EPEKTO NG BLOG


pangarap

Charity -tawag sa OT (overtime) na walang bayad, in short tinutulungan mo ang isang kumpanya para yumaman.  Kaw nagcha-charity works ka ba?

Anong related nito sa next topic ko? wala lang hehehehe😀

o well, papel, efel, kamakailan nakatanggap ako ng comment mula sa isa kong fan. (hulols) Nyahahhaha. s’ya ay si Ar’o mula sa e-bahay n’yang may titulong batanglakwatsero

Nagpapatulong s’ya sa kanilang aralin ukol sa epekto ng blog sa mga mambabasa at manunulat nito. Mula sa kasaysayan nito patungo sa mga kahalagahan upang matunton ang ugat kung paano ito nakakaapekto sa emosyonal na bahagi ng blogger at ng mambabasa.

At dahil tayming na tayming ito dahil sa nais kong ilahad ngayon, at dahil nais kong makatulong ay gagawin ko ito.

UGAT – Nagsimula akong magblog tatlong taon na ang nakakalipas, nag umpisa ito matapos bumagsak sa College Entrance Exam ng PUP. Sa sobrang kalungkutan na hindi ko makuha ang totoong gusto kong kurso at kawalan ng pag-asa na malabo na akong maging broadcaster balang araw, umusbong ang  konsepto kong libre lang mangarap.

Naisip ko na lang na gumawa ng isang blog kung saan masasaad ang mga pangarap kong wala ng katuparan, pero dahil naniniwala akong wala namang bayad ang pangangarap at naniniwala akong sa simpleng pamamaraan na ito ay maaari akong makakabahi  ng konting inspirasyon at aral sa mga maisusulat ko.

Pinangako ko kasi  sa sarili, na tutuparin ko ito dahil hindi pa naman huli ang lahat, habang may kumpleto pa ang katawan ko at nasa matino pa akong pag-iisip🙂

KAHALAGAHAN -Kung may halaga man ang blog sa’kin, ito yung tinatawag na: (1) nagkakaroon tayo ng layang maglabas ng kanya-kayang saloobin sa mga bagay-bahay o pagkakaroon ng boses sa mga isyu sa paligid at pamayanan (2) nagkakaroon tayo ng mga idea o mas lalo nating naiintindihan ang mga bagay sa simpleng pamamaraan o paliwanag sa pamamagitan ng opinyon ng iba (3) nagkakaroon ako ng kaibigan kung saan nagbibigay sa akin ng mga paalala at gabay o kahit opinyon na kapupulutan ko ng aral sa sariling kuwento o naisulat (4) Nagkakarron din ako ng pagkakataong makihalubilo sa mga taong hindi ko naman kakilala at malayang nakakapagbigay din ng komento na masasabi kong napakahalaga bilang isang mahusay na blogger (5) at higit sa lahat at saganang akin nagkakaroon ako ng pag-asa sa mga pangarap kong naudlot sa pamamagitan ng pagsubaybay dito.

EPEKTO/EMOSYON – katulad pagpapaliwanag ko sa kahalagan halos katulad din ng epekto ang kahulugan nito . Kung maisisingit man natin ang epekto nito sa emosyonal na mambabasa ito siguro yung: (1) Masasabi mong nakakapulot ka ng aral o inpormasyon, at habang tumatagal mas lalo itong nadaragdagan (2) Siguro, na-ilalagay mo ang sarili mo sa sitwasyon habang binabasa mo ang salaysay ng iba at mapapatanong ka, paano kung nangyari din sakin ‘to? (3) Sa sitwasyong nakakatanggap ako ng magagandang kumento, malaking epekto ‘to para mas pag-igihin mo pa ang mga naisusulat mo. Kumbaga sa isang vitamina ito yung nagbibigay sustansya sa blog mo. sa pamamagitan kasi ng komento masasabi mong naging matagumpay ang post mo.

Malaki talaga ang nagiging epekto nito sa kapwa mambabasa at manunulat. at bilang blogger na napapaloob sa dalawang uri na ‘yan, may opinyon din ako d’yan.

mambabasa –sa maling interpretasyon na maaring makuha nila sa nilalaman ng post mo, maaari din itong maka sugat sa kamalayan ng tao. Ang pagbabablog kasi ay hindi lang napapaloob sa sinasabing malayang pagpapahayag bagkus responsibilidad dahil maari kang makainpluwensya.

manunulat –sa blogger na tulad ko dalawa lang ang maaring maging epekto nito mula sa komento ng mambabasa. epekto na nakakataba ng puso at epekto na nagpaapekto ka talaga hehehe. Sabi nga nila, ang komento ang nagiging kabayaran sa mga pagkukuwento mo, maliban na lang kung may Ads ang blog mo. Kaya nga yung iba halos pasukin na ang lahat ng bahay-blog at magsabi ng “padaan po” para mapuntahan din ang bahay n’ya at baka sakali ding makatanggap din ng puna.

parang ang nagiging batas na nga sa blog ay “koment mo ko, koment kita” hehehehe.

Pero dahil naman doon, umuusbong ang matibay na pag i-spamman este pagkakaibigan. Kaya nga usung-uso na ang GEB (group eye ball).

(At nangalap talaga ako ng case study)😀

Ayon kay Jason ng jasonhamster ang bagong RIZAL

Malaki daw ang naging epekto nito sa araw araw n’yang pamumuhay, tulad ng dati n’yang pag ku-computer games ngayon ay pagbablog na lang.

Sa blog daw kasi nagkakaroon s’ya ng kaibigan yung tipong di ka iiwanan, kumpara sa mga high school o college friend na panandalian lang.

Sa pamamagitan daw ng blog mas nalalabas n’ya kung sino s’ya at nakakapagpalabas ng kanyang sariling opinyon (tulad ng ibang blogger)

Kung mayroon man daw na napakalaking pagbabago sa buhay nya ito yung hindi na s’ya naging mahiyiin. Oo nga naman, na meet na nga n’ya yata lahat ng blogger Nyahahahahaha :))

Sa mga tulad naman nila Rye (Malaysia), Dencio (UAE) at Bluguy (Italy)  kapwa nasa iba’t ibang parte ng mundo, paraan din ito para libangin ang sarili sa kapaki-pakinabang ng paraan. at sa aking palagay para din makabalita mula sa kanilang pinanggalingan.

Kung pag uusapan naman ang emosyon, siguro pumapasok pa rin dito ang komento. pero gaya ng sabi ko ang KOMENTO ay KOMENTO gaano man kasakit o gaano man nakakagago, sa pagbablog kasi matatanggap mo lahat ng uri ng komento, may pambabastos, may pagmumura, at may paninira pa nga ang iba.

Minsan nakatanggap ako ng ganito, masakit syempre sa una, pero matatanggap mo din kalaunan, sa masasakit kasi na puna doon ka pa matututo, doon mo maitatama ang mga bagay na sa tingin ng iba na di kagandahan at sa pansarili mo na ring kamalayan.

Waaaa nosebleed na ‘to. partida tagalog post ‘to.

Hindi ko na kaya!,  ganito na lang,

kung gusto n’yo tumulong ukol sa:

epekto ng blog sa mga mambabasa at manunulat nito. Mula sa kasaysayan nito patungo sa mga kahalagahan upang matunton ang ugat kung paano ito nakakaapekto sa emosyonal na bahagi ng blogger at ng mambabasa.

i koment mo na lang dito, alam kong pangarap mo ding makatulong🙂

40 thoughts on “EPEKTO NG BLOG”

  1. ang pagbablog o ang blogosperyo ay naging kanlungan ng mga taong(katulad ko) nais ipahayag ang hubad na kamalayan ng may kalayaan.
    isang uri ng tepapiya sa kalungkutan lalo na sa katulad naming nasa ibang bansa…at nakikipamuhay sa hiram na kultura…
    nasa blogosperyo ko rin natagpuan ang maraming kaibigan na ni sa hinuha ko ay magkakaroon ako; iba’t-ibang antas, edad at katayuan sa buhay….
    masaya…..

    1. Wow. salamat naman sa pagdodonate ng iyong epekto. hehehee

      pero tama tama, may tama ka!

      i love the words “tepapiya” at “hubad na kamalayaan” astigin ka dong!

      oi teka, wala pa akong ideya sa looks mo.. penge pics. o kaya gawa ka na lang ng avatar🙂

      feeling ko tuloy kamukha mo si padre damaso, gusto mo ba yun?🙂

  2. Maraming epekto Otep, nagiging competitive ka pagdating sa blogging, iisipin mo na maging stand-out from the crowd ka diba? Character assassination, natututo kang mag hack, ano pa ba? Some for the better, some for the worse ika nga..

    Better kase andiyan yung mga blog kung saan nagtataglay ng topics about yung advance technology, tools etc na talaga namang nakakatulong. Yung downside naman, marami na kaseng naglalabasang blog na pare-pareho ang mga topics nagiging congested na, kaya naglipana na ang mga personal blogs na yan..yan lang masasabi ko lol. Nagkakamabutihan, inlaban sa blog😉

    So malaki talaga ang epekto lalo na sa personal na pamumuhay.

    1. uu nga tama, naisip ko din yun,

      nagiging epekto din pala yung kompetensya? puwede ko bang gamitin yung term na yun. Nagpapasiklaban din sa blogs kung saan mas lalong nagiging kagilasgilas ang mga nagagawang post nito.

      pag personal kasi ang kategorya ang blog mo.. mas marami kang makukwento, ayun siguro yung advantage ng personal kumpara sa ibang kategorya na may binabatayan di ba?

      heheheehe uu may nagkakainlaban pa sa blog, pero ang mas malupit may nagkakaaway.. hummmmm..😀

  3. ang epekto ng pagboblog ay ano ah

    namention ako d2 sa blog o!

    hehehehehe

    salamat!!

    yan pala interview session kanina

    ilalagay mo pala d2 LOL

    adik ka!

    adik!!!

    1. uu ganun na nga..

      mukang napanis ka sa post ko ha, eksi na comment mo Nyahahahaha

      ayos lang nasabi ko na yung dapat mong ikokoment😀

      salamat🙂

  4. bakit nga ba ako nag blog? dahil maliban sa f’ster at facebook sa blog ko idinadirect ang mga kaibigan kong di ko na nakakasama para mabasa nila ang update sa buhay ko. masyado na kasing busy ang bawat isa sa amin at madalas nakaharap sa pc kung kayat alam kong alang excuse ang bawat isa na mag update ng mga buhay nila. maliban jan nakita ko kasi na mas malawak ang sakop nito kesa sa ibang networking sites. tinawag ko tong infinity dahil narin sa konseptong habang nabubuhay ako at kahit wala na ako eh mabubuhay pa rin ang ala ala ko sa pamamagitan ng blog na ito. kahit manlang sa ganitong paraan makikilala ako ng mga magiging apo ko… haha…

    epekto? tulad ng mga nasabi mo otep ganun din halos mga naging epekto nito sa akin. pero ang isa sa pinakamagandang epekto nito ay nakilala ko kayo. na sa pamamagitan ng pagbblog maari rin palang mabuo ang pagkakaibigan. mas madali kasing magsabi minsan sa mga taong di mo kakilala o di ka kakilala dahil andun yung konsepto na mas malaya ang takbo ng damdamin, yun bang alam mong di ka agad huhusgahan di tulad kapag magkakilala ka yo. kasi makakakuha ka ng komento outside the box na mas makakakatulong pa sa iyo.

    ayun lang… pero tatandaan nating lahat na tao rin ang kumokontrol ng bawat blog kaya sa umpisa palang ng pagpasok natn sa industryang ito dapat nating tanggapin na we cannot please everybody.😉

    sana may naitulong naman daw ako… hehe

    1. ito naman yung gusto ko sa mga post ko, yung tipong alam kong nakakarelate yung readers ko tulad mo.

      o see, dahil apektado ka sa nabasa mo sumagot ka sa pamamagitan ng komento at dahil doon nagbahagi ka din ng palagay mo🙂

      pero marami kang tama, pareng Yhen. hindi mo talaga mapiplease ang isang tao, parang komentaryo din sa pahayagan/dyaryo pag may nabasa ang isang mambabasa mula sa tilamsik ng iyong pluma. siguradong pupunahin ito, sa maganda o di kagandahang feedback di ba?

      salamat sa pagdodonate🙂

      1. shocking… may mga tilamsik pa ng pluma… nu ba yan… hehe di kinaya ng powers ko yun otep…

        oist dika pa nagreresponse sa offer ko… haha

  5. ayun…dahil sa naka kalap ka na..ng dahilan at epekto ng blog sayo hindi ko na sasagutin..hehe..

    meron kasing malaking bagay na hindi ko pa kailangan sabihin kung bakit ako nag blog hehe..(oo may dahilan ako)

    kaya ayun..salamat sa pag tatanong mo..tama si jason..isa rin sa epekto ng blog sakin ang makakilala ng ibang tao na hindi mo aakalain na magiging kaibigan mo higit pa sa madalas mong makasalamuha..

    1. uu nangangalap kasi ako ng case study kagabi. ayun busy ka kagabi e Nyahahahahaha🙂

      wows! misteryosang pating😀

      sabi na e! love team talaga. Nyahahahhaahah

      jokeneneng lang😀

      salamat din🙂

  6. malaking tulong ang pag ba blog. mailalabas mo yung gusto mong ikwento o sabihin sa kahit anong paraan. walang rules. walang tamang format. walang dapat sundin nasa sayo ang style. kaya para sa akin ang blog na yata ang pinaka flexible na paraan para makapag relax!

    masarap basahin ang mga comment ng mga taong babasa ng blog mo siguru sa paraan na yun nakakakuha din tayu ng fulfilment sa sarili na somehow may naaliw o natuwa sa ginawa natin, di man natin personal na kakilala yung mga tao still naglaan sila ng oras para sa pagbabasa at yun lang masarap na sa pakiramdam ang maapreciate na iba..

    marami tayong magiging kaibigan sa blog.. mga taong malalalim ang pananaw kahit ibat iba ang experience.

    yun lang po.. bow!! ^^

    1. Wow.. uu nga tama yung mga sinabi mo.

      hindi nga natin sila kilala pero nagtatiyaga silang masasin bawat kuwento natin.🙂

      at isa pang tama! isa itong magandang pang relax at panlibang sa sarili🙂

      salamat sa ambag🙂

  7. well said. ang madadagdag ko lang ay totoo na salamin ito ng personality natin pero minsan big liar din kaya dapat doble ingat pa din sa pagkakatiwalaan.

    pagagalitan kita,

    otep nextime wag kang mambubully sa EB nyo. nabasa ko sa post mo kay lovely. sya na nga lang babae e. pag may nagsumbong pa sa akin lagot ka sa kin. be gentle and pls lang maging aware sa mga jokes. baka kasi nakaksakit kana akala mo nakakatuwa pero may nasasaktan na pala. umayos ka.

  8. weee… salamat sa’yo idolo! ü… nahipo (na-touch) naman ako sa ginawa mo… madami din ako nalaman at sana magpatuloy pa ang lahat sa pagtulong sa iba ding nangangailangan. MABUHAY!

    Unang hakbang pa lamang po itong talakayang inyong binuksan. Marami pa pong susunod at sana”y nariyan pa rin kayo…

    at kay kua otep-> ISANG MALAKING SALAMAT na mula sa amin iyong natulungan.ü

  9. mahusay ang iyong akdang ito.. napakaayos ng pagkakasulat. malinis, madaling maunawaan. malaking tulong talaga ang pagboblog..

    pag-open ko pa lang, kala ko pacontest ulit eto..hehe..pacontest ka ulit ng tshirt,,tapos ung hindi padamihan ng comments, wala akong laban dun e..hehe

  10. Interesting post and interesting propositions.

    I have been blogging for three years already, and when I started blogging I posted my essays, feature stories, and free verses. They included musings and rants. And then I decided to change course and focused solely on posting about short travels. And just recently, I decided to create a separate blog for my other word works.

    Sometime ago, I also posed myself the question: Why do I blog?

    Other greater minds in the blogosphere say that we blog to feed the narcissistic monster inside us (and the statement excludes them?). Maybe. But still, I believe there are many who blog for noble reasons. And I can enumerate many.🙂

    Like those other great bloggers who have commented here before me, I came up with the “noble reason” of promoting the beauty of the Philippines a nook or a cranny at a time…🙂 And this is through my photographs… Errr… did I say I am selfless?🙂 Hehehe…

    Seriously, I believe it all boils down to that innate human need of connecting to others whatever our reasons might be: we are making a difference, we are changing lives, we are inspiring others, we are making others happy, we are bring others closer to God, and the list goes on….

    We always want to connect to some degree, introverts included. And the internet has provided the media to easily do so, in an impersonal way, with no strings attached for many.

    And I believe that for true friendship to flourish out of the blogosphere, such connections need to consummated by actual meetings. We need to face the fact that the fiber webs of reality exist outside of the virtual world created by electronic signals that travel by the speed of light.

    I believe that deep down the sweet crusted coating of “blogging to express and not to impress”, we blog because we need to make connections outside of ourselves – to share ideas, opinions and thoughts and eventually to complete the full fruition of human connection which is real friendship.

  11. wow wala akong masabi nose bleed🙂

    galing!

    sabi nila pag mahaba ang comment dapat mahaba din ang reply..

    kaso wala talaga ko masabi. nice! nice!🙂

  12. Hmm , so interesting🙂
    I do remember my classmate !!

    She made a blog in our Section site,
    Sinabi niya lahat ng hinanaki niya
    Sa mga teachers namin kasi araw
    Araw mga teachers namin laging
    Nagagalit sa tuwing papasok sila
    Sa class namin, pero ako di ko din
    Siya masisisi kasi, tulad nga ng
    Sinabi mo sa blog mo at sa pagka
    Kaintindi ko “ANG BLOG dito
    naipapakita o naipapahatid ang
    Isang mensahe ng isang Tao

    Naiintindihan ko ang kaklase ko
    Pero ang Mali Lang niya lahat
    Kami na mga inocenteng Hindi
    Naman sangkot sa pgkagawa ng
    Blog Nadamay at may posibilidad
    Na bumaba ang grado sa conduct

    Sa blog niya kasi , she mentioned
    Names !! “SPECIFIC NAMES”
    And it’s rude, ung asawa ng nabanggit
    Na nasa ibang bansa ay nagulat din nung
    Nabasa niya yung blog :((

    Madami nga talaga nagagwa ang
    Technology , especially Blogs
    Kasi it’s a Kind of Web na the
    whole world can read !!

    “all I can say : IT ISN’t PROHIBITED
    TO SHARE OR SHOW FEELINGS
    BY THE USE OF BLOGS OR WHAT
    EVER, But It must takes limitations
    And think what will be the fruit”

    Haistt !! YOUR BLOG IS HELPFUL
    TO EVERYONE MR.OTEP😀

    TILL HERE !!

    More Blessings ^^ See yahh

  13. “koment mo ko, koment kita”

    LOL! patakaran na nga ata ito! wehehe.

    dati sa isip isip ko, di naman siguro ganon… pero ganun nga! nyahaha.

    pero polisiya ko (personal lang naman ito) pag wala akong makocomment sa blog post, e wag na lang ako magcomment at iintayin ko na lang yung next post nya. pero pag wala pa rin akong macomment sa next post nya, sasabihin ko na lang: *kaway kaway* hehehe.

    *kaway kaway*😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s