ANG PANGARAP KONG JACKPOT


Isa na marahil sa pinakamaraming pangarap na nais matamo ng bawat nilalang ay ang pagtama sa Lotto. Nakakatawa mang pakinggan ganoong nangangarap tayo pero hindi naman tayo gumagawa ng paraan para magkaroon ng t’yansyang manalo -ang pagtaya.

Sa kabilang banda, maraming nakakapagsabi na mas malaki pa ang t’yansa nating tamaan ng kidlat kaysa sa pagtama ng lotto. Kung iisipin nga naman, napakapalad mo na kung ikaw ang makakakuha ng 6 na kombinasyong lalabas, ganoong 13,983,816 na anim na kumbinasyon ang maaring mabuo sa apat napu’t siyam na mga numero. kumpara sa bawat 2,320,000 na pagkidlat ay may tinatamaang  isang tao. (peksman tamaan man ako ng kidlat) lols.

Sa isang sitwasyon, bakit hindi mo subukang gumawa ng eksperimento at lumabas ng bahay sa panahong masama ang panahon at kumikidlat at sakaling mapatunay mo na totoo ang sinasabi ko, at tamaan ka nga ng kidlat sa inaasahang pagkakataon baka mapasigaw ka pa ng JACKPOT!. hehehe

Kamakailan, masyado akong na ku-curious kung may tumama na ba sa daan-daang milyong maaring mapanalunan sa Lotto, ewan ko ba ganoong hindi naman ako tumataya pero inaabangan ko kung may nakakuha na ba ng Jackpot prize na humigit kumulang na daw na 200M pesos.

Sobrang dami tuloy pumapasok sa isip ko kung ako ang makakakuha noon, marahil malilibot ko na ang mundo at maitatayo ko na ang pinapangarap kong publication “first tagalog broadsheet ng bayan”. (libre lang mangarap lols)

Kaya naman, kahit alam ko ang kasabihan ukol sa kidlat at pagtama sa lotto, nag suntok sa buwan pa rin akong tumaya. Kakatuwa nga e, pinagkakamalan pa rin akong Minor. (naku kung tatama talaga ako ng Lotto, papabanat talaga ako ng boto sa ganoon hindi na ako pagkamalang totoy).

sa sobrang haba ng pila, hindi ko maiwasang managinip ng gising.. haaay..

pati tuloy mga taong nasa harap at likod ko na kapwa pumipila para makataya ng Lotto ay tila nababasa ko ang kani-kanilang iniisip “pag nanalo ako ng Lotto mamumudmod ako ng pera…” sabi nung binata

sabi naman nung isa “..bukas luluhod ang mga tala, lahat ng nang aapi sa’kin magkakandara para makipag kaibigan sakin…”

 yung isa naman “…tang.. ‘na kang hayop ka.. kala mo kaguwapuhan ka!, makikita mo pag nanalo ako magiging kamukha ko na si Marian Rivera…” at iba pa.

namalayan ko na lang na malapit na ako sa kahera.

Habang naglalakad, marami pa ring pumapasok sa isipan ko, bukod sa problema pa rin kung paano ko gagastusin ang tatamaan ko. Iniisip ko pa rin ang magiging resulta.

Tulad noong napanood ko sa Telebisyon, matapos n’yang manalo sa Lotto marami s’yang naging kaibigan, pero kabunto’t noon, nagkaroon din s’ya ng maraming kaaway, ang mahirap pa, pati kamag-anak nakikigulo.

Doon na rin pumasok sa isip ko na ang lahat ng sobra nakakasama.

Masarap pa ring maging normal, baka kasi pag nagkaroon ako ng ganoong karaming pera baka imblis na maging makulay ang buhay ko ay lalong maging madilim.

Ang pag-iisip ng maka-materyal na bagay gaano man kasimple o kagarapal, maging makatutuhan man o pang ambisyon lang. Marapat lang na’ting pag-isipan kung ano ang magiging bunga sa bawat sanhi na binuo ng ating pagpapasya.

Pero sa huli, ang pangarap na’ting jackpot ay puwede nating makamtan kung bibigyan natin ito ng tiyansa para pagbigyan.

Pero ang pagtama ng Jackpot hindi lang lagi sa materyal naka base. Ang pagkakaroon ng mabait na kaibigan-halimbawa ay masasabi nating jackpot, ang pagkakaroon ng maayos at maganda kahit hindi gaano kalakihan ang suweldo ay maari pa rin nating sabihing jackot. at sa pangkalahatan makita mo lang ang isang magandang bagay, gaano man ka simple, emosyonal, pisikal o materyal man ay masabi na na’ting jackpot na napakahirap nang tamaan🙂

                            

                          

MARK

FLAMINDEVIL

 

10 thoughts on “ANG PANGARAP KONG JACKPOT”

  1. OMG! tataya ako later! malay mo manalo! hehehehheh

    pero i agree… manalo or matalo jackpot pa rin ako sa buhay! yun ay dahil may nararamdaman akong satisfaction sa mga nakamit ko sa ngayon!

  2. tama ka dun. hindi lang pera ang naja-jackpot!

    ako rin nung nakita ko yong laki ng maaaring mapanalunan sa lotto napaisip ako. parag gusto ko ring tumaya. pero…san ko dadalhin? naglaro ang isip ko…gang sa hindi nalang ako tumaya. hehe

  3. kung dadating ang milyones, dadating. kung hindi, salamat pa din at may pantayo tayo para sa lotto.

    gayunpaman hanggat wala pang swerte sa lotto “libre naman ang mangarap” kaya iyun muna ang pagpapatuloy ko🙂

    isa pa masaya naman na ko sa 3x a day na kumakaing busog🙂

  4. yeah ayt..u can be amazingly happy even without those things…and without those lotsa money…

    dahil at the end of the day..hindi iyon ang basehan ng pag-aapraise sa self-value..

    ay tama ba??

    …ayan..nakidaan po…

  5. nice post! tama, hindi lahat ng jackpot eh pangmateryal lang. good health, harmonious family, great friends are just among the many jackpots that we need to treasure. they are called blessings🙂

    pero pag nanalo ako ng lotto, definitely travel and shopping galore… hala, materyal din pala gusto! hehehe!

    God bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s