DYARISTA: ISANG KABANATA


Isang taon na pala ang nakakaraan buhat noong makapasok ako o makapagtrabaho sa isang pahayagan. Hanggang ngayon kapag naaalala ko ang pangarap na kailan lang ay aking inaasam-asam, hindi pa rin ako makapaniwala na ngayo’y nasasalat na ng aking mga talampakan. Ang Hiwaga nga naman sa likod ng mga pangarap, minsa’y nakakakilabot kapag ika’y napagbigyan.

Tandang-tanda ko pa noong una akong tumuntong dito, tila  isa lang akong batang nautusang bumili ng suka sa tindahan at hindi na nakabalik.

At tipong nagbabakasakali lang dahil hindi naman ako nagtapos ng pag-aaral na may kaugnay sa pagiging mamamahayag. Pero ito ako ngayon, bukod na pinagpala sa ambisyosong lahat.

Buwan ng Enero din noon, noong ako’y nag-umpisang maupo sa harap ng computer upang ilapat sa pahayagan ang mga nalimbag na salita ng mga tinagurian kong Plaridel.

Masaya ako habang ginagawa ko iyon, hindi man ako ang may likha ng nasabing obra sa bawat letra ng mga naisulat, pero taas noo kong pinagmamalaki na dahil sa sariling sining, mas lalo ko itong nagagawang kaaya-aya sa bawat mata ng mga magbabasa at mambabasa, sa madaling salita, isa ako sa dahilan kung bakit may nababasa ang madla mula sa bawat pahina ng mga pahayagan.

Minsan naiisip kong, mas pinipili ko ang gusto kaysa sa kailangan.

Bago ako napadpad sa pagiging empleyado ng Dyaryo, nagmula muna ako sa pagiging Graphic Artist sa Makati, hindi ko lang alam kung nagpapakamartir ako tulad ng mga idolo kong bayaning manunulat kung kaya napagpalit ko ang nararapat na sahod para sa tulad ko, kapalit  ng magiging serbisyoso ko sa kumpanya nila, sa kinauupuan ko ngayon bilang Layout Artist sa arawang babasahin.

Wala man akong pinagsisihan dahil ito ang pinili kong propesyon at masaya ako dito, dahil natupad ang isa sa mga pangarap ko.

Pero nitong huli, mas masarap palang mangarap para sa pamilya kaysa sa sarili mong pangarap.

NASASABI KO ITO marahil dahil sa hindi na sapat ang kinikita ko. Nakakatawa mang isipin pero mas malaki pa ang kinikita sa’kin ng hamak na manggagawa sa pabrika kumpara sa tulad kong may hawak na diploma.

Minsan nahihiya na rin ako sa pamilya ko. Sa limang magkakapatid ako lang ang nakapagtapos ng kolehiyo. Pero sa 4 na kapatid kong nakapagtrabaho na ako yata ang may pinaka-maliit na kinikita.

Ngayon ang tanong ko, kung ikaw ang nasa kalagayan ko anong pipiliin mo?

  • Ang pangarap sa sarili, dahil masaya ka dito? o
  • Ang pangarap sa pamilya na makatulong dahil isa rin iyon sa pangarap mo?

Maraming naghihintay sa’king kompanya (sa palagay ko) dahil indemand naman ang pagiging graphic artist dahil doon ako nagsimula, pero ayaw ko pang iwan ‘to.

Hindi ko naman pwedeng utusan ang mga superior ko na taasan nila ang sahod ko. Haaayy…

Alam kong magkakaroon pa ako ng bagong kabanata hindi nga lang na’tin alam kung ano ang naging desisyon ko kung bakit nasa ikalawa na ako pagnagkataon.

Abangan na lang natin ang susunod…

7 thoughts on “DYARISTA: ISANG KABANATA”

  1. pinangarap ko na din mag trabaho sa isang company ng dyaryo kasi meron akong nabasa na book na geronimo stilton, mahilig din kasi ako sa mga papel.. keep up the good work! ^^ sa susunod article mo na ang mapu- publish!

    otep: oo nga e, kailan kaya mapapublish mga naisulat ko gusto ko pa namang mag-ala Xerex.. Nyahahaha :))

  2. Hi Otep, Napakaganda ng isunulat mo dito! Walang imposible sa taong matiyaga at nagsisikap..Goodluck sa’yo at syong mga pangarap, sana’y ito’y matupad lahat🙂

    otep: yeah sana nga, kaw din sana matupad din :)) salamuch parekoy🙂

  3. “Pero nitong huli, mas masarap palang mangarap para sa pamilya kaysa sa sarili mong pangarap”

    ***panalo to otep. totoo mas masarap yung nakakatulong sa pamilya lalo at nakikita mong sila ay masaya. pero masarap ding natutulungan mo ang iyung sarili. hay.. ang naiintidihan ko kung nakukulangan ka sa sahod e kasi naman ay ang mahal ng bilihin sa pinas diba? wag mawalan ng pag-asa. pede ka naman mag request ng increaes e =)

    otep: parekoy sama mo na’ko d’yan sa dubai, kailangan ba nila ng graphic artist? nyahahaha :))

    pero seriously damang-dama ko ang kakulangan sa pinansyal.. minsan ipinagpapalagay ko na lang na nag-uumpisa pa lang kasi ako

  4. Tignan mo, ikaw itong master sa ganoong style ng pagsulat, san ka nagwork? anyway, bata ka naman, siguro mas maigi unahin mo iyong isa mong pangarap din sa pamilya mo, kapag masaya na sila sigurado ikaw rin ay sasaya at pagkatapos ng matagal na paghihintay ay lalo mo magagawa iyong gusto mo.

    otep: yeah.. salamat sa payo.. ganun na nga siguro.. harhar..

    hummp.. tungkol sa pagsusulat, sinusulat ko lang talaga kung ano ang nararamdaman ko😦 hayy.. kaw kaya d’yan. luphet di lang ako makapag comment kasi blogspot ka banned dito sa office.

    The Daily Tribune po ako🙂

  5. eto lang parekoy, ‘If it feels good, it’s right.’

    i particularly liked this:

    Ngayon ang tanong ko, kung ikaw ang nasa kalagayan ko anong pipiliin mo?

    Ang pangarap sa sarili, dahil masaya ka dito? o
    Ang pangarap sa pamilya na makatulong dahil isa rin iyon sa pangarap mo?

    galing.astig.dahil natuwa ako sa blog mo,add kita sa blogroll ko ha?para hindi ko malimutang basahin ang ibang mga katha mo. :p

    otep: hehehe thanks add na rin kita sa “mga kabit” ko😀

  6. kung hei fat choi sa’yo parekoy!

    alam mo, ok lang yan kahit di gaano kalaki ang sweldo. so long as nag-ienjoy ka sa ginagawa mo. bata ka pa naman, so take baby steps muna. pasasaan din at kikita ka rin ng malaki. balang araw. hehehe.😀

    otep: yun nga e.. tumatanda na ‘ko so, dapat pangmatanda na rin sahod ko. nyahahahaha :)) ambisyoso lang. gusto ko kasi sahod ko pang editor-in-chief na nyahahaha :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s