YELLOW POST


Hindi ko alam kung bakit ko ito isinusulat.

Hindi naman anibersaryo ng EDSA 1, 2 at 3

Hindi rin naman ito tungkol sa Hepa A, B at C  na dilaw daw ang mga mata pag meron ka nito

Hindi rin naman ako green minded kaya pilit nagpapaka yellow

Wala lang.

Marahil, bukod sa wala akong magawa ngayon.. pilit akong gumagawa ng kapakipakinabang sa bawat click at type na ginagawa ko dito sa computer habang nagsusunog ako ng oras.

Pilit kong nilalagyan ang katiting kong kukote (kung meron man) ng katiting na kaalaman mula sa napakalawak at napakalaking kasaysayan na naganap noong mga panahong nasa talbos pa ako ng kamote.

Yeah Right*! Mula sa pagkakalkal sa internet kung anong mayroon sa loob ng  website na YouTube.com, napadpad ako sa mga nakakatawa, subalit malamang mga salita na binibitawan ni Sen. Mirriam Defensor-Santiago sa loob at labas man ng senado.

Masyado kasi akong fanatic ni senadora, kung nakakaboto nga ako noong mga panahong tumatakbo s’ya sa pulitika lalo na ‘yung pagtakbo n’ya sa pagkapresidente.., malamang naiboto ko s’ya.

Pero bago pa tumakbo si Senadora mas lalo siguro akong magiging mapalad at masaya kung nabubuhay at nakakaboto na ako noong tumakbo ang unang babaeng-presidente ng Pilipinas na si Corazon Aquino.

Huummm.. hindi naman ako mahilig sa kasaysayan pero hindi ko talaga malaman kung bakit masyado akong nahahatak ng kukuryusidad ko para panoorin si President Aquino noong nag speech s’ya sa United States Congress noong September 18, 1986 pitong buwan pagkatapos ng paghahari ng administrasyon ni Dating Pangulong Marcos.

Hindi ako tumatagal sa Youtube lalo na pag ang haba ay higit sa sampung (10) minuto ang bidyo. Pero nagawa ko pa ring sundan panoorin ang part 2 at 3 na tumagal pa ng 18 minuto.

Halos dumikit ng husto ang headset sa’king mga tainga na tila isang awiting gusto kong ulit-ulitin ang bawat melodiya at lyrics na iniawit ng buong damdamin, ang bawat stanza, ang mga talata, pangungusap at salita na winiwika ng dakilang presidente, namumuot sa’king damdamin.

Nais kong magpapalakpak na may kasamang pagtayo bilang pagpugay, na isa palang Filipino ang nagsasalita sa mga banyaga.

Ang haba ng mga palakpakan ng mga mambabatas sa kungreso ng Amerika ay nagpapatayo sa’king mga balahibo.

woman_of_the_year_1986Masyado akong napahanga ni Cory Aquino, ngayon mas lalo ko ng napag-alaman kung bakit ganoon na lang s’ya iginagalang at tinitingala ng mga tao banyaga man o kapwa Filipino. Hindi man dahil sa siya’y naging Presidente ng ating bansa at nabubuhay na kasaysayan kundi isang taong may pagmamalaki, nagpapamulat ukol sa tunay na kahulugan ng Kalayaan at Pagmamahal sa Pamilya at Inang bayan.

What a post! yeah right😀

commentLIBRE LANG MAGKOMENTO

http://www.youtube.com/watch?v=WX9ysynaIq0

http://www.youtube.com/watch?v=G4gWe6KkFX4

http://www.youtube.com/watch?v=WX9ysynaIq0



8 thoughts on “YELLOW POST”

  1. otep katulad mo ay gusto ko din si senadora miriam. hindi ko alam pero ang dating kasi niya ay matalino naman talaga at lahat ng mga sinsabi nya ay nakabase sa konstitusyon.

    oonga otep ang husay ni cory. parang ang sarap itaas ng ating noo sa mga winika nya ano? galing. tama lahat ng sinabi nya pero sa tingin ko ay dahil sa “masyadong” kalayaan ng tao sa ating bansa tignan mo ang nangyari sa atin? hindi ba masyado na tayong malaya o tama lang talaga na ganito dapat kalaya ang isang Pilipino?

    kung anu pa man ay maganda ang post mo na to. may aral at sense. masyado lang dilaw🙂

    meri Christmas pala =)

    Hahahaha.. kaysa naman green di ba?
    Pero lam mo parekoy, sa sobrang kalayaan ng mga Pilipino, lahat maalam, lahat may opinyon na kanilang pinaninindigan at sabihin na nating may pinapanigan, kaya ganoon na lang siguro kaya nauuwi sa hayok na hindi pagkakaunawaan..

    Pilipino nga naman.. hehehe

    pero dami pa naman d’yan kapita-pitagan😀

  2. pareng dencios, tama ka msyadong nging malaya na ang mga pilipino. nawalan narin ng disiplina ung iba nting kababayan. may saysay pa kya ung mga pinaglaban ng ating mga kababayan noong panahon ng diktadura? tingin ko nagiba na.

    kay pareng otep naman, thanks sa share mong video. madaming mgagagling na kbababihan sting gobyerno. ewan ko nlng nga kay arroyo. tsik tsik.

    Hahaha speaking G. M-Arroyo. kahit pa s’ya ang pangalawang babaeng-pangulo ng ‘Pinas hindi n’ya matutumbasan ang nai-ambag ni Cory sa mga pangulo.. kung meron man s’yang naiambag.. marahil alam n’yo na! sa negatibong pamamaraan.

    Hindi pa naman tapos ang ‘Pinas malapit na ang 2010 at mawawala na rin ang pinaka-pangit na nunal na nasisilayan ko. kaya Utang na loob sa ating mga kababayan kung meron pa silang konting pagmamahal sa bansa na’tin, hindi pa po napapanahon ang CHA-CHA!!!

  3. sa totoo lng pre! mgling nmn at cguradong mtalino c Gloria tngin qoh kaya nya na maiahon ang bansa sa kahirapan, ang problema na kilala sya sa negatibong paraan, sayang tlga ang ktalinuhan kht ang kgandhan qung wla k nmng puso syang dn lng, what is beauty and intelligence if ur patriotism 4 the country is yet not in ur mind and especially in ur heart, she is really good at economy but if it means in democracy, she really had a poor grade, pre alm qoh n lht taung pilipino ay humahanga ky cory, kht aqoh hnihling qoh na sna sya ulet ang mamuno sa pilipinas kc hnd qoh nrnsan n mapasailalim s pmumuno nia, at tska nga pla pre gs2 qoh mlman moh! n babae aqoh! sori nttwag ktang pre

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s