabihin nating parte iyon ng stratehiya at pulitika.

Kaya nga noong huling eleksyon ay hindi ko s’ya binoto, kahit pa nanguna s’ya sa pagka-senador.

At ang sobrang kinaiinisan ko ay ang kanyang TV ad.. walang kalatoy-latoy at halatang pulitika ang dahilan o pagiindorso sa sarili.

“pagbabago… blah, blah;… samahan nyo ko…”

anong sense? e kung ibinigay/pinamahagi n’ya ang pinambayad sa nasabing TV ad sa mga naging artista nya sa likod n’ya.. haayyy.. tama na nga ‘to naasar lang talaga ako.

sa totoo lang magaling naman talaga si Loren gusto ko ang LUNTIANG PILIPINAS nya pero, ayoko na talaga sa kanya. (peace*)

Mabuti pa yung ad ni Villar may sense pa kahit papaano atlease pinapakita n’ya na nakakatulong s’ya sa “pagsagot ng pamasahe” sa mga inabusong OFW. lols.. natatawa lang din ako kasi bakit kailangan isama sa ad yung pagsagot n’ya sa pamasahe.. hehehe

LOVE TEAM MUKHANG MULING MABUBUHAY

Hindi ako manghuhula pero mukhang magbabalik ang tambalang KORINA at MAR pag tumakbo itong si ROXAS.. promise..

hehehe..

At sigurado akong hindi ito lalangawin ng MEDIA at magiging dahilan para maging popular si MAR ROXAS..

kabaliktaran naman siguro pag tumakbo si MMDA Chairman dahil sa mga binangga n’yang illegal vendor kaya asahan ng langawin ang kanyang boto.

Ayt. ang haba ng pala.. baka wala ng mag komento😀 (pwede pala violet reaksyon dito!)

7 thoughts on “BINAY -OBAMA NG PILIPINAS?”

  1. wahaha. . sa totoo lang nakakapagod yang usapang politika. . wala kasi katapusan. .walang nagpapatalo. .

    sa opinyon co ah. . kahit sino pang mahalal na bagong pangulo, babatikusin parin at may magaganap paring pangungurakot. . sino ba ang hindi nangulangot sa kanila? nangurakot pala*

    asahan na rin natin na uulan ng pangdaraya. .

    binabahiran pa ng showbiz. . dapat nag artista na lang sila baka mas sumikat pa sila.

    hinahanap co nga pala si Manny Pcquiao dun sa poll. . sayang wala!

  2. sheet!

    binay was compared to obama? are they stupid or something?
    jusko! it doesnt mean that he’s black, he can also lead!

    tsaka if binay will aspire for presidency, he’s not gonna win!

    papagawa ako ng bilat pag manalo sha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s