ALL ABOUT EVE


Yeah. :D 

Sa kadahilanang pangarap ko talagang maging mamamahayag noon pa man (sa maipapaliwanag na dahilan) nahilig talaga ako sa mga palabas na ang karakter ng mga bida ay reporter.

brucealmightyMarami na rin akong mga napanood na pelikula tulad ng BRUCE ALMIGHTY ni Jim Carrey. Si Bruce ay isang reporter pero dahil isang pangyayari ay nagawa siyang mapatalsik sa network na pinapasukan  n’ya, dahilan para sisihin n’ya ang mga bagay-bagay. Sa kabilang banda, naging dahilan din ‘yon upang  ipa-subok sa kanya na maging Diyos at sumagot sa lahat ng panalangin ng mga tao.

Sa kadahilanang s’ya na nga ang Diyos, lahat ng naisin s’ya ay nasusunod, pagkakaroon ng magarang kotse, ang pagiging  news anchor, at marami pang iba. Tinagurian pa nga s’yang Mr. Exclusive dahil lagi s’ya nandoon kapag may malaking balita.

Noong una naging madali lang sa kanya ang lahat , pero sa pagdaan ng maraming araw unti-unti na rin n’yang napagtanto na mahirap pala ang maging Diyos.

Ang aral lang siguro sa kanya at sa lahat ng manonood, hindi lahat ng gusto na’tin ay pwedeng mangyari o matupad, at sa sitwasyong natupad lahat ng gusto na’tin, DIYOS KO PO! malaking problema. Tulad sa nasabing pelikula lahat ay humihiling na manalo sa lotto ayun ni-“YES” lahat, edi nanalo nga ang lahat.

(panoorin nyo na nga lang) lols.

life_or_something_like_itIsa pa sa mga napanood ko na may kaugnayan sa pagiging reporter ay ang LIFE OR SOMETHING LIKE IT ni Angelina Jolie. Si (Lanie) ay isang reporter din.

Sa isang interview sa Lansangan, nakadaop-palad n’ya ang isang pulubi na nakakahula ‘di-umano ng mga mangyayari sa hinaharap… sa dulo ng kanyang interview hinulaan n’ya din si Lanie na kaunti na lang ang ilalagi n’ya sa mundo, (in short) mamamatay na s’ya😀

Hindi naman ito pinaniwalaan ni Lanie dahil (lalo na’t) sa isang pulubi nanggaling ang mga ganoong salita. Hanggang sa sunod-sunod na ngang nagkakatotoo ang lahat ng prediksyon. Kaya humantong na s’ya sa pagkalumo at paniniwalang maaari na nga s’yang mawala.

Sa tulong na rin ng kanyang cameraman na si Pete (Edward Burns) nakuha n’ya na itong tanggapin. Sa isang coverage na isinagawa n’ya sa mga nag-raraling mga driver nagmistula s’yang nasa bar na nagkakanta (na parang wala ng bukas) kaya nagawa nyang makuha ang simpatiya ng lahat ng viewers.

Nakakatawa lang dahil sa pagkakataong iyon ang nag-uulat ay siya ng nauulat ngayon. (in short uli) naging laman s’ya ng lahat ng balita.. astig!

Naging dahilan iyon para sa kanyang kasikatan (at sabihin na nating na promote s’ya) kaya napapunta na s’ya sa isang national television sa NewYork. Sa huli, matapos ang matangumpay na interview  na sa kanya’y naisagawa noong araw na iyon ay nagpasya na lang s’yang bumalik sa dating local television kung saan s’ya unang nagtrabaho. Subalit sa kanyang pagkakababa sa bulwagang pambalitaan ay natamaan s’ya ng ligaw na bala. Happy Ending pa rin naman kasi nabuhay  pa s’ya.😀

Hindi lang puro pelikula ang kinahiligan kong panoorin pati na ang ALL ABOUT EVE na korean drama -ang natatanging ASIANOBELA na nasimulan at sinubaybayan ko araw-araw.

Masasabi kong, ito ang pinaka-magandang dramang pangtelebisyon, ang bawat karakter, lokasyon, eksena ay talaga namang kaabang-abang. Dito ko talaga naranasan ang lubusang pagkainis sa isang karakter na si ERIKA -na para sa kanyang career, gagawin n’ya ang lahat makuha lang ito.

allabouteve

Kaya naman sobrang nakakatuwa na ire-remake ito ng GMA 7 sa Telebabad sa susunod na taon. Hindi ko lang alam kung sino si NICOLE at ERIKA sa katauhan ni SUNSHINE DIZON at IZA CALZADO. Masasabi kong magiging kaabang abang din ang partisipasyon ni AMOR POWERS (Eula Valdez) at JEAN GARCIA lols.😀

Sana naman gandahan nila at pahabain nila ang istorya, hindi tulad ng pagkaka remake nila ng MY NAME IS KIM SAM SOON.. (no comment).

quarantineBtw, hindi pa ako sigurado sa Pelikulang QUARANTINE (HORROR MOVIE) pero mukhang reporter din ang bida. Kaabang-abang.. papanoorin ko ito next week.

Napanood ko kasi yung trailer (Scary talaga). Minsan talaga lalong lumakalas ang loob ko na maging reporter pa rin. napaka-adventureous kasi.

Hindi pa naman tapos ang buhay ko kaya Libre pa ri mangarap Lols:D

Haayy.. wala na naman mag ko-comment ang haba ng post na ‘to😀

commentLIBRE LANG MAGKOMENTO :)

15 thoughts on “ALL ABOUT EVE”

  1. Try watching din “Up Close and Personal.” It’s a drama-romance, but it’s also about a woman journalist. Nagustuhan ko naman hehehe.

    Good luck sa dream mo, Otep. Pursue it. I tell you, masaya dyan. May thrill. May adrenalin rush. Been there. Wag ka nga lang mag-expect ng maraming pera unless sa television ang target landing mo hehehe. Saan mo ba gusto mapunta sana? Print or broadcast media?

    Sige hahanap ako ng DVD mamaya at pag hindi ko nagustuhan yari ka sa’kin! nyahahahahhaa joke lang..

    sa broadcast talaga gusto ko, kahit camera man lang ayos na.. nakakasawa na dito sa work ko sa Dyaryo lagi na lang akong nakaupo.. gusto mo mag field.. Yeah😀

  2. so gusto mo pala maging repoter ha? ayus lang yan! basta do watever it takes!! doon sa movie, favorite ko din dati yung all about eve, naiinis naman ako doon kasi si erika masyadong mangaagaw, ayoko lang sa mga taong ganun kasi di marunong lumugar.. sana pag reporter ka na, wag mo kong kakalimutan ha!! lol!! i promote mo ang aking blog haha!!

    yeah.. pero galing umarte ni Erika, yung character lang talaga ang nakakainis sa kanya.. nyahahaha.. bitter ka ha..😀
    yeah.. ngayon palang ipopromote ko na.. nyahahaha (sure na ko na sisikat ako lols) asa pa me,

  3. wow! gusto mo pala maging reporter?
    lols.
    pagpatuloy mo lang yan. malay mo, magkatotoo.
    sorry sa All About Eve, hindi ako kapuso eh.
    at ayoko ring maging bitter sa mga shows nila.
    kaya, no comment nalang ako.😆

    ganun na nga parekoy.. pero nagagandahan talaga ako sa korean drama na ‘yan. kaya dapat ayusin ng GMA ang pagkaka-remake😀

  4. Newspaper desk ka ba ngayon? Try mo mag-field. Hmn, highly recommended ko yung police beat sa Manila. Madalas, the reporter who gets to be assigned to WPD also gets to cover NBI and Manila City Hall. Maraming balita dyan. Pero siyempre, ang panalong beat pa rin ay Malacañang hahaha. Highly coveted ang beat na yan, pinag-aagawan, siguro dahil sa press junkets pag nagbi-byahe ang president hehehehe. kidding.

  5. a all about eve pala ang tungkol sa reporte na yun. oo alam ko yan. di pa korni yan otep. maganda yan.
    btw
    magiging sikat ka din soon!
    wag magmadali
    malay mo bukas na pala yun?
    di natin alam..

    krash ko si iza
    kaya papanoodin ko yan

    =)

    alam mo ba kung bakit all about eve ang naging title nun? hehehe seriouly hindi ko alam.. nyahahahahaha

    sikat na ako parekoy.. nyahahahaha asa pa ko..

    mas crush ko yung original na NICOLE😀

  6. PINAnunuod ko nga ngayon ang all about eve sa mysoju mukang maganda nga…

    nakakatawa yung korean version ng kim sam soon kesa yung kay regine…

    yeah, maganda talaga ang all about eve. promise…

    trying hard kasi ang pinoy kaya ang sagwa.. hehehehehe

  7. may potensyal ka! naniniwala ako sayo. sabi nga ng kamikazee.. “libre lang mangarap. managinip ka habang gising.” hehehe.. magaling ka namang writer, kung mascom ang tinapos mo mas malaki ang potensyal mo maging isang “REPORTER”🙂

  8. maganda ung all about eve. pero i just hate na puro remake nalang ginagawa dyan sa pinas. walang originality. lahat nalang niremake, o baka naman pati si Marian biglang nandyan? Haha. Puro Dingdong at Marian nalang alam nila. lol.

  9. gusto ko rin ‘all about eve’ at ‘bruce almighty.’

    hindi ko pinanood ang quarantine,panget ng review eh.ang alam ko lang yung babaeng bida dyan, yung bida sa ‘the exorcism of emily rose.’

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s