BAGO!


BAGO ang lahat…

Wala man akong mukhang iharap sa inyo ngayon, dahil sa pagtalikod ko sa WP ng ilang linggo, hayan at dala-dalawa pa ang pagmumukha ko. (kapal).

Para akong nilamayan ng mga masusugid kong mambabasa sa simple nilang mga komento na “magbalik ka na”. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, kung ito ba’y isang bitaminang nakakataba ng puso o isang sampal sa mukha na tila paimportante ako.

Ganoon pa man sa mga nakaunawa.. tenk yu!

Hindi ko naman talaga balak lisanin ang mundo ng pag ba-blog, siguro’y medyo naging obligasyon ang tingin ko, sa dati’y libangan ko lang. -ang pag po-post ko dito.

Nakakahiya man, pero pag nasasaktan ako, ang blog ang aking napapagbuntungan ng sisi. Sa huli, ang blog pa rin ang yayakap sa iyo sa tuwing ika’y malulumbay at magbubulong sa’yo na hindi ka nag-iisa.

BAGOng taon…

Sa muli kong pagbabalik dito, marami na agad akong nakalatag na kuwento, hindi ko nga lang alam kung paano sisimulan,. Masasabi ko lang na sa pag pasok ng bagong taon.. lahat magbabago sa’kin… lahat magsisimula sa wala.. at lahat ay magsisimula sa mumunting pangarap.

***

Mababaw lang ang kaligayan ko kaya naman sa unang araw ng bagong taon, masayang isipin na may natupad na agad akong pangarap sa sarili ang makakuha ng planner sa Starbucks nyahahhaah…

srarbucks-planner1

Last year kasi, yung mga panahong nag-aaral pa ako.. kahit ang pagpasok sa nasabing kapihan ay talaga namang pinangarap ko.

Ngayong medyo umasensyo naman ako dahil sa hindi sinasadyang pagkakatanggap sa trabaho.. Hayan at may simple na akong bisyo.

Bukod dito sa BLOG may pagsusulatan na’ko ng mahahalaga, mga plano sa darating na araw.. at mga ideyang pwede kong ikuwento sa inyo.

o.. hanggang dito muna! Maligaya at Masaganang Bagong Taon sa Lahat!!😀

19 thoughts on “BAGO!”

  1. maligayang pagbabalik master otep! kung anu pa man ang mga adhikain mo sa iyong pagbabalik ay suportahan ka lang nameng mga tagahanga mo!

  2. @Dencios
    -kailan pa ako naging master? kaw nga master ko e’ hehehhe
    -natawa naman ako dun “tagahanga” talaga heheheh
    -salamat sa suporta😀
    \m/

  3. at long last, bumalik ka na rin.
    hehehe.
    weebee.
    ui, magkakaplanner na siya.
    congratz.
    heheheh.

    at, happy new year din sa’yo otep.

    -isa sa mga tagahanga. lols😀


    yeah, magkakaplanner na’ko, kaso hindi ko pa mapapalitan.. out of stock daw kasi yung black😦 hanggang march pa naman daw yung palitan.. pero hanggang six na lang yung stickers..

    salamass parekoy😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s