DEAR FRIEND, NAGSESELOS AKO!


selosKung inaakala ninyong may kinalaman si Marvin at Jolina sa post na ito mag-isip isip na kayo dahil nagkakamali kayo. Sinusulat ko ito dahil wala naman kasi akong kaibigan sa personal na buhay para pagkwentuhan nito. Kung mayroon man ay ‘di ko rin naman sasabihin  dahil alam ko na ang sasabihin nila -mala comedy bar na pagtawa. Hindi kasi magandang tingnan sa lalakeng tulad ko na mag-emo sa personal.

Tutal, tinuturing ko naman kayo bilang kaibigan, at alam kong ganoon din naman kayo sa’kin, maliban sa mga taong suklam na suklam sa’kin dito na kulang na lang ay sabihan ang lahat ng blogger para iwasan ako, pasensya ka na hindi mo deserves ang emoness ko.

Siguro naman, lahat kayo nakadama ng pagmamahal sa mundo. Pagmamahal na nagdadala sa’tin ng kaligayahan at kadalasan ay kalungkutan din, pero kung iisipin pangit din naman kung puro kaligayahan na lang. Sabi nga nila paminsan-minsan ay kailangan din na’ting humarap sa mga ka-emohang bagay. Personal kasi akong naniniwala na sa pamamagitan nito mas lalo tayong matututo at mas tatatag ang samahan ninyo.

Dahil nga doon, hayaan n’yong ikuwento ko sa inyo ang dahilan ko kung bakit ako nag-eemo.

MAHAL PAANO MALALAMAN?

Isa na daw sa madaling paraan para malaman mo kung mahal ka o mahal mo ang isang tao ay kung ikaw ay nagseselos o pinagseselosan.

Ito na yata ang isa sa pinaka mahirap mawala sa’kin, seloso kasi akong tao. Yung tipong kahit sino o kahit na sa maliit na bagay ay pinagseselosan mo. Lalung-lalo na sa mga kaibigan n’ya. Yung tipong “sana lagi mo s’yang kasama”, yung tipong baka may magkagusto sa kanya o baka s’ya mismo  ang magkagusto sa iba. Yung tipong sobrang paranoid ka na baka sa ilang sandali ay baka mawala s’ya sa’yo!.

Pag inlove ka sa isang tao, gusto mo sa’yo lang umiikot ang mundo n’ya. Yung tipong patay na patay s’ya sa’yo at masasabi mong “ang haba ng hair ko”

Kung puwede, oras-oras mo s’yang kausap, kung puwede lagi ka n’yang tiniteks ng kahit ano.

Dahil nga mahal mo ang isang tao, kahit saan naalala mo s’ya kahit sa mga oras na tulad nito, habang nagbablog ka. Hanggang sa pagtulog at paggising s’ya ang lagi mong naaalala (parang kanta lols.) kaya sobrang saya mo pag ginising ka n’ya sa pamamagitan ng tawag sa phone, kahit sa teks lang, babangon ka na may ngiti at feeling mo “complete “ ka na. Minsan nga gusto ko bumanat sa teks  “Mahal, puzzle ka ba?, ang aga-aga binuo mo na araw ko” pero dahil gasgas na yun at kumita na, minsan ikaw na mismo ang  mahihiya sa sarili mo,😀 kaya di mo na itutuloy.

Nagdaan na rin ako sa ilang relasyon at napatunayan ko na dalawa lang ang nagiging dahilan kung paano ito natatapos; dahil sa sinakal n’ya ko o sinakal ko s’ya.

Ngayon, feeling ko na naman nananakal ako, at nakakasiguro ako na iisa lang ang ibig sabihin nito, MAHAL KO YUNG TAO.

Minsan kasi, sa sobrang pagmamahal mo, gusto mo ibigay lahat ng gusto n’ya, kahit alam mong masasaktan ka. Ni-ayaw mong magalit s’ya sa’yo o tampo man lang. Pero minsan sa sobrang mapagbigay mo, nauuwi ito sa dalawang bagay (1) lalo ka n’yang mamahalin (2) o aabusuhin ka at mauuwi sa ka-walang sustansiyang relasyon o pagsasama, nawawala dito yung tinatawag na’ting thrill sa buhay.

give and take ba tawag dun?

Sa huli, sinasabi ko na lang sa sarili ko na: “kung kayo talaga sa isa’t isa, kahit anong mangyari kayo pa rin ang magkakatuluyan sa dulo”.

ganoon na lang ba lagi?

sa bagay, kung di ka na talaga gusto ng tao, anong magagawa mo?

Pero, kadalasan sinasabi ko din sa sarili ko: “mahal na mahal ko s’ya, gagawin ko ang lahat para magsama kami, sakaling di n’ya na kaya, wala na naman ako magagawa kundi palayain s’ya.”

Masakit  malaman na pinipilit n’ya lang paniwalain ang  sarili na mahal n’ya ko, dahil alam n’yang masasaktan ako, kaya mas mabuting layuan n’ya na lang ako, kaysa magsinungaling s’ya ng makadalawang ulit, -sa sarili n’ya at sa akin.

NAPANSIN MO?

Dahil sa selos ang dami na agad pumasok sa utak ko. Kaya ang selos walang magandang pinatutunguhan kung meron man iyon ay napatunayan mo na mahal mo ang tao, pero hindi naman lagi, marami pa ring paraan.

Tandaan: Ang selos, nakamamatay! lalo na kung patay na patay ka sa isang tao😀

Nais ko lang iparating na dahil sa selos maraming maaring kahinatnan ang selos sa maganda at pangit na resulta.

nasa iyo na ‘yon kung paano mo panghahawakan.

“I am not jealous, I can’t be jealous, I’ve never been jealous… ngayon lang! -janluyd.

26 thoughts on “DEAR FRIEND, NAGSESELOS AKO!”

  1. ahahaha

    ganda ng kowt ni janluyd😆

    tama ka nakakamatay ang selos otep..

    elib ako sayo kasi kahit lalaki ka may puso ka

    i mean di ka nahihiyang ilabas yun true feelings mo..

    hugs sayo otep😉

    at gusto ko pa rin yun nasa taas>> butete of fish basta i lab it😉

  2. ..ahhhhhhhhm totoo yun kuya. malalaman m0 nga na mahal mo talaga isang tao kung nakakaramdam ka ng totoong selos. yung tipong nasasaktan ka talaga, yung tipong magsusulat ng ka entry sa blog mo, na may selos issue? hehe.
    ..serious.kala ko girls lang nakakaramdam ng ganitong pagseselos. hehe. mahal mo po sya talaga. at kung yun nga yun. pakita mo sakanya na ganun ang nararamdaman mo. kung mahal ka rin nya, mararamdaman nya kung ano ang feelings mo.. kaya wala naman problema kase mauunawaan ka nya.
    ..at talagang umiinlab! goRogow lang!😉

  3. Kung pakiramdam mo ay nababalewala ka sa kanya
    IWANAN MO NA.

    hindi nya deserve ang pagmamahal mo.

    pero kung gusto mo ilaban, do it.
    pero kapag napagod ka na, let go.

  4. s plagay ko, okay lng n mgselos ka. natural lng naman un. as long as nasa lugar ung pgse2los mo. alam mo yun? haha. oo yun nga. qng meron kng nki2ta n kahina hinala, un n siguro ung right time para kausapin xa.

  5. uii nakarelate ako! kanina ko lang naramdaman yunG selos na yan..
    kahit wal na ako karapatan magselos or churvah eh di ko parin mapigilan kahit sabihin
    ko pang hindi tama.. sus.. tzk tzk.. saKLAp! naman oh.. T.T

  6. jealous is an ingridient of love..
    ok lang yang emo kailangan natin talaga yan para mailabas.. hindi kasi pwedeng solohin lang!

    i’ve learned…
    that just because someone doesn’t love you
    the way you want them to doesn’t mean they
    don’t love you with all they have.

  7. haha… haizzzz ako selosa pramiz… minsan daw nakakkilig kaso minsan nakakainis… dapat swabe lang… hehehe… sino kaya yan? parang nagselos ako nyahaha…

  8. oy!! ngayon ko lang nabasa… kanio yan huh?! hehehe

    Kyuryus lang naman.. hehehe…

    sino ba kasi yan?

    pakilala mo naman sakin^^,

  9. aq kc pag nag cclos hndi q nalang penapansin bf q. ayun makakahalata na ang luko…magtatanung nayun qng bakit.tas sasabhn q wala dun ka nalang sa trupa mo mas may time ka naman sa kanila eh .hehehhe ohh dba paawa efeck….^_^

    tapuz bbreak q yun ayun iiyak na yun sa harapan q.taz sasabhin nya sakn qng hangan ganun nalang ba kami.aq naman bahala ka para wala ng ka agaw ang trupa mo sa time mo ayun ayaw makipag break aawayen aq ng gago at sasabhin hndi na.iyakan nanaman hehehehe… yun nga lang ang naging bf q na umiyak sa harapan q ang sweet…i love U so much dady.sana alagaan mo baby natin love u p0 @};-

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s