DAPIT HAPON


sun set 1

 

sun set 2

Ito ang una kong lathala sa ikatlong taon ko dito sa blogospero, ayokong magpaka-nega., pero ito na lang talaga ang paraan ko upang mailabas kung ano ang tunay kong nararamdaman sa mga bagay-bagay na nakapalood sa’kin.

Nitong buong linggo, ang dami na namang pumapasok sa isip ko -mga balak na sa isang  desisyon ay may tiyak na mababago. Hindi ko nga lang alam kung sa maganda o pangit ang kahihinatnan nito.

SA TRABAHO

Ilang buwan na ring pumapasok sa isip ko ang pag reresign dahil saganang akin ay tila na hindi na natutugunan nito ang pangangailangan ko. Ayoko namang umalis dahil ayokong iwanan ang pinaghirap ko, makapasok lang sa Dyaryo.

Sakaling umalis naman ako tiyak na magbabago ang lahat ng mga -sa aki’y ordinaryo na pero nagbibigay pa rin ng kakaibang supresa.

Tulad ng makikita n’yo sa taas, mga kuha ko ‘yan sa mga panahong nagiging pula, bughaw, dilaw ang kalangitan. maswerte nga ako e, dahil sa araw araw na ginagawa ng diyos nasasaksihan ko ang iba’t ibang kulay ng dapit hapon.

Hindi ko nga maipaliwag ang nararamdaman ko kapag nakakasaksi ako ng mga ganyan. Maaaring masaya  dahil pinagkalooban na man ako ng Diyos ng makulay na araw at maaring malungkot dahil natapos na naman ang saglit na kasiglahan. Maaring masaya dahil natakasan ko ang lumbay ng buong araw at maaaring masaya dahil bukas pagsikat ng araw malilimutan ko ang malungkot na kahapon.

Sadyang maraming kahulugan ang paglubog ng araw, maaring sa masaya at malungkot na bagay. Pero kung bibigyan natin ng magandang interpretasyon ang dapit hapon, ito’y paglimot ng nakakapoot na maghapon at sisikat ang magandang pag-asa, kinabukasan.

SA PAG-IBIG

Isang araw nangangarap ako na sabay naming pagmamasdan ito, ang paglubog ng araw, at paghihintay ng araw na magsasama kami bilang iisang nilalang na lang sa mundo.

Sa harap nito, unti-unti naming pangangarapin ang magandang bukas na magiging gabay sa pag-abot nito.

Sa harap nito, susumpang magiging matapat sa isa’t isa. At sakaling hindi ito maaninag dahil may sigwang nagdaan, mangangakong sa pagtila ng ulan sabay pa rin naming pagmamasdan ang paglubog nito.

SA KAIBIGAN

Tulad ng sinabi ni Cool Water Works ukol sa tatlong uri ng kaibigan, maikukumpara ko pa rin ang dapit hapon dito.

dapit hapon na sabay na pinagmasdan, pero kalaunan ay di na nasilayan,

dapit hapon na sabay na pinagmasdan, pero kahit anong pilit, para ito’y masilayan ay hindi na mapagbibigyan

At dapit hapon na sabay na pinagmasdan, hindi man napagmasdan ngayon, tiyak na mamamasdan pa din kinabukasan.

At sa hindi mapalabok na pagpapaliwanag:

Pagkakaibigan na nariyan ngayon; bukas ay tila kinain na ng Leon

Pagkakaibigan na nariyan ngayon; bukas ay nasa kabilang nayon

At Pagkakaibigang na riyan ngayon, bukas, mamaya at sa buong maghapon.

—————————————————————————————

Ang entry na ito ay alay ko sa kaibigang Lovely.

55 thoughts on “DAPIT HAPON”

  1. aw ang sweet haha..

    same us na gusto ang sunset sana neks time sunset sa isang dagat na ang makita ko haha..

    lumilipad ang utak ko (daydreaming)

    At Pagkakaibigang na riyan ngayon, bukas, mamaya at sa buong maghapon.(i like this minsan nga hindi lang mag hapon ,hanggang gabi pa..namiss kong tumambay..)
    huwaaa..
    salamat otep..hugs

    i know inlove pero hindi sakin haha..i hope maging ok kayo nung best mo haha..(ang daldal ko haha..)

    1. ambisious ka! Nyahahahha jokeneneng..:D

      pag tiyagaan mo muna alay ko sayo.. kapatid..

      isusunod ko na lang ang langit at mga bituin..

      Nyahahahahahah kornik.

  2. Otep…

    Nabanggit pala ako dito… Hehehe… At talagang tumatak ang sinabi ko sa tatlong uri ng mga kaibigan…

    Ganda naman ng imagery mo sa sunset…😀 Gusto ko lang i-share ang sinabi ko sa isang luma ko nang post tungkol sa pagdaan ng mga kaibigan:

    We are bound to take our own roads where the music leads us. Although we part, we can’t really say goodbye for when we come to life’s full circle, we will meet again.

    I cannot and will not forget them. Though they have left, something beautiful remains – the music we played together still echoes in sweet refrains.

    1. Wow naman parekoy..

      isa kang libro na tulad ng mga winiwika ng mga letra sa bawat pahina mo, pinupukaw mo ang aming mga isipan at damdamin.

      mga salitang hangad ay inspirasyon at aral sa bawat pangungusap🙂

      nice nice nice🙂

      btw, isinasabuhay ko ang mga salitang tumatatak sa isip ko, swerte lang dahil naintindihan ko ang sinasabi mo😀

    1. wow naman may ganun..

      friends na naman tayo e.. so swerte ka na rin.

      Nyahahahahah..

      malas ako parekoy may balat ako sa puwet🙂

  3. wow!!!
    this one is priceless.
    and it will cost a thousand words to explain the beauty of these pictures.
    astig.

    1. ang totoo n’yan binebenta ko s’ya.. Nayhahhahahaha jokeneneng😀

      pero tama ka nga, ang mga sitwasyong tulad na ‘yan ay hindi nababayaran bagkus, isinishare sa mga taong malapit sa buhay, at sa mga taong alam mong nangangailangan🙂

      salamass:)

      1. oo,
        sobrang totoo ang sinabi mo otep!!!
        teka.
        OU ako, kso masteral kaya lang sanday ang pasok ko.
        kung mas naunawaan ko sa na ang OU mas pinli ko
        ang kumuha na lang ng panibgong course kesa
        mag masteral. hehhehee.
        at malay mo magklasmate tau!
        hehehe
        maari po bang malaman ang kumpanyang iyong pinagtratrabahuan…

        1. sa Daily Tribune po ako work,

          OU ka din? ano mga subjects mo?

          ako first block lang

          LT110 7:30 – 10:30
          COM101 1:00-2:00
          COM10 2:00 – 5:00

          1. astig!
            opo.
            MPA 623 8:30-11:30
            MpA 621 12:00 – 3:30
            MPA 625/6 3:30 – 5:30
            basta di ko alam ung tamang sked pero ganyan un.
            hehhee.di ko lam kung sakto.
            sayang di tau magklasmate.
            at medyo malayong mangyari
            dahil sabado ka at akoy linggo.
            pero kung sakaling madaan ako don nong
            sabado.
            hahanapin kita.
            uupo lang ako sa may kalesa. hehehe
            ok? kaso di ko alam kung makikilala kita.

  4. ilang beses kung tiningnan ang dalawang piktyur….at pilit iniuugnay ang post mo sa bawat dapithapon ng iyong buhay…ano nga ba ang dala nito sa iyo: on work, pag-ibig, kaibigan…tatlong bagay na mahalaga sa iyo…
    otep, ang dapithapon datapwat nagbabadya ng isang pamamaalam ay hudyat ng isang mahabang simula ng pakikiulayaw sa magdamag, hatid ang pamamahinga at pag-ipon muli ng panibagong lakas tungo sa isang bagong umaga.
    it is life’s cycle interwined in nature; opening and closing the scene with the play of lights in the heavens….

    1. weeee..

      parekoy ganda talaga ng Lady in Blu mo astig.

      btw, ganun talaga pag imaw🙂

      masyadong naggagala ang utang sa mga bagay bagay na puwedeng ihalintulad sa nararamdaman, sa ganoon nakakabawas din ng ka emohan :)D

      yeah right.

      thanks🙂

    1. ahhh..

      check ko sayo ha..

      yung akin kasi may kasamang box yun.. tinanggal ko yung box, yung bar lang ang iniwan ko..

      i’ll check wait🙂

  5. Sa kabuuan, puno nang kalungkutan ang iyon mga kuha, ngunit paano naman ang natitirang liwanag? Hanggang silip na lang ba ang kapaliwanagang maaaring mangyari sa mga kapirasong sulyap nang naglalagablab na aurora ng dapithapon? Marahil, mabigat ang liwanag na dala nito, subalit sana ay nakapagpagaan pa din sa iyo ito kahit papaano, dahil tulad ng tao, mapagkunwari minsan ang liwanag ng langit… inaakala mo ang hindi mo inaasahang bagay.

    Isang pambihirang larawan na hindi napapansin ng lahat… bow po ako sa’yo… asahan niyong nakasubaybay ako sa mga kahanga-hanga niyong letra’t malikhaing maka-mata! ü

    1. wow napakabigat at napakatalinghaga ng bawat salitang nakapaloob sa tugon na ito.
      bow din ako sa interpretasyon na iyon nagawa!

        1. palakpakan!!!
          palakpakan!!!
          yahoo!!!
          oo nagkalat sila siguro
          dahil nakakasawa na din mag inglis. hehehe

    2. @ aerel23

      huwaw naman may ganun…

      isang makata mula sa kabilang bakod, wala ka pong URL paano kita mapapasalamat.. nyahahhaa parang kanta lang

      sana sa pagbalik mo mabasa mo ito🙂

      SALAMAT PO!🙂

  6. in lab ka na naman parekoy,
    sa trabaho naman parekoy, lakasan mo lang ng loob mo, kung sa tingin mo na may mas magandang opportunity sayo sunggaban mo, pero dapat masya ka sa gagawin mo

    1. uu inlababo ako ngayon hehhehe

      salamat na nga lana ko at inlababo ako kasi naman puso problem na lang kinahaharap ko, di ko na alam kung saan ako lulugar..

      salamat mang mar ha 🙂

  7. Naks! hanep sa kuha. kaaaagaleeeeng! Ang bawat takip silim ay may kaakibat na liwanag. Lahat ng bagay o problema tol, masasagot ng bukas. Basta alalahanin lang natin na sa bawat paglubog, may magandang bagay tayong dadalin at aalalahanin para mabaon sa bagong umagang darating sa buhay.

    Keep on inspiring peeps tol!

  8. i once joined a contest sa school namin. poetry writing. anything you desired to write. bahala rin kami kung saan kami susulat. doon ako sa ilalim ng puno. at yan ang topic ko, scattered blood beyond.

    ayun, okay naman ang kinalabasan. i just placed second.

    ayos ang interpretation mo. lalo na doon sa friendship aspect.

    hm, hindi ko alam kung anong masa suggest ko sa paghahanap mo ng ibang trabaho. sana makahanap ka muna bago ka umalis para makakapag decide ka pa until last minute kung ano talaga ang gusto mo. mahirap din kase kung iiwan mo ang isang lugar o bagay na nagpapasaya sa’yo.

  9. grabeh ang ganda ng shots mo…. kainggit na talaga … maari bang maihanay kita sa aking bagong lipat bahay?ang galing ng mata mo sa mga kuha mo… magandang composisyon ang hatid ng sunset… mas magnda kung kasama sa komposisyon na may tao… astig silhouette!!! yan ang maganda sa mga artist… dinadaan sa mga bagay na walastik…. At may nakita pa ako sa mga B-setting na shots mo grabeh!!!ganda…ipagpatuloy mo yan iho…

  10. tama talaga ako sa conviction na lahat ng blogger may kani-kaniyang emo moment. parang ikaw, mukang tamang emo ka ngayon parekoi. huhlolz!

    magaling ang mga kuha mo parekoi. bat hindi mo pag-ibayuhin ang pagiging isang malupet mong photo journalist? kung ano ang kalakasan mo, iyon ang tutukan mo. kung ano ang hindi kayang gawin ng iba na meron ka, iyon ang subukan mong hubugin.

    tungkol sa trabaho, payong ka-wavelength lang. wag ka munang lilipat ng trabaho hangga’t wala ka pang nahahanap na lilipatan. sa lipunang mas marami ang nagtatapos kesa sa trabahong maaaring ibigay, isang dosenang pagtatanto muna dapat ang pairalin kung talaga nga bang isusumite mo na ang resignation letter mo. doblehin mo ang isang dosena kung isa kang “panalong tinapay” na tumutustos sa lahat ng pangangailangan ng pamilya mo.

    at tungkol sa pag-ibig mo, naniniwala akong mahahanap mo rin ang tamang babae para sa’yo. at tulad ng sinabi ko netong huli lang, hindi mo talaga mahahanap ang taong para sa’yo kung patuloy mong isisiksik sa sarili mong ang taong nasa harap mo eh ang taong para talaga sa’yo.

    un lang naman. apir kawavelength!

    p.s. kelan pala pwedeng suutin ang llm tshirt? sabik na kasi ang nanlilimahid kong katawan. huhlolz!

  11. dude, maraming salamat ngayong araw. nag enjoy ako. medyo inuubo lang siguro ako kaya tahimik. hehe. nakakatawa nga yung mga banat mo..!

    er, nakilala ko na rin ang hari ng pangarap!

  12. ..haloOOOwwSSSss…
    nice piczzz hah!!

    ..takip silim!!!
    ..keep it up!!!

    ..just hanging around, i see ur blog!!!

    =)dhen_12

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s