GEB: BERSYON NI OTEP


PHILIPPINE BLOGS AWARD 2009

pba09-nomineeSa kabila ng mga kaemohang nagaganap sa buhay ko, may mga bagay pa ring nagbibigay sa’kin ng saya maliit na bagay pero, puwedeng puwede na. Ngayon-ngayon lang matapos ang protesta ko sa PBA09 (toinks!) nagawa ko silang masindak (lols) at ito na nga ang nagpangiti sa’kin, qualified daw ang blog ko at ito ang e-mail nila sa’kin.

Hi Otep,

I double checked your URL in our list and you are one of the qualified nominees under the Personal Category.
We’re not sure what went wrong, but you probably didn’t receive the system-generated email.

Anyway, we will still be announcing the official list of nominees within the week, so keep
posted.🙂

Regards,
Hana
O mga parekoy sabi naman sa inyo, libreng libre pa ring mangarap ng award kaya walang mawawalan ng pag-asa. Nyahahahaahhahaha😀
May pag-asa pa pala blog ko. hehehehe😀
BLOGGERS’ GRAND EYEBALL 2009

Grand Eyeball 2009Sa wakas matapos ang ilang taong paghahanda (toinks! kalabisan) natupad na rin ang pinapangarap nating pagkikita (mga bloggers!) o ang mas kilala sa tawag na Grand Eyeball.

Mula sa trabaho ko, dali-dali akong nag time out, at lumabas ng opisina, bumungad sakin ang malakas na ulan at hangin. Pero hindi ako nagpatinag sa kan’ya dahil pag nagkataon yung Tivoli na lang ang maabutan ko doon.

Balak ko talagang mag taxi noon, ang kaso walang masakyan dahil sa napakalakas ng ulan. nagkabuhul-buhol pa ang traffic sa kalaw cor. taft kaya hindi ko alam kung saan ako sasakay ayoko naman mag LRT dahil hindi ko talaga alam papunta doon.

May huminto namang  taxi sa’kin at noong sinabi kong Mandaluyong. ampupu.. sabay sarado ng pinto at andar ng taxi n’ya. May huminto muli sa’kin pero ganoon din ang senaryo malayo daw, noong may papalapit ng taxi ampupu inunahan ako asar.

Hindi ko hilig magdala ng payong kaya naman basang basa ako, ang buhok ko na tayu-tayo kanina dahil sa wax, ngayon ay tila isang basang pusa na’ko (hindi sisiw para maiba naman).

sa ika-apat na pagkakataong may dumating na taxi na walang laman, mapalad nya akong pinaunlakan ng sakay, yun nga lang imblis na 30 ang flatdown/flagdown rate ay nadagdagan ng “0” kaya naging P300. Pinatos ko na alang-alang sa nanlalamig at basang basa kong katawan.

Sobrang ginaw sa loob ng taxi. at sa pagdaan ng maraming minuto natuyo na rin ito.

Matagumpay ko namang nalibot ang Pilipinas sa haba ng biyahe, mabuti na lang maalam si MABAIT na Manong at siya na rin ang nagtanong-tanong sa mga nadadaanan namin kung saan ang Tivoli Garden.

Pagkarating na pagkarating ko sa nasabing lugar, feeling ko may red carpet premiere, kasi wala akong nakikitang tao. Nyahahahahaha, kinakabahan ako kung saan ako pupunta habang nasa loob pa ng taxi mabuti na lang at nagmistulang kabute si Mang Bernard kaya nawalan na rin ang kabog sa dibdib ko.

Masaya akong bumaba ng taxi, pakiramdam ko na sa kahaba-haba ng kulitan sa blog ngayon ay masisilayan ko na ang pagmumukha nila.

May nakipag shake hand sa’kin sa labas akala ko staff ng Condo, hindi kasi s’ya pamilyar. Biglang pumasok sa isip ko si MB (Mark) akala ko s’ya yun. (feeling close pa naman ako) si Wolf pala yun.

Pagkabukas ko ng pinto, nagulat ako sa nakita ko hindi ko kasi iniexpect na ganoon sila kadami. lumibot ang mata ko at pilit na tinatanim sa utak kung sinu-sino ba ang nakikita ko.

Kaso ang ilan talaga ay parang ngayon ko lang makikita.

Pagka-upung-upo ko pinamigay ko na ang LLM T-shirt ko sa mga makakalyong nagwagi ng aking papremyo. Nahihiya nga ako kahi hindi naman lahat mabibigyan.

At pagkatapos kong mapamudmod yun, tila isa-isa silang nawawala sa paningin ko. Parang may isang sakit lang akong nakakahawa kaya ang ilan sa kanila ay nagsikulasan.

Nasaktan ako noon. (toinks!) NYahahahahahaha hindi bagay.

Sa paglipas ng oras unti-unti ko na rin silang nakikilatis at nakukuha ang kani-kanilang pagkakakilanlan.

Tulad ni Bluguy hindi ko talaga akalain na s’ya yun. napakakagalang-galang gusto kong balikan lahat ng mga naikoment ko sa blog n’ya baka may nasabi akong hindi maganda. hehehehe🙂

Unang beses ko rin narinig/nakita si Mhar (taympers) hindi ko maaproach kasi baka sapakin na ang ako bigla. Nyahahahahahaha. lols

Pero mukhang nakabisita na sya dito sa bahay ko dahil isa rin s’ya sa naririndi pag pinapatugtog na ang national anthem ko “libre lang mangarap”

ayan tinanggal ko na s’ya.. naririndi na rin kasi ako e. hehehehe

Si Lei naman daw ang pinaka-batang blogger sa edad na 16 kaya inggit na inggit si Pareng Rye.. 37 na kasi sya lols (Happy Birthday!)

Si Winkie naman ay napagkamalan kong si Azul. hindi kasi kami close (ngayon close na nyahahahahahah) salamat sa taxi ha, nakalibre ako. Naniniwala na akong maliit talaga ang mundo, biruin ko magkalapit lang tayo ng condo.

Naniniwala na rin talaga akong kamukha mo si Mariele Rodriguez wag ka lang sa-side ha nagmumukha kang Zanjo Marudo Nyahahahahahahaha😀

Wala naman akong masabi kay Alvin, Jason Ax at Lovely wala namang nabago sa kanila mula noong huli naming pagkikita😀

Si Yhen naman ang pinaka-cute na blogger para sakin, hindi s’ya mahirap i approach lambing pa. Ayeeeeeeee..🙂

Si Joycee naman ang pinaka pretty nice! close na kasi tayo. Nyahahahaha. sorry pala sa mga badwords ko nasanay kasi akong ka-chat sila na nag eefalan kami kala ko okay pa rin sa GEB.. sorry na.😦

Kay Mommy Kenkay naman tenks sa pangongolekta ng pagbayad sa PIZZA. dahil sayo nalagasan ako ng isang daan at salamat at naiuwi ko ang isang buong PIZZA Nyahahahahahaha😀 NYahahahaha😀

sugapa lang talaga ako, sayang kasi baka itapon lang yun. kaya pinakain ko lang sa mga nagugutom.

kay Rye, salamat  sa pasalubong pero mas maganda siguro kung mas malaki yung pasalubong. Totoo ngang nakakapagpangiti ang tsokolate,🙂

at hinding hindi ko makakalimutan si Eli, sobrang kakaiba mag pasalamat, ihampas ba naman yung LLM T-shirt sakin. Nyahahahaha.. walang anuman parekoy at salamat sa pasasalamat🙂

Hanggang sa susunod🙂

22 thoughts on “GEB: BERSYON NI OTEP”

  1. base ako! salamat sa tip otep hehehehe…..hmmm ..masaya ang geb…feeling ko magkakilala na nga tayo…halata ko lang talaga natameme ka sa akin hehehhe…alam ko! haysss…ok lang yun…si otep ka di ba? aba’y panindigan mo….no going back…naisulat mo na kaya sa comment section ko hehehehehe….
    anyways….salamat kaibigan….emo! hekhekehek….di yata bagay sa akin…..

  2. naku, awaiting for moderation comment ko. malamang di ako base! hehehe!

    wow, congrats naman at qualified nominee ka sa PBA. ang galing ah! payanig ka pag nanalo ah! hehehe!

    iniinggat ko na lately na di ako sa-side… baka maging kamukha ko si zanjo! hahaha! loko ka talagang otep ka! hehehe!

    1. oo winkie kailangan e..

      btw. oo qualified na daw ako Nyahahahaha🙂

      oo yayanig kasi guguluhin ko mga buhay nyo pag nafanlist ako. toinks!
      Nyahahahahaha.. astig ka nga Zanjo e may bago kang primetime🙂

  3. Uy otep.congratz.official nominee ka.waah ako inisnab nila.hehe

    natawa ako sa sinabi mo sa akin.ganun tlga ako magpasalamat.minsan nga wid matching dagok pa e.haha

    1. hahahaa ako din natawa sa ginawa mo sakin Nyahahahha lols. adik ka lang talaga🙂

      salamat din..

      uy, wag mawalan ng pag asa baka nasa list ka din, di ka lang napadalhan ng notification🙂

  4. well deserved. congrats! *applause*

    haha..nangungulit lang. in the end, wer not here for the awards. wer here to inform, to have a creative outlet….and consequently meet new friends that u never could have imagined u would meet before u started blogging.
    …and these new friends and the support u have gained, the new found creative and personal growth, are the ones that u really deserved. congrats *applause*

    —–I RECYCLED MY LAST COMMENTS. 🙂

  5. wahaha…

    puro ka pambobola otep…

    pero salamat talaga sa MEDIUM na LLM shirt ha… napairal tuloy ang imahinasyon ko at nagawan ng paraan ang medyo (oo medyo lang naman) fitted na LLLM shirt… hehe…

    natuwa ako sa iyo… isang makulit pero mabait na bata… naks… yan quits na tayo…. hahahhaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s