ASAR SA JOLLIBEE PART 2!


jollibee-logoHaayyy.. kung may pangarap man akong natupad na, iyon ay ang makapasok o mapabilang sa MARKETING DEPARTMENT ng isang kumpanya, kung saan bilang isang grupo papalawakin ninyo ang idea ng bawat isa para sa magandang resulta ng isang promosyon o pagpapalago ng isang naturang produkto o serbisyo.

Sa kabilang banda, kaakibat ng isang promosyon ay ang aspetong tiyak na kalulugdan ito ng mga tao (market) na tatangkilik nito. Tama?

Bakit ko nga ba nasasabi ang ganito?


ANG BUONG KWENTO:

madagascar-2-escape-africa-movie-posterDahil sa naka line-up na ang mga papanoorin ko sa sinehan, at sa bawat pagdaan ng mga araw ay patuloy pa itong nadaragdagan kabilang ang “twilight” na hindi ko pa napapanood. Kaya napagpasyahan ko ng manood ng MADAGASCAR ESCAPE 2 AFRICA para mabawasan.

Nagkataon na rin kasing nasa SM na ‘ko at kasama ang butihin kong kaibigan na si Aneng.

Ayun, Habang nasa loob ng Jollibee, na matatagpuan sa 4th level ng SM manila. Nakatingin samin ang mapanghalinang poster na promo daw na may kinalaman sa sinehan.

SAGANANG AKIN LANG:

Dahil nga napukaw na kami ng nasabing promo na nagsasabing sa pamamagitan ng 300+ na pagkain (2 large coke, 2 regular fries at 2 regular yum) ay may kasama na itong 2 tickets na pwede mong gamitin para makapanood ng ano mang palabas sa sinehan ng SM.

Dahil wala namang nakalagay sa poster nila, o ano mang tawag doon sa nakapatong sa Cashier nila. At hindi naman kami pinaliwanagan ng Crew at manager (kung hindi ako nagkakamali) na nagbigay ng tickets samin, na may karagdagan pa pala kaming babayaran pag dating namin sa sinehan.

Nakakaasar yun diba? pinagpalagay na namin kasi na pagdating namin doon sa sinehan ay bibigay na lang namin ang ticket at makakapasok na. Iyon pala ay magdadagdag pa kami! edi ganoon din ang presyo ng ticket wala namang pinagkaiba?

Babalik pa sana ako sa Jollibee para magreklamo, ang kaso magsisimula na ang palabas, kasa sabi ko mamaya nalang paglabas ng sinehan,

Ayun, matapos maligayahan sa napanood, lumabas na kami at gaya ng pinangako ko, agad kong pinuntahan ang Jollibee para magtanong.

At nalaman ko na lang na ganun nga, walang pinagkaiba sa presyo ng ticket. Sa madaling salita maybabayaran kang halaga ng ticket sa jollibee at may babayaran ka rin sa sinehan para mabuo ang totoong halaga ng tiket

OTEP: e, miss nasaan ang promo dun?

CREW: Sir, bale ang promo ay nasa food.

Taenang promo yan! Bakit hindi na lang nila nilagay sa poster/ad nila, na nasa food ang discounts at wala sa tickets at bakit kailangan pa nila hatiin ang bayad ng ticket. Nakakaloko yun ha. (Mas matatanggap ko pa sana yun kung ganoon)

Hindi ko naman sinabi na mali sila o ano pa man, dahil sa una palang, ako rin ang nagkamali dahil HINDI AKO NAGTANONG, ang akin lang siguro, ganoong hindi nakasulat o hindi mababasa sa kanilang poster ang totoong mechanics ng promo, sana naman marunong din silang magpaliwanag sa mga customers nila para hindi sila nakakagago.

Haaayy.. kakaiba talaga ang jollibee wala akong masabi!

At kakaiba din ang promotional strategy nila! MAPANLINLANG! nagpalinlang naman ako Lols.

Aral : “Be wise!, Ask Question!”

😀

8 thoughts on “ASAR SA JOLLIBEE PART 2!”

  1. haha!
    tama, wala namang masama kung magtatanong di ba?
    ok lang yan. hehe.
    sa susunod, kaw na gumawa ng poster ng promo ng Jollibee.
    hehe. jowk lang.
    at least, na-enjoy mo naman ang Madagascar 2.

    -napadaan ulit.😀

    e parekoy paano ako magtatanong, kung hindi ko alam ang itatatanong? lols. nyahahhaa:D
    oo nga dapat ako na lang gumagawa ng poster nila.. nyahahahaha.. makapag apply nga ng artist sa Jollibee \m/

  2. MGA TAGA JOLIBEE SM MANILA UMAYOS KAYO.
    di na namen kayo tatangkilikin ni otep!

    uu nga! sa JOLLIBEE kalaw na lang tayo madami pa cute. nyahahaha :))

  3. naku basta mga offers, huwag kang basta-basta magtitiwala. Take-it ung sa story ko, may coupon ibinigay ang isang fast food chain (MCDO), free hamburger ang nakalagay. Yun pala, for every P500 pesos purchase sa (MCDO), saka lamang maaavail ang nasabing free hamburger.

    Kaya ikaw otep, magtanda ka na. Lokohan lang ang mga sinasabi nilang promos. hehehe.

    http://cardinalbitchspecials.wordpress.com

    huummm.. ang mali lang kasi sa mga promo nila kulang-kulang sa pagbibigay ng info o mechanics kung paano maavail ang naturang produkto! kaasar lang talaga..

    siguro nga kailangan ko ng magtanda!😀

  4. correct pero pag inaway mo sila wala rin mangyayari kasi nga di naman mapapalitan ng food yun e… built in system na nila yun… aral nga magtanong at mag-isip para di maloko ng mauutak na negosyante

    uu nga! ang uutak nila.. tsk tsk wala akong masabi..

  5. matignan nga iyong JOLLIBEE dito sa SM MANILA.
    malapit ako dun.😆


    pwede din! kaso kung mag aavail ka ng promo nila (kuno) regarding sa cinema tickets hanggang ngayon na lang yun. extenden lang daw kasi yun until November 30, 2008.

  6. ganda ng twilight.. napanood muna? hehehe..
    hai naku.. di naman ako mahilig tumangkilik ng poster
    ng mga jollibee na yan..
    pagkain lang pinapansin ko..ahihi..🙂


    hindi ko pa nga napapanood e, manonood sana kami last saturday, tae, nakakatamad! Ang Habaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa… ng pila paano ako makaka-score nun sa bhe bhe ko.. nyahahaha.. baka sa last week ng movie na kami manonood para konti na lang yung manunood. nyahahhahaha ang horny!

  7. hala k! baka makaaway mo ung favorit ko ng fast food. pero kakain parin nmn xa ng sphag ng jollibee. hehehe kamote k kasi yan ang mga nangyayari s mga taong makasarili n nanonood ng sine ng hndi nagaaya. ay nag aya pla pero hndi nmn tumutupad s usapan..hehehe bilis ng karma no??…exited kasi mxdo yan 2loy…belat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s