ENDLESS DEBAT’eS


Mga nakayapak na tao, pawang mga nakasuot na kulay maroon o dilaw na damit na may nakaimprintang di umano’y mukha ni Hesu-Kristo. -piyesta pala ng araw ng Itim na Nazareno sa Quiapo.

black-nazareneTaun-taon na lang dinudumog ng libu-libong deboto ang nasabing kapistahan, sa kabila ng taun-taon ding napapabalitaang mga nasasaktan o sa pinaka-sukdulan ang minsang pagkakasawi ng ilan na’ting kababayan.

Nakakamangha kung ating pagmamasdan dahil sa kabila ng maaring piligro ay nagagawa pa rin nilang makipagsapalaran at marahil ito na ang tinatawag nating -matibay na pananampalataya ng tao.

Masasabi na rin na’tin na pangarap ng bawat deboto na makahawak sa lubid na humihila sa karosa ng Itim na Nazareno at mas pangarap siguro  ng nakakarami  ang makaakyat sa nasabing karosa.

***

Ipinanganak daw akong katoliko at bininyagan sa simbahang katolika, naging palasimba din ako noong ako’y nasa elementarya at mas nakakatuwang malaman na ilang taon din akong naging isa sa mang-aawit sa misa.

Pero sabi nga nila, hindi na’tin alam ang hinaharap, marami pa ang  mga maaaring mangyari, sa mga paniniwala, sa mga desisyon o sa kani-kanilang pananaw.

At hayagan kong sinasabi dito, na sa ngayon ay wala na akong tinitingalang relihiyon, bagamat ang pagiging romano katoliko ay ginagamit ko sa aking pagkakakilanlan sa tuwing tatanungin ako kung ano ang aking relihiyon.

Simple lang naman ang aking paliwanag dito, kinakapa ko pa ang tunay na papaniwalaan ko. Ang mahalaga, may pinaniniwalaan ako at may takot sa Diyos.

Isa ‘di umano sa walang kamatayang debate ng mga tao ay ang debate ukol sa relihiyon. At isa marahil sa pinaka-hindi ko malilimutang debate ay ang naganap noong nasa ikatlong- taon ako sa ma’tas na paaralang Cayetano Arellano.

SA BUSINESS MANAGEMENT ROOM

Dahil umiiral noon ang haircut policy sa aming butihing paaralan, nakakainis talagang isipin na bakit kailangan pang paiksiin ng husto ang mga buhok naming kalalakihan, hindi naman buhok ang tinuturuan (duh!). Kaya naman may mga salitang kahit hindi dapat sabihin ay nabibigkas ng iilan.

KLASMEYT 1: Ano ba ‘yan kung si Jesus nga mahaba ang buhok, at n’ung mga panahong iyo hindi sila nagpapagupit bakit bawal ngayon?.

KLASMEYT 2: Bakit si Jesus ka ba? BAKLA!

KLASRUM: Nyahahahahaha!

Sa klasrum naman hindi talaga maiwasan ang daldalan kaya ang simpleng katuwaan humahantong sa malaking bangayan.

KLASMEYT3: Bakit kayong mga IGLESIA lagi kayong nakikipag bangayan sa mga DATING DAAN?

KLASMEYT4: Paano laging nagmumura..

OTEP : (umepal) Sabi naman daw kasi nila hindi naman daw maituturing na mura ang salitang “GAGO” maituturing lang daw iyon na isang salita na naghahatid ng matinding pagkainis sa tao… (hindi ‘yan yung actual na sinabi ko,pero parang ganyan) lols. …ang tunay na mura yung P.I.

KLASMEYT 5: kahit na mura pa rin yun

OTEP: (wala akong masabi kaya parang sinasabi ko nalang sasarili na WATEBER)

KLASMEYT 3: Tapos sinasabi pang si Manalo daw ang SUGO..

KLASMEYT 6: (umepal din) Oo nga, sige nga kung si Manalo ang SUGO bakit hindi n’ya nailigtas ang puno ng MULAWIN?

KLASRUM: Nyahahahahahha, Nyahahahahaha

(Noong mga panahon kasing yun, namamayagpag pa sa telebisyon ang telepantasya ni Richard Gutierrez at Angel Locsin)

Napapansin na rin pala ng Mama ko na hindi na talaga ako nagsisimba at napapag usapan na rin namin ang ukol sa Relihiyon.

MAMA : Alam mo kung ano ang pinagmulatan mo doon ka.

OTEP: E kasi bakit ba kailangan nilang sambahin yung mga Santo-santuhan (mga rebulto)

MAMA: Hindi naman yun sinasamba, simbolo lang ‘yun para mag karoon ng ideya ang mga tao kung ano ang itsura n’ya.

OTEP: E bakit kailan pang luhuran at punasan. (sa isip ko ADIK!) mamaya magkasakit ka sa kakapunas ng mga bimpo at panyong galing sabunganga nila.

Sa huli, hindi n’ya na rin ako inaaya magsimba (Nagsawa na sa debate na’min).

TOTOO namang ang Usapang Relihiyon ay ang usaping walang katapusan, at gaya ng nasasabi nila at ng aking pananaw “KANYA-KANYANG PANINIWALA LANG ‘YAN” wala na lang sanang pilitan, dahil naniniwala akong ang paniniwala ng isang tao ay dapat na lubusang iginagalang sa ganoon umiral ang kapayapan ! HALELUYA

Amen😀

9 thoughts on “ENDLESS DEBAT’eS”

  1. HALELUYA! hahaha, nakakatawa ang post at nakakatuwa. Pareho mo rin akong naniniwala na hindi dapat sinasamba ang mga santo sa simbahan at naniniwala rin akong hindi si PADER ang makakapagsabi na pinatawad na ako ng Diyos, dati rin akong nagsilbi sa simbahan. Umayaw ako hindi dahil sa nagsawa ako kung hindi dahil naisip ko sa bawat misa napaka-routine ng ginagawa. Hindi ko makita iyong totoong naniniwala sa mga nakikisabay lang sa ritwal. Bilang isang Pinoy minulat ang marami sa relihiyong katoliko at dala ng kultura ang ilan ay iniiwasan sa pagsasabi lamang na hindi sila naniniwala sa simbahan. Iilan lang ang nakakaalam ng pagkakaiba na ang Simbahan at Diyos magkaiba.

    p.s. Arellano ka? what year? Manila rin kasi ako, Villamor. lage akong may nakikilala from Arellano kasi sa contest ko dati. I also had a post about nazareno. baka mapag-interesan mo basahin iyong perspektib ko.

    http://perspektib.blogspot.com

    wow, wala akong masabi, sabi nga DAW sa bibliya magsusulputan ang iba’t ibang relihiyon kaya kailangan na’tin mag-ingat.. kaya ito ako, nangangapa..

    *Alumni na’ko sa Arellano, hehehe graduate ako noong 2005

  2. Kahit di ko man siya nakikita at naririnig ang Kanyang boses dama ng puso ko na iisa lang ang gumawa ng lahat at dapat sa Kanya lang ako humingi at magpasalamat sa nag-iisang Diyos na Maylikha. Isa akong katoliko nguni’t sinisikap kong maituwid kung ano ang mali…

    http://pruelpo.wordpress.com.

    napakalaking puntos mula sa’yo.. kung tama ako ng iniisip, sa iniisip mo kung ano ang dapat maituwid, marahil magbabalik na ako sa simbahang katoliko.

  3. uyyyy!! may point ka dyan!! alam mo kasi ang pinaka importante naman is ung may faith ka na may gumawa sayo at may dahilan kaya ka nandito sa mundong ito, naniniwala ako sa simbahan at kay God at kay Papa Jesus, lumaki din naman kasi ako na meron kaming altar kaya sinasamba ko na din sila sa pamamagitan ng paglalagay ng bulaklak or anything. sobrang devotee din kasi ang mom ko so ayun nga. ngayon, di na ako nakakapg simba, pero nagdadasal na lang ako gabi gabi. Eh kung nandoon ka nga at nagpupupunas ka dahil lang sa may gusto ka, dapat maalala din natin si God di lang pag may prob tayo… di ba? shock! im so dramatic!!

    yeah, sa tingin ko mostly nagiging deboto na lang ang isang tao, kapag may sakit ang isa sa pamilya mo. sobra sobra kang nagluluhod pero pag wala ng problema hindi na s’ya naalala😦

  4. alam mo otep kanya kanyang paniniwala yan. e yan ang paniniwala mo e. respeto lang. nakakatawa para sa iba yung punas punas, samba samba pero ganun talaga e. panata e. basta ang mahalaga na lang siguro yung di tayo gagawa ng masama sa kapwa.

    good post.
    astig!

    yeah, yun ang point ko, kanya kanya tayong paniniwala hehehehe… in other words kanya kanya din tayong trip kung sinong rebulto ang pupunas na’tin ng panyong may plema-plema Lols. nyahahahaha.. (ayt. baka may magalit peace*)

  5. isang magandang post ito.
    hehehe.
    hindi naman talaga importante ang relihiyon.
    ang mas importante ay ang paniniwala mo.
    kaya, hindi batayan ang relihiyon sa salvation ng tao.
    ako nga eh, directly ako nagpepray kay God.
    dinidinig din naman Nya yung mga panalangin ko.
    😀

    may tama ka parekoy!
    hindi ka naman daw maililigtas ng relihiyon mo, ang mahalaga nagpapakatao ka, hindi ka gumagawa ng masama at sakaling nakagawa ka ng hindi kaaya kaaya kailangan mong huminga ng tawad at pang-unawa.. sa may lalang man o sa nagawan mo ng hindi akma sa pinapatupad ng batas ng Diyos at ng batas ng Tao.

    Sa ibang banda, basta’t alam mong may pinaniniwalaan ka at may takot sa Diyos para sa’kin tama na ‘yun kaysa lumuhod sa mga Diyos-diyosan.

  6. asteeg! mabuti hindi umabot sa upakan yung balitaktakan tungkol sa relihiyon — balita ko kasi, mas malala pa sa mga away pulitika ang mga away dahil sa relihiyon. ubusan ng lahi!🙂

    dumalaw lang, kapatid.

    parang.. pumasok tuloy sa isip ko ang muslim at katoliko pag napasama ang salitang patayan..
    waaaaaaaa.. wala lang.. heheheeh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s