AKO MISMO vs. AKO ANG SIMULA


Hindi na talaga maitatago ng mga Pilipino ang kani-kanilang pananabik at paghahanda sa darating na 2010 MAY election. O  sa ibang interpretasyon  ang mas pinakahihintay na pag-aalsabalutan ni Gng. Arroyo  sa palasyo ng Malacañang. Ayon nga sa balita kagabi, binibilangan na ito ng iba’t ibang organisasyon sa internet.

At bilang paghahanda sa nasabing presidential election, may mga grupo na ngang gumawa ng mga hakbang para sa ‘di umano’y pangarap na pagbabago.

ako mismoNanguna na nga d’yan ang AKO MISMO ang grupong nag paulan ng Ads sa kasagsagan ng Laban ni Manny Pacquiao noong MAY 3, na kinakatampukan ng mga bigatin at mga kilalang personalidad sa iba’t iba nilang larangan.

Sa ngayon ay patuloy pa ring umiere ito at na may bago ng bersyon.

Sa ibang banda, marami pa ring nahihiwagaan at nagtatanong kung paano ginastusan ang ganitong kalaking TV Ad.

At ang mga tanong na kung binayaran ba o kusang loob na nakisapi ang mga tampok na personalidad sa nasabing Ad. At kung binayaran talaga ang mga personalidad sa likod nito. Nakakatakot na isiping bakit kailangang gumastos ng ganoon kalaki ang isang grupo.

Ayon sa mga balita, si Mr. Manny Pangilinan na CEO ng PLDT at SMART Communication ang nasa likod nito, na diumano’y may tatakbuhang puwesto sa gobyerno kaya n’ya pinondohan. Pero sinagot na naman  ito, na wala s’yang balak na gawin iyon.

May mga usapan ding ginagamit ito sa pang sariling interest dahil kasapi dito ang dalawang pinaka-malalaking communication company. Kaya umugong din ang mga espekulasyon na kinukuha nito ang mga personal na inpormasyon ng mga taong nakasali na o naka sign-up sa naturang website ng grupo.  Sa ibang banda kung para talaga ito sa lahat at pagbabago bakit kailangan munang maubliga ang isang taong gustong sumali na mag sign-up bago maka-access sa naturang website?

Sa ibang banda, kung para naman ito sa ikabubuti, wala namang masama kung makiisa tao at syempre wala ding masama kung mag-analisa muna tayo.

ako ang simulaNitong Lunes naman, inilunsad na ng ABS-CBN ang AKO ANG SIMULA, mula sa nauna na nilang kampanyang: BOTO MO I-PATROL MO, isa pa rin itong paghahanda sa nalalapit na Eleksyon sa 2010 na sa pamamagitan ng text at e-mail ay maari ka ng makiisa at maihayag o ipaalam ang iyong mismong nasaksihan na katiwalian kaugnay pa rin ng halalan. Sa pamamagitan rin nito maari ka ring magbigay ng inyong mungkahi at magtanong.

Totoo namang malaki ang naitutulong nito. Noong nakaraang taon kung hindi ako nagkakamali sa pamamagitan ng BOTO MO, I-PATROL MO maraming mga balita kaugnay sa halalan ang maagang na i-report sa mga awtoridad.

Tunay na sa sariling na’ting mga kamay maaring magsimula ang pagbabago.

Anu’t ano pa man, ang pagsuporta sa mga ganitong organisasyon o grupo ay malaki ang maitutulong sa bawat isa. Sa pamamagitan nito naimumulat tayo sa katotohanang TAYO MISMO bilang isang ordinaryong tao, maaaring MAGSIMULA ang napakalaking pagbabago.

77 thoughts on “AKO MISMO vs. AKO ANG SIMULA”

  1. oopppps…salamat sa pagbago at pagcorrect ng aking blog name…(naintindihan ko ang reason mo behind the change).
    otep tama ka…pero sa isang banda..anuman ang adhikain ng mga org. na ito…hindi pa rin maiwasan na magtanong….by experience kasi…marami na akong nakita in the past…pero sa kalaunan nilamon rin sila ng bulok na sistema ng ating pulitika…
    …this time around…mas gusto kong maging independent..labas sa anumang kilusan…though alam ko ….mas effective talaga ang collective effort ng isang org., ……

    1. hehehehe.. sorry talaga parekoy.. BLUGUY😀

      gaya nga ng sabi ng mga org. na ‘yan.. tayo ang simula. kaya tayo binigyan ng D’yos ng pag-iisip.

      matuto tayong maging mapanuri at pumili ng nararapat.

      kahit paulit-ulit at nakakabingi na ang uri ng sistema na’tin, hindi ibig sabihin n’un na titigil na rin tayong mangarap para sa bansa na’tin.

        1. amp. buti namansin mo uli parekoy thanks*

          may template kasi ako na HTML nun sa widgets ko

          hindi ko na pansin noong nag undate ako..

          sorry na napalitan ko na po uli..

          woooohoooo thanks uli.

    1. saganang akin, si Manny Villar. s’ya na lang talaga.. naaawa na nga ako sa kanya e.. kasi pinagtutulungan na s’ya sa senate😦

      sana hindi malason yung isipan ng ibang botante..

      kaya hindi ko ‘yan iboboto si PING LACSON lalo na ‘yang JAMBY MADRIGAL at iba pa.

      pero sabi mo nga, isang taon pa.. kaya puwede pa mabago ang isip ko.

      1. manny villar sa tingin mo ano ba ang maitutulong nya satin?
        meron na ba syang maipagmamalaki bukod sa iba..
        wahaha..q & A daw tayo oh hehe..
        malay mo lang baka si manny rin ang iboto ko hehe,..:)

        1. nyahahaha manny? why not! e partylist naman yata ang tatakbuhan n’ya.. nakakatakot lang ang part na baka magamit s’ya.

          ang sa tingin ko lang, sakaling mamanalo s’ya marami talaga s’yang matutulungan.

          speaking matutulungan, sabi nga ni MV galing s’ya sa mahirap kaya sa tingin ko din, alam kong alam n’ya ang istado natin at alam n’ya din ang gagamin.

          At gaya ng sabi ko, mahirap magsalita ng patapos😀

        1. yup ganoon na nga…

          pero kahit ano pa ang ipukol nila hangga’t hindi pa nila napapatunayan kay manny villar pa rin ako.

          salamat sa ‘yo snow😀

  2. ewan ko ha otep pero sa tingin ko pakana lang talaga yan. ayokong makinig sa kanila. papakinggan ko ang sarili kong puso at utak para sa eleksyon. Or kung may makinig man sana sa mga ganitong mga org sana ay di naman sila pauto. iba kasi ang mauto at makinig e🙂

    1. hehehehe tama.. in short, sa ‘tin pa rin talaga ang pagdedesisyon nasa’tin din kung papaauto tayo kung nagpapauta nga sila.

      puwede naman tayong makinig sabay labas din sa kabila.. o kaya makinig at gawin na lang aral.😀

  3. Napanood ko ung AKO MISMO tv ad sa Youtube. Nagulat ako nung nakita ko dun ung Rector-President ng San Beda College. Graduate ng San Beda si Manny Pangilinan kaya malamang suportado sya. Pero sabi nga wla daw balak tumakbo ung si Pangilinan. Ewan ko lng. Lhat naman sila pabago bago takbo ng utak.

    Kahit ano man mgsilabasang pakulo dyan ngayong mlapit na ang eleksyon, tama ka na nsa mga botante parin ang simula ng pagbabago.

    Sayang nga lang hindi nako makakaboto. Nung nandyan kasi ako registered voter naman ako pero wla ang pangalan ko sa prisinto. Damn!

    1. amp. dapat nag pa registered ka uli.. sabagay kung nasa malayo ka naman di ka din makakaboto..

      d’yan ka na lang magparegesiter.. absentee voting ba tawag dun?

      btw, kahit na sabihin na’ting maraming nakukuha ng pakulo. marami pa rin namang gumagamit ng sarili nilang utak at puso.. -sabi nga ni dencios.. hehehehe

  4. Oo nga, napapanood ko nga yang mga commercial na yan! Dapat meron din sa blogrld! hehe. kaso wala akong maisip.. Rules of power kase yun, ‘deceive the enemy.’ Pwede niyang sabihin na di siya tatakbo, and then gulatin na lang niya ang mga kalaban niya na tatakbo siya. Well, that is politics.

    1. ngayon ngayon lang meron na uli silang bagong bersyon at mga ordinary people na.. yung isa parang may sinasabi pa about blogging*

      naalala ko tuloy si gloria noong hindi daw s’ya tatakbo tapos.. biglang nagbago yung isip..

      huumpp.. wag naman.

  5. sana this time more improvement from the govt. buti nga meron pa ding mga ganyang org na iiisa lang naman ang adhikain di ba? kailangan makiisa din naman tayo..!

  6. i think it is really very early for all these things but if it is any consolation, it raises awareness of people. i’ve actually watched ‘ako mismo’ being discussed on ANC and they are raising issues like baka daw gamitin ito pang personal in the long run.

    1. yeah right,.. maraming baka ’bout d’yan. at gaya ng sinasabi ng mga advocacy nila.. sa’tin pa rin magsisimula ang pagdidisisyon para sa pagbabago😀

  7. ang ganda talaga ng ad ng ako mismo at ako ang simula.. nakakahikayat talaga.. at lalo pang namulat ang mga kabataan sa responsibilidad nila sa ating bayan.

    1. yeah pero bago tayo mahikayat.. matuto din tayong mang ungkat.. pero gaya nga ng sabi mo namumulat talaga ang mga tao kung gaano kahalaga ang isang boto.

    2. pls join also in my vote is my voice, movement

      kailangan na ang pagbabago! kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? kung hindi ngayon, kailan pa? kaya’t mga kabataan, pamunuan natin ang pagkilos para sa pagbabago ng ating bansa. hindi pa huli ang lahat.

  8. I heard of AKO MISMO and I saw it too.. sobra nga bigatin mga personalities na nandun.. pero, di ko pa nakita ang AKO ANG SIMULA? lol.. parang wala lang, bakit laging may “AKO”.. haha.. ok.. whatever.. basta sana, maging maganda ang resulta ng election, maging mapanuri, MATANGLAWIN!!!🙂

    1. nyahahaha natuwa naman ako sa last words mo.

      kung lawin nga lang sana tayo, nakikita sana na’tin lahat ng mga pangyayari mula sa baba.

      pero dahil karamihan sa’tin ay pawang nasa ilalim, mailap pa rin sa’tin ang liwanag na pinagkakait ng mga taong sumasalag sa sinag.

      maliban na lang kung ang “salag” na ‘yun ay nagbibigay sa’tin ng lilim kaso hindi e. patuloy tayong nasasakop ng dilim.

      in short nga, sana mauwi din sa maganda ang resulta.

  9. hmmm, i think okay na sa akin na iboto mismo ang gusto ko at hindi paapekto sa interes ng iba.
    hindi pa ako nakaka-sign up alin sa dalawa, medyo wala pa akon gana e. but i think okay naman ang kanilang intention. yung ibang mismong may kinalaman sa halalan ang malamang na hindi.

    naalala ko na pumunta ako sa comelec sa city hall namin. hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang voter’s ID ko na 2001 ko pa in-apply at active pa ang SK noon. hay… hindi na ako nakipagtalo, naaawa ako dun sa mga nagpaparehistro na mahaba rin ang pila.

    1. itanong mo sa barangay n’yo, baka doon na pinadala ng comelec.

      kasi yung akin 2006 ako nag sign tapos 2008 pinadala sa’kin mula sa barangay. baka nandun lang yun.

      parekoy, kung ganoon mang nakikita mong mahaba ang pila para magparehistro magandang malaman na patuloy na naliliwanagan ang mga isip ng mga pinoy lalo na ang mga kabataan kung gaano kahalaga ang kanilang pakikiisa.

  10. medyo mabigat ang dating ng ako mismo na yan. bigatin din ang mga nakuha nilang endorsers.

    ginagamit ng mga pulitiko ang media at net at nag-uunahan na sila.. may nagpapadyak, may nagpapauwi ng kung sino sino at kung anu ano pa. pero sana ang tingnan ng tao ay kung sino talaga ang kailangan ng bayan natin.

    1. tama. kumbaga sa literal na karerahan kanya kanya na silang practice.. para sa totoong laban.

      sa ngayon mahirap pa talagang pumili, pero kung tutuusin ayos na rin ‘to at napapaaga rin ang pag aanalisa na’tin:D

  11. Para tayong underground nuh.. HEHE
    Pero sir otep ok to..
    Mas maagang nabubusog ang aking sentido dahil sa mga opinion nyo..

    And please dont endorse any politican today, its too early.
    Lets just talk about them first.

    parang steps in solving a problem,
    hypothesis ika nga..

    Kudos Pilipinas

  12. hmmm… ewan ko huh .. pero ang masasabi ko lang sa panahon natin ngayon ang election ay ginagawa na ring negosyo ng mga politiko ….. nag.e invest sila ng malalaking halaga tapo pag nkaupo na sa pwesto nku! tiyak yun’😀

  13. lahat naman tayo may magandang adhikain para sa bayan.. kami po ay taga Sto.Tomas, Tobias Fornier, Antique.. Kailangan lang po natin na magkaisa at pumili ng ating mga lider.. lider na ang tunay na adhikain ay para sa bayan at hindi pansarili.. lahat sila magagaling magsalita at magbatikos sa mga naka upo.. ang tanong ko po sa kanila na dapat ang isipin nila kung ano ang maitutulong nila imbes na mambatikos.. ang tao magaling mang husga pero tingnan muna nila ang sarili nila.. kung mga corrupt man ang naka upo ang tanong ko sino ang naghalal? wala silang kasalanan dahil tayo ang bumuto sa kanila.. tayo ang simula ng pagbabago.. hindi natin mababago ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga Rally, EDSA, o sa pagtanggal sa kanila.. ang pagbabago ay sa atin magsimula.. maghalal tayo ng mga taong nararapat at makiisa tayo sa mabuting adhikain.. huwag na tayong magpagamit sa mga pulitiko kasi pare-pareho lang silang manggagamit… Ilang EDSA na ba? may pagbabago ba? Wala kasi tayong mga Pilipino madaling gaguhin kunting udyok lang agad maniniwala.. Bahala na ang Supreme Court magdesisyon sa mga legal na bagay at tayo ay gumawa ng nararapat para sa sarili natin..
    tama na ang gulo at bangayan.. Huwag na tayong manghusga sa mga Namamahala sa atin.. sa con ass issue lets STOP, LOOK and LISTEN.. hayaan natin muna na gumulong ang CON ASS, bubuto din tayo sa plebisito at doon natin ipahayag ang tunay natin na saloobin.. wag na tayong magpakatanga.. SA mga nagrarally kung mahal nyo ang bayan tigilan nyo na imbes na makatulong kayo lalo pang lumalala ang sitwasyon.. ang lahat ilagay natin sa tamang lugar, sitwasyon at oras..
    MABUHAY ANG KABATAANG PILIPINO
    KRUHAY ANTIQUE
    KRUHAY STO. TOMAS, TOBIAS FORNIER

  14. hmm… greetings everyone.. napadaan lang ako sa blog nyo… and makisambat lang sana… It seems both of the ads inspires mga pinoy lalo na yung mga kabataan to be advocate sa cry ng pagbabago ng pilipinas.. I like the Ako Mismo and the Ako ang Simula ad which really inspires me to make my personalized wallpaper Titled “Akoy Pinoy”.

  15. auzin nyo muna ung kumakalat na virus bago ang botohan guz2 nyo ba na mauboz ang mga tao marami ng nmmatay sa a(h1n1) reLax lang muna sa botohan tutukan nyo muna ang A(h1n1) virus kac bka wla ng bumuto sa 2010 kac patay ang mga tao ….!!!!

  16. sa mga lumalabas na adhikain ng bawat isa o mga grupo ay talagang nakakatulong sa pagiisip hindi lang ang mga kabataan kundi pati mga nakakatanda sa atin, nakakatulong ito sa pag ensayo ng ating konstitusyon at sa pagiging demokrasya, tama ka otep magaling si villar ngunit tama ka rin isang taon maaari pang magbago ang isip mo at baka hindi kulang pa ang listahan ng mga tumatakbo bilang pagka-pangulo, marami pang nagbabalak para makapamili pa tayo. at nakakatuwa isa ka rin pala sa mga tumulong para maensayo ang bawat indibidwal sa kanilang karapatan at may kapangyarihan tayo sa maaari o posibleng pagbabago, salamat at naibahagi ko rin ang aking salaysay

    nga pala nakapagregister ako sa AKO MISMO pero hindi me makapaglog in kasi mali daw password ko maraming beses ko na sinubukan pero ganun pa rin, ala lang sinabi ko lang

    ako pala si ainrt na taga-pasay

  17. sana lang ngayong election na darating, wla ng dayaan na mangyayari para naman kahit papano umunlad namn tayo sa kahirapan..

  18. Shudi di magdahum boyz! Libre lang ang mangarap… pero di libre ang mag-aral…hahahaha!

    Anyway… Tayo ang Simula! friends… let us vote w/out payments of the political candidates.. Ipakita natin na tayo ay may Dignidad…

    Chupapampam.

  19. Many of today’s youth wants to become the so called ” helper ” of this election. They want to “help” their country. I would like to suggest, if they want to help the country, they must help themselves first. Most of this teens wants exposure, they’re so called helping won’t or at a low percentage help the country. Their idea of helping is nonsense, they just got the idea from others, so what do they normally do? they conform, to be so called ” filipino citizens”. I would suggest that the media should give them some HELPFUL ideas to guide them.

    If they want to help the country, they should not waste their money on some ” COOL CELLPHONES’ , gadgets( I pod etc, Cool cars. Before they buy things they should at least think how much that thing costs. Let’s put the logic, they buy I-pods = 5000-8000 Pesos for the sake of pleasure. If they used the money to help the homeless, the hungry children, the money could have given some purpose or worth. Another thing is, the media should not promote these so called successful ” Actors or Actresses, Now, I’m not against these people, but I believe they wasting their money on some 20,000 shoes, or some cars worth 4 million pesos, if they used their money to help homeless and hungry people the country would be a better place. But no, the media gives information about how fancy his or her car, his or her shoes. It’s like promoting people to be like them, to be a bunch of idiots wasting their money on some non sense items. And these personalities got the courage to say thank the people for their success, their not even returning the favor, all they think about is their 5 million car, 5 million house, 200k shoes.

    PLEASE TO THOSE PART IN THIS INDUSTRY, LECTURE YOUR MONEY MAKING MACHINES ON HOW TO USE THEIR MONEY WISELY. ( MOST OF THEM, NOT ALL OF THEM)

    WHILE THEIR BUYING THEIR PRECIOUS CARS, THEIR COOL OUTFITS. MILLIONS OF PEOPLE ARE HUNGRY, HOMELESS, IN SORROW.

    STOP PROMOTING THESE FIGURES, YOUR PROMOTING PEOPLE TO BE LIKE THEM, TO BE A BUNCH OF OVERRATED PEOPLE. TO BE A MONEY WASTING PERSONS. TO WASTE THEIR MONEY ON SOME OVERPRICED TOY, TO WASTE MONEY PARTYING WHILE OTHERS ARE HUNGRY!

    PLEASE OPEN YOUR MINDS, STOP LIVING IN THESE BASKETS OF LIES. WHILE THEIR ENJOYING THEIR VACATIONS, A LOT ARE IN PAIN, NOTHING TO EAT, NO HOME TO STAY.

    P.S HELP THIS COUNTRY, THINK FOR THE BETTER. MAKE USE OF THEIR MILLIONS ON HELPING PEOPLE.

    TO KNOW MORE, WATCH THIS VIDEO, VERY INSPIRING, VERY THOUGHT PROVOKING.

    WATCH THE WHOLE VIDEO , PART 1 – PART 10, BE INFORMED!

  20. Many of today’s youth wants to become the so called ” helper ” of this election. They want to “help” their country. I would like to suggest, if they want to help the country, they must help themselves first. Most of this teens wants exposure, they’re so called helping won’t or at a low percentage help the country. Their idea of helping is nonsense, they just got the idea from others, so what do they normally do? they conform, to be so called ” filipino citizens”. I would suggest that the media should give them some HELPFUL ideas to guide them.

    If they want to help the country, they should not waste their money on some ” COOL CELLPHONES’ , gadgets( I pod etc, Cool cars. Before they buy things they should at least think how much that thing costs. Let’s put the logic, they buy I-pods = 5000-8000 Pesos for the sake of pleasure. If they used the money to help the homeless, the hungry children, the money could have given some purpose or worth. Another thing is, the media should not promote these so called successful ” Actors or Actresses, Now, I’m not against these people, but I believe they wasting their money on some 20,000 shoes, or some cars worth 4 million pesos, if they used their money to help homeless and hungry people the country would be a better place. But no, the media gives information about how fancy his or her car, his or her shoes. It’s like promoting people to be like them, to be a bunch of idiots wasting their money on some non sense items. And these personalities got the courage to say thank the people for their success, their not even returning the favor, all they think about is their 5 million car, 5 million house, 200k shoes.

    PLEASE TO THOSE PART IN THIS INDUSTRY, LECTURE YOUR MONEY MAKING MACHINES ON HOW TO USE THEIR MONEY WISELY. ( MOST OF THEM, NOT ALL OF THEM)

    WHILE THEIR BUYING THEIR PRECIOUS CARS, THEIR COOL OUTFITS. MILLIONS OF PEOPLE ARE HUNGRY, HOMELESS, IN SORROW.

    STOP PROMOTING THESE FIGURES, YOUR PROMOTING PEOPLE TO BE LIKE THEM, TO BE A BUNCH OF OVERRATED PEOPLE. TO BE A MONEY WASTING PERSONS. TO WASTE THEIR MONEY ON SOME OVERPRICED TOY, TO WASTE MONEY PARTYING WHILE OTHERS ARE HUNGRY!

    PLEASE OPEN YOUR MINDS, STOP LIVING IN THESE BASKETS OF LIES. WHILE THEIR ENJOYING THEIR VACATIONS, A LOT ARE IN PAIN, NOTHING TO EAT, NO HOME TO STAY.

    P.S HELP THIS COUNTRY, THINK FOR THE BETTER. MAKE USE OF THEIR MILLIONS ON HELPING PEOPLE.

    TO KNOW MORE, WATCH THIS VIDEO, VERY INSPIRING, VERY THOUGHT PROVOKING.

    WATCH THE WHOLE VIDEO , PART 1 – PART 10, BE INFORMED!

    THINK!

  21. hello po. uhm, I would just like to cite your article for my thesis..

    I’m making a thesis about Ako Mismo and Ako ang Simula..

    thanks po..

    if ever you have more sites or articles that you could recommend please do email me..

    thanks ulit..

  22. ako nga ngayon sobrang kinakabahan sa darating na election.. kktkot nga eh kasi sobrang hirap mamili. pero kaya ko ito.. ako, ikaw, at tayo ang magiging daan sa malinis na halalan…………….

  23. nasa atin namang pamilya magsisismula ang pagbabago,kung himdi tayo kikilos at mag aasa lang tayo sa gobyerno wala paring manyayari..magsikap at magtiyaga yan ang kailangan ng tunay na kabataan…wag tayo masyado maging aktibista para mapansin ng gobyerno kng kailanagan ay prankahan nlang sa mga loko-lokong opisyal ng bayan…we are have a great role in our family and to our society…kaya go lng mga youth….

  24. Sana wag nyong basagin kung ano man ang sinisimulan ngayon ng mga merong nais na tumulong sa ating bansa… sa pamamagitan nitong GRUPONG ito mauumpisan ang lahat na hindi naranasan ng lahat!!! ang PAGBABAGO!

    AkoMISMO ang SIMULA ng PAGBABAGO!

  25. Sana lang ma discern ng mga youth na bilib na bilib sa mga ‘advocacies’ na gaya ng ‘Ako Ang Simula’ at ‘Ako Mismo’ na parte lang sila ng machinery that’s easily brainwashed into believing what these groups are doing. Don’t forget that it’s STILL a business effort after all.

    Wala pa rin magbabago sa Philippines unless may kandidato na:

    1) Dito lang sa Pilipinas ‘grounded’. Meaning, walang mga properties sa abroad na pwede nilang tirhan the moment na mabulok na ng tuluyan ang bansa. Most often nagiging part lang ng personal business nila ang pagiging government official;

    2) Aatupagin ang kaluwagang magpasok ng negosyo dito ang mga foreigners which oftentimes encroaches upon the properties and lives of the locals. Gaya na lang ng kadaliang bumili ng kotse dito, na hindi iniisip na ang mga kalsada natin ay hindi naman lumalaki kaya’t ganun nalang ang traffick;

    3) Aaminin na ang root talaga ng problema ng bansa (at ng buong mundo pati) ay nasa paglaki ng populasyon, at hindi sa ‘uneven distribution of wealth’. Implement the RH Bill;

    4) Aaminin na ang OFW ay sintomas na may mali sa pamamalakad ng bansa. Kung tutuusin dapat hindi na binobola ang mga OFW at Overseas Domestic Workers na sila ang mga ‘Bagong Bayani’. Dahil kung mahusay ang pamamalakad sa Pilipinas ay dito na lamang sila lahat maghahanap buhay;

    5) at marami pang iba, di enough sa space dito…

    Salamat, at sana gamitin ninyo ang power of Discernment. ‘ciao! =)

  26. This post is commendable. A lot of opinions provide points for reflection, which may lead to more insights.🙂
    We’d like to use this blog as a reference for this seminar we are organizing. It focuses on the current issues in political psychology, highlighting the 2010 Elections. The AKO MISMO and AKO ANG SIMULA advocacy are also to be discussed in our seminar.😀

    Believe that there is hope. Be critical thinkers. “Tunay na sa sariling na’ting mga kamay maaring magsimula ang pagbabago.” B-)

  27. i’m working at the government before but because of our PALAKASAN SYSTEM i resigned, i’ve been working for almost 7 years in the field of comp technology this Automation election can be use by our corrupt leaders for their clean CHEATING…every program have a cheat…when you play video games you can cheat…if you own some supermarket/department store…you can cheat by hiding some products in the product or simply by that using barcodes they can cheat in time of BIR inventory…so that you can less the tax you will paid…and we have a lot of software using this modern age for that can break a security codes…even if the system will be failed or damage can still be access…that software use by some of the agent in the government…used for the surveillance/investigation.They can even cheat in our traditional election using People have brain and and heart.How much more on this technology and program by a person?

    “in time of crisis people dont mind bout their self-respect…politics are very dirty in our country,vote buying is rampant, a fair election solution is not by using new technology which were giving them a chance to a CLEAN CHEATING ELECTION..a fair election will happen if everybody have their self respect.”

    for the COMELEC

    1. Who are those public servant during the bidding of the machine use for the election?

    2. who made that program?

    if you can answer this some question then we will be able to help this Automation Election workout

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s