NATUPAD NA PANGARAP NI CHARICE


charice_otepHindi ako ma-showbiz na tao, pero hindi ko talaga mapigilang kalkalin lagi ang loob ng Youtube, nagbabakasakali na baka may bago na namang video si Charice na inuulan ng mga komento.

Nakakatawa nga lang isipin na minsan mga pilipino rin ang nagbabatuhan ng mga pangit na salita, kahit na alam kong parte naman iyon ng pagiging kilala o sikat na tao tulad ni Charice Pempenco. ‘Ika ko nga pagnakababasa ako ng ganoon, sinasabi ko lang na: “may maikomento lang, kahit makasakit pa ng ibang tao”.

at kahit sa mga blog na’tin nangyayari ‘yon.

Sa ibang banda, hindi na talaga mapigilan ang pag-usad ng kasikatan ni Charice, hindi lang dito sa ‘Pinas kundi sa Amerika at sa buong mundo na rin sa pamamagitan ng Youtube.

Ikaw ba naman ang makilala nila Oprah, David Foster, Adrea’ Bocelli, Celine Dion, at iba pa, ewan ko lang kung hindi ka sumikat.

At masayang isipin na may bago ng kanta si charice na kinanta n’ya sa after party ng Oscars na may title ng fingerprint.

Kung iisipin nga naman, kailangan muna na’ting makatikim ng mga pasakit o mabigo ng ilang beses bago na’tin makamit ang rurok. Tulad ng nangyari kay Charice noon, noong sumali s’ya sa singing contest, bago n’ya makamit ang kinakatayuan n’ya ngayon.

Pero sabi nga nila, hindi na’tin makakamit ang tagumpay kung di tayo marunong tumayo sa pagkakatapilok at hindi rin natin matutupad ang pangarap na’tin kung di tayo magsisikap at susubok. At di rin na’tin ‘to matutupad kung wala tayong inspirasyon tulad ng pangarap na magiging gabay sa pag-abot.

19 thoughts on “NATUPAD NA PANGARAP NI CHARICE”

  1. iba talaga ang talent ni charice pagdating sa kantahan…astig na astig.

    bagong bihis ang blog natin ngayon ah.

    sige aalis na ako pareko, lilipad pa ako eh. baka kailangan ng tulong ni kapitan pinoy sa iba pang blogs. hehe

    1. astig talaga ni cha!

      hehehe.. oo March na kasi.. panata ko na’to monthly.. wala pa nga ako maisip na header eh..

      ingat parekoy!! palaganapin mo ang blogpower!! hehhe :))

  2. paborito ko din si charice! at sa totoo lang massabi kong isa siyang inspirasyon para sa akin, kailangan talaga nating mag sikap. naway maabot natin lahat ng pangarap natin^^

  3. “kailangan muna na’ting makatikim ng mga pasakit o mabigo ng ilang beses bago na’tin makamit ang rurok.”

    Ano klaseng sakit pa ba ang kailangan ko maramdaman at ilang kabiguan pa ba ang kailangan kong matikman bago ko makamit ang rurok na yan… hehehe…

  4. Love this post… hahaha!! siguro dahil sa fan talaga ako ng kahit sinong pinoy…😀 hindi ko gusto si charice date… but she just gave every filipino something to be proud of…😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s