ANG GAMU-GAMO SA DILIM


Maulan ang gabi, mabilis akong nagtatakbo pauwi sa’min.

Sa bawat paghakbang ng mga nagmamadali kong mga paa,

katumbas nito ang mga tilamsik ng tubig.

 

Habang ako’y nakayuko at saklob  ng basang-basang panlamig,

‘di ko sinasadyang makabunggo sa dilim.

 

Ako’y humingi ng paumanhin, at sa aking pag tungo

nakita ko ang taong ni sa panaginip ko’y ayoko ng makita.

 

Natigil ako sa paghingi ng tawad,

tanging nagawa ko lang ay matulala habang patuloy ang patak mula sa aking mukha.

 

Mabuti na lang at maulan,

Kaya hindi nakita ang aking luha

 

Pilit akong naglakad ng palayo

ngunit paa ko’y gustong lumiko.

 

Naalala ko ang mga araw na kami’y magkayakap pa

kaya nais ko sana s’yang takbuhin pabalik pero ‘di ko nagawa dahil may kasama s’ya.

 

Ang mga dating nagmamadaling paa, ngayon tila napako na.

Pinagmamasdan ang kanilang mga hakbang palayo,

Habang akoy nababasa sa ilalim ng maliwanag na poste ng meralco.

 

Noong ako’y nasa pintuan na ng bakod, ako’y naupo

Wari’y natatakot sa maaring hatid na lungkot sa loob.

 

‘Di nagtagal nasilayan ako ni Inay

Ako’y pinagbuksan ng pinto at sinalubong ng payong

 

Sinabon ako ni Ina kung bakit daw nagdadala pa ako ng payong ganoong di ko naman pinakikinabangan.

Noon ko lang nalaman na mayroon akong dala.

 

Marahil sa ako’y lagi na lang wala sa sarili

at ginawang dahilan na ako’y tutok sa mga bagay bagay.

Kaya di ko na napapansin yaong maliliit.

Ginagawa ko naman ang lahat para makalimot

pero wala yatang epekto sa tulad kong,  ang tanging nagawa lang ay umasa.

 

Ayoko ng marinig ang pangaral ni Nanay, kaya pumasok na lang sa aking silid tulugan.

Napansin ko ang mga gamu-gamo sa liwanag na naguumpukan.

At malamang ako’y mainis dahil pati ako’y nilalapitan.

 

Pinatay ko ang ilaw.

at dahil doon unti-unti silang nag alisan.

 

Sa isang gilid ng aking silid

doon ako nagsisiksik at patuloy na nababasa

hindi ng patak ng ulan kundi ng patak ng luha

 

Naikumpara ko tuloy ang aking sarili sa isang gamu-gamo

na tanging liwanag lang naman ang gusto.

pero dahil tinaboy ko sila sa liwanag

wala naman sila nagawa kundi lumisan

 

Pero bakit ako!, kulang na nga lang ay sipain ako

pero ang nararamdaman ko’y tila isang preso

‘di makawala at kahit ako na mismo ang nagtataboy nito.

 

Ako’y isang gamu-gamong  nananatili sa dilim

dahil isa akong gamu-gamong tila nasunugan ng pakpak

kaya di na makalipad at makadaong sa panibagong liwanag

 

Biktima ako ng sariling kagagawan

Kahit noong una pa may ako’y napagsabihan

Sadyang nasilaw lang ako ng akala ko’y liwanag

pero nauwi na naman sa isang madilim at nakakalungkot na lugar😦

53 thoughts on “ANG GAMU-GAMO SA DILIM”

    1. ito ba? oo tama naman sya, hinahanap nga kita… kasi magpapatulong akong magpalagay ng music sa blog ko… un lang… kala ko naman kung gano kagrabe…

      1. hindi ako emo! yay, sige post na talaga ako ng comment, hehe.

        ang mga gamugamu, kapag pinapaligiran ang puno para silang mga christmas tree. nakakatuwa tingnan.

        parang december kahit kalagitnaan ng taon! hm, emo. ang daming emo na words dito sa comments!

  1. shocks otep emo ka nga ngayon…

    yaan mo pag napag icp icp mo talagang gumawi dito ieentertain kita para di ka na masad…😉

    nwei, ito na cguro yung literary side ng kwento at mga tanong mo kanina… hehehehe

      1. hehehe gnun ba… otep… anjan ako sa manila dis weekend… kaso sa guadalupe ako magstay, sa mga friends ko… txt kita ha… yun eh kung di ka naman bz.. hahaha

  2. Tol, had the same experience and more than too. But its not about who experience more but on how to overcome sa isang sitwasyon na meron ka ngayon.

    Happiness is a choice. Letting go is hard but worth. Mahirap, Masakit sa una, pero tulad ng gamo-gamo patuloy ang buhay kahit tinaboy sila sa dilim. Patuloy ang paghanap sa liwanag.

    godbless! smile ka na tol!

  3. @ topexpress

    wow.. 10 points ang comment mo parekoy.. astig!

    Letting go is hard but worth. -tatandaan ko yan..

    Haayyyyyyyyy sensya na ha emo lang😦

  4. sino ba talaga nabunggo mo sa dilim

    di kalang napatulala, naluha ka pa at natakot.

    teka umuulan din ba nung sinulat mo to??

    hehehehehe

    pag umuulan talaga masarap mag emo no?

    Life may contain bucket of mysteries. Mysteries that are often shaded with blue eerieness. Something you can’t possibly live without. It lays on your palm engraved with random crossroads. I don’t get it why other human beings prefer not to conceptualized their visions first before going to reality.

    di ko rin gets yung huling sentence na sinabi ko. LOL

    1. mumu yung nabunggo ko, sa sobrang takot ngatatakbo ako lols..

      sinisira mo naman emoness ko e.. Nyahahahahaahha😀

      basta mapalabok lang talaga ko pag emo..

      btw, san mo nakuha quoted quote mo?

  5. Kapatid… Okay lang magpaka-emo… However, we need to shake off the dust of self inflected loneliness and move forward…

    Kaya mo yan!

    By the way, galing ng pagkakahabi ng mga salita…😀

  6. aba napapadalas na aq d2!!

    natutuwa kz aq basahin ang mga entry mo. masaya dn pala magbasa ng mga emo. ei bro nabago mo pagtingin ko sa mga emo.

    astig.

    3 thumbs up

    1. wow salamat naman kung ganun.. apir*

      dito ka na lang tira Nyahahahahahaha

      ako pala ang makabagong emo.. hekhekhek

      salamat parekoy, salamat🙂

  7. same old, same old…

    a glance once again to the otep i know..

    the emo otep..

    haha.. ayos lang yan pre..

    magbabago rin ang lahat..

    lahat tayo’y matututo ring makalimot sa nakaraan..

    1. teka OT na pala ko.

      kasi naman ikaw lagi kang sa dilim.
      oo nga masarap sa dilim
      pero kelangan mo ng sandamukal na liwanag
      dahil sa liwanang na yun nakaabang
      ang mga taong di mo akalaing
      naka antabay at handang sumaklolo
      sayo kahit anong mangyari

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s